
Tumingin ka nga sa paligid ng inyong paaralan. May nakikita ka bang mga puno? Maaari mo bang pangalanan ang mga punong iyong nakita? Nakita mo ba ang puno na nasa larawan sa inyong paaralan? Ito naman ang ating pambansang puno, ang Narra. Malaki at matibay ang puno na ito. Ginagamit ito sa paggawa ng mga upuan, lamesa at iba pang mga kasangkapan sa ating bahay. Pag-uwi mo mamaya sa bahay, tanungin mo ang iyong ina kung mayroon ba kayong gamit sa bahay na gawa sa puno ng narra. Ang larawan sa iyong kanang bahagi ay ang ating ating pambansang dahon. Ang Anahaw, isang dahon na malapad at nakabukadkad na parang pamaypay. Nakakita ka na ba nito? Alam mo bang sa pamamagitan nito ay maaari kang makagawa ng isang bag, tsinelas at pamaypay? Dahon lang ito kung tutuusin pero maraming maaaring paggamitan. Alam mo ba ang sayaw na Cariñosa? Ito ang ating Pambansang sayaw. Isinasayaw ito ng isang lalaki at babae. Ipinapakita ng sayaw na ito ang pagkamahinhin ng isang dalagang Pilipina.
Quiz by Jeford Charles Cagas
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.