
Pangunahing layunin ng pagtatatag ng ASEAN noong 1967? Anong mga bansa ang orihinal na kasapi ng ASEAN, at kailan ito opisyal na itinatag? Paano nakakatulong ang ASEAN sa pagpapanatili ng kapayapaan at katatagan sa rehiyon ng Timog-Silangang Asya? Ano ang papel ng Bangkok Declaration sa pagtatag ng ASEAN? Paano naiiba ang ASEAN sa iba pang internasyonal na organisasyon tulad ng United Nations (UN) o European Union (EU)? Ano ang kahalagahan ng prinsipyo ng "non-interference" sa mga kasapi ng ASEAN? Sa anong paraan nakikinabang ang Pilipinas sa pagiging miyembro ng ASEAN? Ano ang mga pangunahing hamon na kinakaharap ng ASEAN sa kasalukuyan? Paano nakakatulong ang ASEAN sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng mga bansang kasapi nito? Ano ang ginampanang papel ng ASEAN sa pagtugon sa mga pandaigdigang isyu tulad ng climate change at pandemya?
Quiz by danzel sugse
Customize this quiz to suit your class
Instantly translate to 100+ languages
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Give this quiz to my class
20. Ang unang yugto sa pagbuo ng Community-Based Disaster Risk Reduction Management (CBDRRM) Plan ay tinatawag na ________. A. pagtugon sa sakuna B. paghahanda sa pagtugon C. pagsasaayos at pagbangon D. pagtataya ng panganib at paghahanda ANSWER: D 21. Ang gawaing ito ay isinasagawa upang maging handa ang komunidad at maiwasan ang malawakang pinsala nito sa pamamagitan ng aktibong pakikibahagi ng mamamayan. Ito ay nakapaloob sa _______. A. Philippine Disaster Risk Management B. Philippine Disaster Risk Reduction Management Council C. Community Preparedness and Risk Management Approach D. Community-Based Disaster Risk Reduction Management Approach ANSWER: D 22. Bahagi ng rehabilitasyon at pagbawi mula sa kalamidad ang mga hakbang at gawain na nakatuon sa pagsasaayos ng mga nasirang pasilidad at estruktura. Ano ang pangunahing gampanin ng yugtong ito? A. Mabigyan ng sapat na proteksiyon ang mga nasalanta ng kalamidad. B. Manumbalik sa dating kaayusan at normal na pamumuhay ang mga nasalantang komunidad. C. Makapagbigay ng mga inaasahang serbisyong panlipunan at paglilingkod sa pamahalaan. D. Maipagkaloob sa mga nasalantang komunidad ang mga pangunahing pangangailangan at gamot. ANSWER: B 23. Alin sa sumusunod na mga sitwasyon ang nagpapakita ng Top-Down Approach sa pagbuo ng Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Plan? A. Pinamunuan ni Kerwin, isang lider ng Non-Government Organization (NGO) ang pagtukoy sa mga kalamidad na maaaring maranasan sa kanilang komunidad. B. Ipinatawag ni Kapitan Capin ang kaniyang mga kagawad upang bumuo ng plano kung paano magiging ligtas ang kaniyang nasasakupan mula sa panganib ng paparating na bagyo. C. Hinikayat ni Albert ang kaniyang mga kapitbahay na maglinis ng estero upang maiwasan ang pagbara nito na maaaring magdulot ng malalim at matagalang pagbaha sa darating na tag-ulan. D. Nakipag-usap si Kelly sa mga may-ari ng malalaking negosyo sa kanilang komunidad upang makalikom ng pondo sa pagbili ng mga first aid kit at iba pang proyekto bilang paghahanda sa iba’t ibang kalamidad. ANSWER: B 24. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng community engagement o kolaborasyon sa pamayanan at iba pang katuwang na sektor? A. Makatutulong ito upang makalikom ng mas maraming pondo. B. Magiging makabuluhan ang plano kung ang gagawa nito ay ang mamamayan. C. Malaki ang posibilidad na maging matagumpay ang proyekto kapag pinagplanuhan. D. Mas magiging komprehensibo at matagumpay ang plano kung binubuo ito ng iba’t ibang sektor. ANSWER: D 25. Sa pagbuo ng CBDRRM Plan, ano ang PINAKAMABISA mong nararapat gawin bilang mamamayan ng isang lugar upang maging handa sa pagdating ng iba’t ibang panganib at kalamidad? A. Maging aktibong kabahagi sa pagbubuo ng plano para sa buong pamayanan. B. Makibahagi sa gawaing panrehabilitasyon at tulungan ang mga naapektuhan. C. Magsagawa ng personal plan para matugunan ang pangangailangan ng lipunan. D. Magkaroon ng planong pampinansiyal upang matustusan ang pangangailangan ng mga tao. ANSWER: A 26. Ang pinuno ng mga bansang kasapi ng organisasyon ay nagpupulong-pulong upang magtulungan para sa kapakanan ng kanilang pangangailangan. Anong anyo ng globalisasyon ang tinutukoy nito? A. ekonomiko B. kultural C. politikal D. teknolohikal ANSWER: C 27. Alin sa sumusunod ang buhay na manipestasyon ng globalisasyon? A. ekonomiko B. OFWs C. sosyo-kultural D. teknolohikal ANSWER: B 28. Ang brain drain ay tumutukoy sa mga propesyonal na manggagawa, samantalang ang brawn drain ay tumutukoy sa ___________. A. construction workers B. domestic workers C. overseas workers D. skilled workers ANSWER: A 29. Alin sa sumusunod ang negatibong epekto ng paglitaw ng maraming multinational companies at transnational companies? A. pagkakaloob ng hanapbuhay B. pagbaba ng presyo ng produkto C. pagdami ng produkto at serbisyo D. pagkalugi ng multinational companies at transnational companies ANSWER: D 30. “Ang globalisasyon ay laganap na noon pa man at naging mas malawak sa kasalukuyang panahon.” Ang mahihinuha natin sa pahayag na ito ay _______. A. ugnayan ng mga bansa sa daigdig na walang pagitan o hadlang B. suliraning panlipunan na pumipigil sa kaunlaran ng mga bansa sa daigdig C. bagong anyo ng malayang kalakalan, pagpapalitan ng produkto, impormasyon at tao, dahil sa pag-unlad ng teknolohiya sa komunikasyon at transportasyon D. isyung panlipunan na tumatalakay sa pamahalaan, ekonomiya, relihiyon, teknolohiya, kapaligiran, komunikasyon at kultura ng mga bansa sa daigdig ANSWER: C 31. Alin sa dalawang pahayag ang nagsasaad ng PINAKAANGKOP na konsepto ng globalisasyon? I. Ang globalisasyon ay proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba’t ibang direksiyon na nararanasan sa iba’t ibang panig ng daigdig. II. Ang globalisasyon ay may iba’t ibang pagkakakilanlan tulad ng ekonomiko, teknolohikal, sosyo-kultural at politikal. A. Mali ang nilalaman ng una at ikalawang pahayag. B. Tama ang nilalaman ng una at ikalawang pahayag. C. Tama ang nilalaman ng una at mali ang ikalawang pahayag. D. Mali ang nilalaman ng una at tama ang ikalawang pahayag. ANSWER: B 32. Alin sa sumusunod na mga pahayag ang nagsasaad ng dahilan sa pag-usbong ng globalisasyon? A. pagbuti ng mga lokal na kompanya sa presyo at kalidad ng serbisyo at produkto upang maging kompetitibo laban sa mga banyagang kompanya B. pagpapalitan ng impormasyon at teknolohiya at paggalaw