placeholder image to represent content

PANAPOS NA PAGSUSULIT(POST-TEST)-IKALAWANG MARKAHAN

Quiz by Linda Delgaco-Parta

Grade 8
Filipino
Philippines Curriculum: Grades K-10 (MELC)

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
25 questions
Show answers
  • Q1

    1. Ano ang pangunahing kaisipan sa maikling talata sa ibaba?

    "Maraming kabataan ang nahuhumaling sa paggamit ng internet. Iba’t ibang dahilan kung bakit sila na-eenganyo sa paggamit nito. Maaari kang makipagkaibigan gamit ang social media. Maaari ka ring maglaro ng online games. Makapagpapahayag ka rin ng damdamin at saloobin gamit ang iba’t ibang site."  

    Maaari kang makipagkaibigan gamit ang social media.

    Maraming kabataan ang nahuhumaling sa paggamit ng internet

    Maaari ka ring maglaro ng online games

    Makapagpapahayag ka rin ng damdamin at saloobingamit ang iba’t ibang site.

    120s
    F8PB-IVc-d-34
  • Q2

    2. Basahin at unawain ang maikling talata at piliin ang titik ng pantulong na kaisipan.

    "Pagpasok pa lamang ng taon, nariyan ang hindi inaasahang pagputok ng Bulkang Taal. Nang unti-unti na itong malampasan ng bansa, nagkaroon naman ng pandemya. Higit sa mga pangyayaring iyon, umusbong ang pagtutulungan, pagbabayanihan at pagiging bukas-palad nating mga Pilipino. Punong-puno man ng mga pagsubok ang taong 2020, babangon tayo. "  

    Pagpasok pa lamang ng taon, nariyan ang hindi inaasahang pagputok ngBulkang Taal.

    Higit sa mga pangyayaring iyon, umusbong ang pagtutulungan

    Punong-puno man ng mga pagsubok ang taong 2020, babangon tayo. 

    Unti-unti na itong malampasan ng bansa.

    120s
    F8PB-IIa-b-24
  • Q3

    3. Ano ang makabuluhang  tanong ang  maaaring iugnay  sa bahagi ng palitan ng katuwiran sa ibaba?

    Kung ang talino'y ginamit sa mabuting paraan

    Walang pagsalang ito'y dapat nating hangaan

    Ngunit kung ginamit ito sa kapwa ay panlalamang

    Bagkus ay dapat pang ito ay pintasan.

    Sa anong paraan dapat gamitin ang talino ng tao?

    Dapat bang manlamang sa kapwa?

    Katalinuhan ba ang panlalamang sa kapwa?

    Kahanga-hanga ba ang taong matalino?

    120s
    F8PN-IIc-d-24
  • Q4

    4. Sino ang mahahalagang tauhan sa maikling talata?

    Kung sa tugatog ng tagumpay ay marunong ang kailangan

    Datapuwat kakailanganin din ang puhunan ng mayaman.

    Yaman ang magpapakilos sa matalinong tauhan.

    Ngunit matalinong tauhan din, magpapatakbo ng negosyo ng mayaman.

    Matalino at mayaman

    Matalino   

    Marunong 

    Matagumpay        

    120s
    F8PN-IIc-d-24
  • Q5

    5. Ano ang opinyon  tungkol sa paksa ng balagtasan?

    UNANG MAMBABALAGTAS:

    Tila yata hindi mo naiintindihan,

    Ang may pera ang siyang laging pinapanigan,

    Lahat ng kanyang sabihin pinaniniwalaan,

    At pagdating sa kaibigan ay hindi siya nawawalan.

                 

    IKALAWANG MAMBABALAGTAS:

    Ang lahat ng iyong sinabi puro materyal lamang,

    Ang kaibigang iyong binanggit nais sayo’y pera lamang,

    pamilya ang dapat kaibigan

    kayamanan ang mahalaga sa pagkakaibigan

    matalino ang mayayaman

    materyal na bagay ang kapangyarihan ng tao

    300s
    F8PB-IIc-d-25
  • Q6

    6. Piliin ang katuwiran sa maikling balagtasan na mababasa sa ibaba.

    UNANG MAMBABALAGTAS:

    Filipino ay wikang panlahat

    Ang ilaw at lakas ng tuwid na landas

    Sa pagkakaisa naipahahayag

    Mabisang kalasag tungo sa pag-unlad.

     

    IKALAWANG MAMBABALAGTAS:

    Paano mo ililiwat, di malirip, di maisip.

    Ang bagong alpabeto

    hindi mo ba napapansin

    Ang dating A B K D ngayon ay A B C D na

    May computer, may internet at Facebook.

    Wikang Filipino ay kayamanan at gamit ang internet lalo pa natin itong paunlarin. 

    Pag-aralan at gamitin ang wikang ating kinagisnan

    Internet ang mabisang gamit sa pag-aaral

    Sa computer matutunan ang ating wikang Filipino

    300s
    F8PB-IIc-d-25
  • Q7

    7. Ano ang pasalungat na argumento sa pagbuo ng batas para sa Same Sex Marriage?

    Maari silang ikasal kung walang masasaktan na kapwa nila tao

    Hindi nararapat na ikasal ang parehong kasarian dahil ito'y labag sa batas ng Diyos at batas ng tao.

    Ipaglaban ang pag-ibig at patunayan sa pamamagitan ng pag-iisang dibdib

    Ang pag ibig ay bulag at may karapatan ang lahat na umibig at ikasal

    300s
    F8PU-IIc-d-25
  • Q8

    8. Tukuyin ang pag-sang ayon na pahayag sa Argumento ng Pagbabalik ng Face-to-face Class.

    Talagang marami ang nasasabik sa pagbabalik ng face to face class dahil mas natututo ang mga bata sa pagtuturo ng mga guro.

