
Pagtatasa sa Filipino #2 Q3
Quiz by Lucia Resultay
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
1-5. Tukuyin ang angkop na pang-abay sa bawat bilang.
1.Lumubog nang _______ ang araw na mamamasdan ang mga namamasyal sa tabing-dagat ng Luneta.
2. Nagtakbuhan nang ______ ang mga mag-aaral sa Rizal Park.
3. _______ na nagdasal si Louie para sa nalalapit na pagsusulit.
4. _______ hinihintay ng mga bata ang kanilang ama.
5. _______ tumugtog ng biyolin si Angela.
6-10. Piliin ang angkop na Pariralang Pang-abay at Pang-uri sa pangungusap.
6. Medyo mabagal na maglakad ang aso kong maysakit.
7. Tila malabo pang ipatupad ang face to face learning sa lahat nang mga bata.
8. Talagang makitid ang tulay papunta sa kabilang ibayo.
9. Tunay na tahimik ang pamumuhay sa nayon kaysa sa lungsod.
10. Sadyang ligtas ang malinis na lugar para sa mga bata.
11-15. Basahin ang pangungusap, tukuyin kung ito ay opinion o katotohanan.
11. Si Jose Rizal ay isang dakilang bayani ng ating bansa.
12. Kung ako ang tatanungin, napakalinis ng hangin sa Marikina.
13. Isa sa mga Karapatan ng mga bata ay ang makapag-aral.
14. Matatagpuan sa Marikina ang pinakamalaking sapatos sa buong mundo.
15. Ang sapatos na gawa ng Marikina ang pinakamaganda sa lahat.
16-20. Punan ng angkop na pangatnig ang mga sumusunod na pangungusap.
16. Masipag si Justine mag-aral ______nakatanggap siya ng karangalan.
17. Natutuwa ang isang guro ______ ang mga bata ay nakikinig sa aralin.
18. Umiiyak ang sanggol ______ nagugutom na ito.
19. Gumawa kami ______ si Tony ay nakatambay lang.
20. Kumukulo na ang tiyan ko sa gutom _______ hindi pa lutoang aming pananghalian.