ng mga tao dulot ng migrasyon C. pagbaba ng sahod ng mga manggagawa at pagdami ng mga taong walang trabaho dahil nalulugi ang maliliit na negosyo D. paglaganap ng biological weapons dulot ng mabilis na pagkalat ng impormasyon sa iba’t ibang panig ng mundo at pagdami ng pamilihan ng materyales na ginagamit dito ANSWER: B 33. Alin sa mga sektor ng manggagawa ang madalas nakararanas ng pang-aabuso at hindi pantay na oportunidad sa pagtratrabaho? A. agrikultura B. industriya C. pamahalaan D. serbisyo ANSWER: A 34. Ano ang tawag sa anyo ng subcontracting kung saan ang mga subcontractor ay may sapat na puhunan para maisagawa ang trabaho ng mga manggagawang ipinasok nila? A. iskemang subcontractor B. job mismatch C. job contracting D. labor-only contracting ANSWER: C 35. Bakit hindi maitaas ang pasahod, maipagkaloob ang kasiguraduhan sa trabaho, at madagdagan ang benepisyo ng mga manggagawa sa bansa? Ito ay dahil_____ A. sa sistema ng kontraktuwalisasyon. B. puro regular na ang mga manggagawa. C. mataas na ang pasahod sa ating manggagawa. D. marami ang benepisyong natatanggap ng ating manggagawa. ANSWER: A 36. Bilang tugon sa suliraning nararanasan ng mga manggagawa, mayroon silang karapatang hindi dapat malabag upang masabi na sila ay may disente at marangal na hanapbuhay. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga karapatan ng manggagawa? A. Karapatan sa pantay na suweldo para sa parehong trabaho. B. Karapatang sumali sa marahas at mapanganib na uri ng unyon. C. Karapatang maging ligtas at malayo sa panganib ang kalagayan ng pagtatrabaho. D. Karapatan na makatanggap ng sapat at karapat-dapat na suweldo para sa makataong pamumuhay. ANSWER: B 37. Halos mapudpod na ang sapatos ni Justin sa paghahanap ng trabaho ngunit hindi pa rin siya natatanggap. Maraming job fairs na rin ang kaniyang pinuntahan ngunit bigo siyang makakuha ng trabaho. Bakit kaya ito nangyayari kay Justin? A. Kulang pa ang kaniyang lakas ng loob. B. Kulang siya sa aspekto ng personal relations kaya hindi siya nagugustuhan. C. Hindi kaaya-aya ang kaniyang pisikal na kaanyuan kaya hindi siya natatanggap sa trabaho. D. Biktima si Justin ng job mismatch kung saan hindi tugma ang kaniyang kakayahan at kasanayan na hinahanap ng mga kompanya. ANSWER: D 38. Ayon sa tala ng Department of Labor and Employment (DOLE), maraming job fairs noong 2010 ngunit kakaunti lamang ang mga natanggap na kalipikadong aplikante mula sa maraming bilang ng mga nag-apply. Alin ang HINDI angkop na dahilan nito? A. Ang mga aplikante ay hindi interesado sa mga trabaho sa bansa. B. Kapansin-pansin ang patuloy na paglaki ng bilang ng job skills mismatch ng mga aplikante sa bansa. C. May patuloy na mismatch sa kasanayan at kakayahan mula sa tinapos na kurso at sa hinihinging kalipikasyon ng mga employer. D. Maraming kurso sa higher education institutions sa bansa ang hindi na tumutugon sa pangangailangan ng mga pribadong kompanya na nagtatakda ng mga pamantayan sa pagpili ng mga manggagawa. ANSWER: A 39. Alin ang angkop na salita na tumutukoy sa sitwasyon kung saan inaako na ng lalaki ang mga gawain sa tahanan dulot ng migrasyon? A. helper B. house boy C. house father D. house husband ANSWER: D 40. Ang sumusunod ay mga ahensiya