
PAGBUBUOD, PANGUNAHING KAISIPAN, AT PANTULONG NA KAISIPAN
Quiz by Eloisa Montemayor
Track each student's skills and progress in your Mastery dashboards
Ang pagbubuod ay isang kasanayang dapat malinang ng isang mag-aaral na katulad mo. Makatutulong ito upang mailahad mo ng mabisa ang iyong binasa, pinanood o pinakinggang teksto.
Sa pagbubuod ng isang teksto, isa-isahin lamang ang mga mahahalagang detalye at iwasan ang maglahad ng mga patunay o ebidensya gayundin ang mga opinyon.
Ang pantulong na kaisipan ay tawag sa siksik at pinaikling bersyon ng teksto.
Sa pamamagitan ng pagbubuod ay pinipinili ang pinakamahalagang kaisipan o ideya gayundin ang pansuportang kaisipan.
Ang pantulong na kaisipan ay tumutukoy sa diwa ng buong talata o nais sabihin at ipaunawa ng sumulat tungkol sa paksa.
Ang pangunahing kaisipan naman ay nagtataglay ng mahahalagang impormasyon o mga detalye na sumusuporta sa pangunahing kaisipan.
Sa tulong ng pangunahing kaisipan at pansuportang kaisipan napalulutang ang pangunahing paksa o tema ng isang teksto o akda.
Ang pantulong na kaisipan din ang gumagabay sa mambabasa upang maunawaan ang nilalaman ng talata.
Hindi dapat malayo ang diwa ng orihinalidad sa ginawang buod.
Dapat gamitan ng mga payak na pangungusap na isinulat sa paraang madaling maunawaan ng mambabsa ang buod.