
Pagpapanatili ng Mabuting Pagkakaibigan
Quiz by MARY ANN MATEO
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Hinihintay kong dumating ang ibang miyembro ng aking pamilya bago ako kumain ng hapunan.
Hindi ko ibinibigay sa aking kapatid ang pagkain na ipinabibigay sa kanya ng aking lolo.
Hinahayaan kong nakabukas ang pintuan ng aming bahay kapag umaalis ako ng bahay kahit alam ko na walang taong maiiwan dito.
Tumutulong si Ana sa mga gawaing bahay upang hindi mahirapan ang kanilang kasambahay.
Pinapakain ko ang aming alagang aso tuwing nakikita ko itong gutom.
Hinahayaan ni Maria ang mga nakakalat na basura sa harap ng kanilang bahay kahit na alam niyang nakakasagabal ito sa mga dumaraang sasakyan.
Matiyagang dinadala ni Rosa sa lagayan ng maruruming plato ang pinagkainan niya sa kantina.
Matiyagang tinuturuan ng mga magkakaibigan ang mga batang kalye na hindi marunong bumasa.
Hinahanap ng guro ninyo ang kaklase mong lumiban sa klase. Alam mong may sakit ito subalit hindi mo ito sinabi sa inyong guro.
Nakita mong masasagasaan ng rumaragasang sasakyan ang tumatakbong bata sa gilid ng kalsada subalit hinayaan mo lamang siya sa pagtakbo.