ng pamahalaan na nangangalaga sa kapakanan ng migrante MALIBAN sa __________________. A. Commission of Filipino Overseas B. Philippine Overseas Labor Offices C. Department of Labor and Employment D. Department of Science and Technology ANSWER: D 41. Isang epekto ng migrasyon ay ang pagtanggap o pagpapadala ng mga lakas-paggawa sa ibang bansa. Alin sa sumusunod ang HINDI nagpapakita ng magandang benepisyo ng brain gain? A. Malaki ang posibilidad ng promotion ng manggagawa. B. Gastusin ng kompanya ang pagpapadala ng manggagawa sa ibang bansa. C. Maaaring magtrabaho sa ibang bansa ang empleadong ipinadala upang matuto. D. Magiging asset ang migranteng manggagawa sa nagpapadala at tumatanggap na bansa kahit saan man sa mundo. ANSWER: B 42. Matagal na naghanapbuhay si Ginoong Pascual sa Australia, kaya sa kaniyang pag-uwi sa pamilya ay hindi siya pinansin ng kaniyang mga anak at nagtago ang mga ito sa kuwarto. Ano ang iyong mahihinuha rito? A. Malaki ang takot ng mga anak sa kanilang ama. B. Walang pasalubong si Ginoong Pascual sa mga anak. C. Hindi kilala si Ginoong Pascual ng kaniyang mga anak. D. Nagkakahiyaan ang mag-aama sa kanilang pagkikita. ANSWER: C 43. Paano nakaaapekto ang pangingibang-bansa sa estado ng ekonomiya ng bansa? A. Madaragdagan ang populasyon ng bansa. B. Mapananatiling matatag ang palitan ng piso at dolyar. C. Mahihirapan ang mga Pilipino na makisama sa mga dayuhan. D. Mas maraming papasok sa bansa na mga imported na produkto. ANSWER: B 44. Marami sa mga OFW na nasa Middle East ang napag-alamang nakararanas ng mga pang-aabuso mula sa kanilang mga amo tulad sa Saudi Arabia. Kung ikaw ang ambassador ng Pilipinas sa Saudi, alin ang pinakamabisa mong gagawin upang matulungan at maprotektahan sila? A. Pababayaan sila hanggang matapos ang kanilang kontrata. B. Maglulunsad ng rally sa embahada ng Saudi Arabia sa Pilipinas. C. Hihingi ng tulong pinansiyal at pauuwiin ang mga manggagawa sa Saudi. D. Maglilikom ng mga ebidensiya ng mga pang-aabuso at isusuplong ang mga amo sa kinauukulan. ANSWER: D 45. Alin sa sumusunod ang konseptong tumutukoy sa slavery? A. pang-aalipin B. sitwasyong payapa C. sapilitang pagtatrabaho D. pagpupuslit ng mga tao ANSWER: A 46. Kung ikaw ay opisyal ng pamahalaan na nangangalaga sa kapakanan ng mga OFW, alin sa sumusunod ang dapat mong gawin sa mga kaso ng pang-aabuso sa mga Pilipino? A. Pauuwiin ang lahat ng OFW at bibigyan na lamang ng trabaho sa Pilipinas. B. Pababayaan na lamang ang mga OFW dahil isolated cases lang naman ang mga ito. C. Ipauubaya na lamang ang mga gagawing aksiyon sa pamahalaan ng bansa kung saan nagtatrabaho ang mga OFW. D. Magtatatag ng mga mekanismo upang ma-monitor ang kalagayan ng mga OFW at gagawa ng kaukulang hakbang kung may pang-aabuso. ANSWER: D 47. Bilang isang mag-aaral sa kasalukuyan, alin sa sumusunod ang maaari mong magawa upang masigurong makaaangkop ka sa pangangailangan ng ating bansa na umunlad sa kabila ng globalisasyon? A. Magpalipas ng panahon at umasa na lamang sa pamilya. B. Tumigil sa pag-aaral at magtrabaho na upang kumita ng pera. C. Magsumikap sa pag-aaral upang makatapos at magkatrabaho. D. Maging layunin ang makapagtrabaho sa ibang bansa upang yumaman. ANSWER: C 48. Alin