    Malalagay sa panganib ang buhay ng mga mag-aaral dahil sa Covid-19

    Mahirap makipagsapalaran sa face to face class hangga't may Covid-19 pa

    Makakapag-aral ang mga estudyante  sa pamamagitan ng TV, radio at internet

    300s
    F8PU-IIc-d-25
  • Q9

    9. Alin sa mga sumusunod na argumento ang naghuhudyat ng pagsang-ayon?

    Ayaw kong ako ang laging tagahugas ng pinggan sa aming bahay.

    Hindi ako sang-ayon na lagi na lamang ako ang pinaghuhugas ng pinggan sa bahay. 

    Sa panahon ng pandemyang tulad ng nararanasan natin sa kasalukuyan,sang-ayon ako na maging tagahugas ng pinggan sa aming bahay dahil makatutulong ito upang mabawasan ang pagod ng aking mga magulang mula sa paghahanapbuhay.

    Hindi tamang ako ang tagahugas ng pinggan sa amin dahil marami naman kaming magkakapatid na maaaring gumawa nito.

    300s
    F8PU-IIc-d-25
  • Q10

    10. Alin sa mga sumusunod na argumento ang naghuhudyat ng pagsalungat?

    Sang-ayon ako sa sinabi mo na hindi dapat pinapayagang magkaroon ng kasintahan ang tulad natin na nasaIkawalong Baitang pa lamang.

    Lubos akong naniniwala na ang tulad nating nasa Ikawalong Baitang palamang ay hindi dapat pinapayagang magkaroon ng kasintahan.      

    Hinding-hindi dapat pinapayagang magkaroon ng kasintahan ang isangtulad ko na nasa Ikawalong Baitang pa lamang.

    Tama ka, hindi dapat pinapayagang magkaroon ng kasintahan ang isangtulad ko na nasa Ikawalong Baitang pa lamang.

    300s
    F8PU-IIc-d-25
  • Q11

    11. Piliin ang letra ng may pinakawastong solusyon sa suliraning “Wala kang perang  pambili ng kailangan mo para sa proyekto sa Filipino na ipinagagawa ng iyong guro.”

    Kauusapin mo ang iyong guro at ipagtatapat mo ang katotohanang walakang perang pambili ng proyekto.

    Hindi na lamang ako magpapasa ng proyekto sa aking guro.    

    Manghihiram ka sa iyong kamag-aral ng pera na pambili ngproyekto. 

    Huwag ka munang pumasok sa paaralan hanggang hinahanap ng guro ang iyong proyekto. 

    300s
    F8PB-IIe-f-25
  • Q12

    12. Nawalan ka ng gana at siglang mag-aral dahil sa nangyaring epidemya.   Alin ang pinakawastong solusyon sa suliraning nabanggit? 

    Sabihin mo ito sa iyong mga kamag-aral at yayain mo silang makiisa sa iyo para marami kayong di magpapa-enrol sa paaralan.

    Isipin mo kung ano angmangyayari sa iyong kinabukasan, ano kaya ang magiging buhay mo kung di ka nakapag-aral?

    Umasa ka na lamang sa mga magulang mo ng iyongkapalaran at kinabukasan. 

    Gagawing inspirasyon angpagsusumikap ng mga magulang na maitaguyod ang pagkakaroon ng edukasyon upangmaiahon ang naghihikahos na pamumuhay.  

    300s
    F8PB-IIe-f-25
  • Q13

    13. Ibigay ang denotasyon at konotasyon ng salitang ‘tala’ mula sa binasang tula.

    Question Image

    Denotasyon: bituin; Konotasyon: pag-asa

     

    Denotasyon: listahan; Konotasyon: kawalan ng pag-asa

    Denotasyon: listahan; Konotasyon: pag-asa  

    Denotasyon: bituin; Konotasyon: ilista

    300s
    F8PT-IIe-f-25
  • Q14

    14. Ano ang denotasyon at konotasyon ng pahayag na “Tinawid ko ang dagat.”

    Question Image

    Denotasyon:  naglakbay satabing dagat  

    Konotasyon:  hinarap ang suliranin o problema sa buhay

    Denotasyon:  naglakbay sakaragatan patungo sa ibang lugar;               

    Konotasyon: hinarap ang suliranin o problema sa buhay  

    Denotasyon:   naglakbay sakaragatan patungo sa ibang lugar;  

                 Konotasyon:  hinarap ang mga alon 

    Denotasyon:  naglakbay sasakay ng eroplano  

                 Konotasyon:  nakamit ang tagumpay

    300s
    F8PT-IIe-f-25
  • Q15

    15. Ano ang papel ng Sarsuwela sa mga Pilipino?

    Ang Sarsuwela ay isang mabisang kasangkapan upang magbigay ng kaalaman o kabatiran sa mga tao tungkol sa iba’t ibang kultura, karanasan, tradisyon at paniniwala. 

    Ang Sarsuwela ay ginagamitan ngmga pinaghalong awiting opera, koro, at popular na awitin, at sinasabayan ng pagsasayaw.

    Ang Sarsuwela ay isang akdang pampanitikan na isinasagawa sa pamamagitan ng Pagsasalita at pag-awit     

    Ang Sarsuwela ay may paksangpatungkol sa kabayanihan.  

    300s
    F8PU-IIe-f-26

Teachers give this quiz to your class