sa sumusunod na mga pangungusap ang tumutukoy sa konsepto ng fair trade? A. Itinatakda ng mga bansa ang pamantayan ukol sa mga kakayahan ng mga manggagawa. B. Ang mayayamang bansa ay nagbibigay ng tulong sa pinakamahihirap na tao sa mundo lalo na sa Aprika at Asya. C. Sinisiguro ng mga bansa ang patas o pantay na kalakalan gaya ng pagbabantay sa tamang presyo ng mga produkto. D. Ang pamahalaan ay nakikialam sa kalakalang panlabas na may layong protektahan ang mga lokal na namumuhunan. ANSWER: C 49. Marami sa mga pamilya ng OFWs ay nakararanas ng pangungulila sa kanilang kaanak na humahantong sa pagkawasak nito. Paano kaya sila matutulungan? A. Makisimpatiya sa kanila. B. Bigyan sila ng sulat isa-isa. C. Bigyan sila ng load pantawag sa kanilang kaanak. D. Magtayo ng isang samahan ng mga pamilya ng OFW upang gumabay sa kanila. ANSWER: D 50. Sa Pilipinas ay marami ang nangangarap na mangibang-bansa dulot ng kahirapan sa buhay. Nangangamba naman ang mga ekonomista dahil naaapektuhan ng brain drain at brawn drain ang ekonomiya. Bilang ekonomista, ano ang maaari mong gawin upang masolusyunan ang isyung ito? A. Pigilan ang mga nais mangibang-bansa. B. Hayaang umalis ang mga nais na magtrabaho sa ibang bansa. C. Bigyan ng suportang pinansiyal ang mamamayan na walang trabaho. D. Gumawa ng isang development plan na tutugon sa mga isyu ng migrasyon. ANSWER: D
Part 3 – Miguel Malvar at Macario Sakay 21. Sino ang naging pinuno ng hukbo ng Pilipinas matapos mahuli si Emilio Aguinaldo? A. Miguel Malvar B. Antonio Luna C. Mariano Llanera D. Vicente Lukban 22. Anong lalawigan ang naging pangunahing lugar ng labanan ni Miguel Malvar laban sa mga Amerikano? A. Cavite B. Batangas C. Laguna D. Samar 23. Siya ang tinaguriang huling heneral na sumuko sa mga Amerikano noong 1902. A. Apolinario Mabini B. Gregorio del Pilar C. Miguel Malvar D. Mariano Llanera 24. Ano ang dahilan ng pagsuko ni Miguel Malvar sa mga Amerikano? A. Kakulangan ng armas at pagkain B. Pagkamatay ni Bonifacio C. Pag-alis ni Aguinaldo D. Pagdating ng mga Kastila 25. Sino ang nagtatag ng Katipunan ng mga Anak ng Bayan at naging pinuno ng Republika ng Katagalugan? A. Macario Sakay B. Antonio Luna C. Vicente Lukban D. Mariano Llanera 26. Ano ang pangunahing layunin ng Republika ng Katagalugan na pinamunuan ni Macario Sakay? A. Pagkakaisa ng mga Kristiyano at Muslim B. Pagpapalaya ng Pilipinas mula sa Amerikano C. Pagpapalakas ng kalakalan sa Asya D. Pagbabalik ng pamumunong Kastila 27. Paano nadakip si Macario Sakay ng mga Amerikano? A. Nadakip sa labanan B. Na-traydor sa pamamagitan ng huwad na amnestiya C. Sumuko nang kusa D. Pinugutan ng ulo ng mga Espanyol 28. Ano ang parusang ipinataw kay Macario Sakay ng mga Amerikano? A. Pagkatapon sa Guam B. Pagkakulong habambuhay C. Pagbitay sa pamamagitan ng bitay D. Pagpapatalsik sa bansa 29. Ano ang bansag kay Macario Sakay ng mga Amerikano upang siraan siya? A. Bayani ng Katipunan B. Bandido C. Dakilang Lumpo D. Heneral ng Samar 30. Ano ang ipinapakita ng pamana ni Miguel Malvar at Macario Sakay sa kasaysayan ng Pilipinas? A. Katapatan sa dayuhan B. Tapang at pagpapatuloy ng laban para sa kalayaan C. Pagbibigay ng lupa sa mga Amerikano D. Pagtutol sa Katipunan
Pamilya ang pinakamaliit nay unit ng samahan sa isang bansa. Lahat tayo ay kasapi ng pamilya. Kung walang pamilyang magbubuklod ay walang bansang magtatagumpay. Pangunahing tungkulin ng pamilya ang hubugin ng mabuti ang kaisipan at pag-uugali ng bawat kasapi nito. Ang ama ang naghahanapbuhay para sa pamilya. Siya ay tinaguriang “haligi ng tahanan”. Ang ina naman ang tagapamahala ng tahanan. Tinagurian siyang “ilaw ng tahanan”. Ang mga anak ay tumutulong sa pag-unlad ng pamilya. PAARALAN Dito natuto ng maraming bagay ang bata. Ito ang institusyong may tungkuling linangin ang kakayahan 6 ng bawat bata. Dito ay binibigyan sila ng pagkakataon na mapabuti ang kanilang kakayahan, bukod sa pagsusulat, pagbabasa at pagbibilang. Ang punong-guro ang namamahala sa paaralan kasama ang mga guro na nagtuturo ng mga kasanayan at kaalamang dapat matutunan ng mag-aaral. Tungkulin din ng iba pang kasapi ng paaralan ang registrar, guidance counselor, kalihim, gwardiya, janitor ang magpatakbo ng paaralan. SIMBAHAN Ito ang samahang tumutulong sa mamamayan na ituro ang nararapat na pagsamba at pagsunod sa Diyos, pagmamahal sa sarili at sa kapwa maging anuman ang relihiyong kanilang kinabibilangan. Ang simbahang katoliko ang may pinakamaraming kasapi sa mga relihiyon sa Pilipinas. Ang Papa sa Vatican (Rome) ang pinakamataas na pinuno nito. Kasama niya ang mga kardinal at obispo bilang kanyang kinatawan sa buong mundo at mga pari sa kani-kanilang parokya. PAMAHALAAN Ang pamahalaan ang nagpapatupad ng mga layunin ng bansa. Nagbibigay ito ng iba’t ibang paglilingkod tulad ng programang pang 7 edukasyon, pangkalusugan, pangkatahimikan sa pangunguna ng Pangulo, bilang pinakamataas na pinuno ng pamahalaan. Ang pag-uugnayan ng mahahalagang samahan ng estado gaya ng pamilya, simbahan, paaralan at ng pamahalaan ay nagdadala sa isang bansa sa daan tungo sa pagsulong at pag-unlad. Pamayanang aking nais Malinis, payapa at tahimik. Mga bata’y masisigla Bawa’t pamilya’y magkakakilala
Panimula Natuklasan mo na ba kung paanong ginawa o nilikha ng Diyos ang daigdig? Ayon sa Genesis 1:1 “Nang pasimula ay nilikha ng Diyos ang langit at lupa.” Napakapalad natin dahil isa rin tayo sa nilikha Niya. Nakasama pa tayo sa isang paraiso na ngayo’y ating ginagalawan. Sa modyul na ito malalaman mo kung anong mga bagay pa ang nilikha ng Diyos na may kinalaman sa ating tinitirhan, ang mundo o daigdig? Mga dapat tandaan at layunin Handa ka na bang tuklasin ang ating daigdig? Kung handa ka na ihanda mo na ang iyong mapa o globo kung mayroon man. Ang Layunin mo sa modyul na ito ay ang mga sumusunod: • Nailalarawan ang daigdig bilang planeta ng solar system • Nailalarawan ang daigdig sa mga tao • Natatalakay at napapahalagahan : a. Bahaging Lupa b. Bahaging Tubig c. Bahaging Hangin • Natatalakay ang katangian ng globo bilang modelo ng mundo at ang mapa bilang patag na representasyon ng mundo • Naipapakita ang pakikiisa sa pag-aalaga at pagliligtas sa daigdig Pangunahing Pagsusulit Panuto: Isulat kung tama o mali. _________1. Ang daigdig ay planeta ng mga tao. _________2. Ang mapa ang sinasabing modelo ng mundo. _________3. Binubuo ng tatlong panlabas na bahagi ang ating daigdig. _________4. Pangatlo sa pinakamalapit sa araw ang ating mundo. _________5. Ang ating daigdig ay binubuo ng 75% na bahaging tubig at 25% na bahaging lupa. Nilalaman Noong unang panahon may iba’t ibang paniniwala ang mga tao sa daigdig. Inakala ng mga unang tao na ang mundo ay isang malawak na kapatagan at ang dulo ay walang hanggan. Sinasabi na ang daigdig ay isang hugis pabilog na batong lumulutang sa kalawakan. Bahagi ito ng tinatawag na solar system – isang kaayusan ng mga bagay na planetaryo sa kalawakan na ang nakapangunguna ay ang araw. Ang daigdig ay isang planeta na may tunay na hugis na oblate spheroid. Pangatlo sa pinakamalapit sa araw, na may layong 148,800,000 kilometro. Ang globo ang modelo ng mundo o daigdig samantalang ang mapa ay ang patag na representasyon ng mundo. Isang kartograper ang gumawa ng mapa. Makikita rito ang lawak ng isang lugar, direksyon mula sa iba’t ibang lugar, hugis ng lugar sa mundo at ang iskala mula sa lahat ng punto ng mapa. Ano ba ang iskala? Ito’y tawag sa paraan ng pagpapakita ng tunay na sukat ng mga lugar sa mapa na tinutumbasan ng mas maliit na sukat. ( Larawan ng Globo) Malinaw na makikita sa globo ang mga anyong tubig at anyong lupa, gayundin ang mga bahaging mabundok at bahaging patag. Binubuo ang mundo ng 75% na katubigan at 25% na kalupaan. Ang ating daigdig ay binubuo ng tatlong panlabas na bahagi: ang bahaging lupa, ang bahaging tubig at bahaging atmospera o hangin. Ang Bahaging Lupa ( Larawan) Ang bahaging lupa ay ang solidong bahagi na binubuo ng bato at lupa. Binubuo ito ng halos isang – kapat (1/4) o dalawampu’t limang porsyento ng mundo ay binubuo ng kalupaan. Ang malawak na lupa o malalaking tipak ng lupa ay tinatawag na kontinente o lupalop. Mayroon pitong kontinente ang ating mundo. Ang asya ang pinakamalaki na sinusundan ng Aprika, Hilagang Amerika, Timog Amerika, Europa, Antarctica at Australya. Mapapansin mo na maraming mga bansa ang nakapaloob sa bawat kontinente at karamihan sa mga ito ay magkakadikit. Pansinin mo ang kontinenteng Timog at Hilagang Amerika at ang mga kontinenteng Europa, Aprika, at Asya. Itanong mo sa iyong pasiliteytor kung saan ang sakop nito o hangganan ng bawat isa. Ang Bahaging Tubig ( Larawan ng tubig) Nakikita mo ba ang mga bahagi ng tubig sa globo o mapa? Mapapansin mo ang kulay asul sa mapa at globo na nagpapakita na ang mga ito ay binubuo ng bahagi ng tubig. Tinatayang tatlong kapat (3/4) o pitumpu’t limang porsiyento ng panlabas na bahagi ng mundo ay katubigan. Ang ating daigdig ay binubuo ng malalaking bahagi ng katubigan nan tinatawag na karagatan. Mayroon apat na karagatan ang daigdig. Ito ay ang karagatang Pasipiko, ang pinakamalaking karagatan, sinusundan ng Atlantiko, Indian at Artiko. Maari mo rin tingnan sa globo o mapa ang mga karagatang nabanggit at kung saan bansa at kontinente ito malapit. Ang Bahaging Atmospera o Hangin ( Larawan ) Naranasan mo na bang magpalipad ng saranggola? Ano ba ang dahilan kung bakit ito tumataas? Marahil alam mo na ang dahilan? TAMA! Ito’y dahil sa hangin na nagpapalipad at nagpapataas sa saranggola para ito’y tumayog. Ang bahaging bumabalot sa mundo ay ang atmospera. Samantala ang nakakapasong init ng araw o ultra violet rays ay pinipigilan ng mga makakapal na gas o ulap sa atmospera ng mundo ay tinatawag na ozone layer. Sinasala nito ang nakapipinsalang matinding sikat ng araw na pumapasok sa daigdig. Unti- unti na rin itong nabubutas dahil sa mga kemikal na CFC’s ( Chloroflouro Carbons), sprays, usok na galing sa pabrika at sasakyan. Ngayong alam na natin ang kahalagahan ng hangin sa ating kapaligiran pumunta naman tayo sa . . . ( Larawan ng sapin ng hangin) ANG ANIM NA SAPIN NG HANGIN: A. TROPOSPERA Dito nabubuo ang lagay ng panahon sa mundo. Kung ikaw ay nagpapalipad ng saranggola, sa tropospera ito lumilipad at ang hangin na iyong hinihinga ay nasa tropospera. B. ISTRATOSPERA Dito sa sapin na ito matatagpuan ang ozone layer. At karamihan sa mga eroplano ay dito nagpapalipad dahil hindi gaanong mapanganib dito. C. MESOSPERA Dito sa sapin na ito mayroon pinakamalakas na hangin. At karamihan sa mga batong bumabagsak sa kalawakan ay madali agad nag- aapoy at nasusunog kapag ito’y dumaan na sa hanging mesospera. D. TERMOSPERA Ang sapin ng hangin na sobrang lapit sa ultraviolet rays ng araw, sobrang init at umaabot ang init sa kabuuang 600 C. E. EKSOSPERA Ang pinakamalayong sapin sa ating himpapawid. Ito ang sapin na kung saan ay mahirap ng maabot. F. IONOSPERA Kung paano nagkakaroon ng signal ang iyong cellphone at malinaw ang naririnig ninyo sa radyo at sa telebisyon, Ionospera ang dahilan.
Part 4 – Heneral Antonio Luna at Heneral Gregorio del Pilar 31. Sino ang tinaguriang pinakamahusay na heneral ng hukbong Pilipino laban sa mga Amerikano? A. Emilio Aguinaldo B. Antonio Luna C. Miguel Malvar D. Mariano Llanera 32. Ano ang naging propesyon ni Antonio Luna bago siya sumali sa rebolusyon? A. Abogado B. Doktor at parmasyutiko C. Inhinyero D. Sundalo ng Espanyol 33. Ano ang pangunahing ambag ni Antonio Luna sa hukbong Pilipino? A. Pagpapalakas ng disiplina at istratehiya militar B. Pagpapalawak ng Katipunan C. Pag-aayos ng kasunduan sa Biak-na-Bato D. Pagpapakilala ng edukasyon sa kababaihan 34. Saang bayan pinaslang si Antonio Luna noong 1899? A. San Fernando, Pampanga B. Cabanatuan, Nueva Ecija C. Malolos, Bulacan D. Kawit, Cavite 35. Sino ang tinaguriang “Batang Heneral”? A. Vicente Lukban B. Mariano Llanera C. Gregorio del Pilar D. Macario Sakay 36. Ilang taon lamang si Gregorio del Pilar nang maging heneral siya? A. 22 B. 23 C. 24 D. 25 37. Ano ang kilalang labanan kung saan nakilala si Gregorio del Pilar bilang bayani? A. Labanan sa Balangiga B. Labanan sa Tirad Pass C. Labanan sa Biak-na-Bato D. Labanan sa Cavite 38. Ano ang layunin ni Gregorio del Pilar sa Tirad Pass? A. Harangin ang mga Amerikano upang makatakas si Aguinaldo B. Makipagkasundo sa mga Amerikano C. Ipagdiwang ang Kalayaan ng Pilipinas D. Magtatag ng bagong pamahalaan 39. Ano ang nangyari kay Gregorio del Pilar sa Tirad Pass? A. Nakatakas siya at tumakas patungong Hong Kong B. Nahuli at ikinulong ng mga Amerikano C. Namatay sa labanan habang ipinagtatanggol si Aguinaldo D. Sumuko at nagbigay ng armas 40. Ano ang simbolo ng kabayanihan nina Antonio Luna at Gregorio del Pilar? A. Pagsuko sa Amerikano B. Tapang, sakripisyo, at pagmamahal sa bayan C. Pagiging lider ng Katipunan D. Pagtulong sa mga Espanyol
Pangunahing Diwa
Pangunahing Likas na Yaman ng Bansa
Pangunahing Direksyon