
PRE-TEST SA FILIPINO 8 Ikalawang Markahan (2021-2022)
Quiz by lydia buguina
Feel free to use or edit a copy
includes Teacher and Student dashboards
Measures 16 skills from
Track each student's skills and progress in your Mastery dashboards
- edit the questions
- save a copy for later
- start a class game
- automatically assign follow-up activities based on students’ scores
- assign as homework
- share a link with colleagues
- print as a bubble sheet
- Q1
Ano ang pangunahing kaisipan sa maikling talata sa ibaba.
Maraming kabataan ang nahuhumaling sa paggamitng internet. Iba’t ibang dahilan kung bakit sila na-eenganyo sa paggamit nito. Maaari kang makipagkaibigan gamit ang social media. Maaari ka ring maglaro ng online games. Makapagpapahayag ka rin ng damdamin at saloobin gamit ang iba’t ibang site.
Maaari kang makipagkaibigan gamit ang social media.
Maaari ka ring maglaro ng online games.
Makapagpapahayag ka rin ng damdamin at saloobin gamit ang iba’t ibang site.
Maraming kabataan ang nahuhumaling sa paggamit ng internet.
30sF8PB-IVc-d-34 - Q2
Basahin at unawain ang maiklingtalata at piliin ang titik ng pantulong na kaisipan.
Pagpasok pa lamang ng taon, nariyan ang hindi inaasahang pagputok ng Bulkang Taal. Nang unti-unti na itong malampasan ng bansa, nagkaroon naman ng pandemya. Higit sa mga pangyayaring iyon, umusbong ang pagtutulungan, pagbabayanihan at pagiging bukas-palad nating mga Pilipino. Punong-puno man ng mga pagsubok ang taong 2020, babangon tayo.
Punong-puno man ng mga pagsubok ang taong 2020, babangon tayo.
Pagpasok pa lamang ng taon, nariyan ang hindi inaasahang pagputok ng Bulkang Taal.
Unti-unti na itong malampasan ng bansa.
Higit sa mga pangyayaring iyon, umusbong ang pagtutulungan.
30sF8PB-IIa-b-24 - Q3
Ano ang makabuluhang tanong ang maaaring iugnay sa bahagi ng palitan ng katuwiran?
Kung ang talino'y ginamit sa mabuting paraan
Walang pagsalang ito'y dapat nating hangaan
Ngunit kung ginamit ito sa kapwa ay panlalamang
Bagkus ay dapat pang ito ay pintasan.
Kahanga hanga ba ang taong matalino?
Katalinuhan ba ang panlalamang sa kapwa?
Sa anong paraan dapat gamitin ang talino ng tao?
Dapat bang manlamang sa kapwa?
30sF8PN-IIc-d-24 - Q4
Sino ang mahahalagang tauhan sa maikling talata?
Kung sa tugatog ng tagumpay ay marunong ang kailangan
Datapuwat kakailanganin din ang puhunanng mayaman.
Yaman ang magpapakilos sa matalinong tauhan.
Ngunit matalinong tauhan din, magpapatakbo ng negosyo ng mayaman.
Matalino
Marunong
Matalino at mayaman
Matagumpay
30s - Q5
Ano ang opinyon tungkol sa paksa ng balagtasan?
UNANG MAMBABALAGTAS:
Tila yata hindi mo naiintindihan,
Ang may pera ang siyang laging pinapanigan,
Lahat ng kanyang sabihin pinaniniwalaan,
At pagdating sa kaibigan ay hindi siya nawawalan.
IKALAWANGMAMBABALAGTAS:
Ang lahat ng iyong sinabi puro materyal lamang,
Ang kaibigang iyong binanggit nais sayo’y pera lamang,
Kayamanan ang mahalaga sa pagkakaibigan.
Matalino ang mayayaman.
Pamilya ang dapat kaibigan.
Materyal na bagay ang kapangyarihan ng tao.
30sF8PB-IIc-d-25 - Q6
Piliin ang katuwiran sa maikling Balagtasan na mababasa sa ibaba.
UNANGMAMBABALAGTAS:
Filipino ay wikang panlahat
Ang ilaw at lakas ng tuwid na landas
Sa pagkakaisa naipahahayag
Mabisang kalasag tungo sa pag-unlad.
IKALAWANGMAMBABALAGTAS:
Paano mo ililiwat, di malirip, di maisip
Ang bagong alpabeto hindi mo ba napapansin
Ang dating A B K D ngayon ay A B C D na
May computer,may internet at Facebook.
Pag-aralan at gamitin ang wikang ating kinagisnan.
Wikang Filipino ay kayamanan at gamit ang internet lalo pa natin itong paunlarin.
Internet ang mabisang gamit sa pag-aaral.
Sa computer matutunan ang ating wikang Filipino.
30sF8PB-IIc-d-25 - Q7
Ano ang pasalungat na argumento sa Pagbuo ng batas para sa Same Sex Marriage?
Ipaglaban ang pag-ibig at patunayan sa pamamagitan ng pag-iisang dibdib.
Ang pag-ibig ay bulag at may karapatan ang lahat na umibig at ikasal.
Maari silang ikasal kung walang masasaktan na kapwa nila tao.
Hindi nararapat na ikasal ang parehong kasarian dahil ito'y labag sa Batas ng Diyos at batas ng tao.
30sF8PU-IIc-d-25 - Q8
Tukuyin ang pag-sang ayon na pahayag sa Argumento ng Pagbabalik ng Face-to-face Class.
Malalagay sa panganib ang buhay ng mga mag-aaral dahil sa Covid-19.
Mahirap makipagsapalaran sa face to face class hanggat may Covid-19 pa.
Talagang marami ang nasasabik sa pagbabalik ng face to face class dahil mas natututo ang mga bata sa pagtuturo ng mga guro.
Makapag-aaral ang mga estudyante sa pamamagitan ng tv, radio at internet.
30sF8WG-IIc-d-25 - Q9
Alin sa mga sumusunod na argumento ang naghuhudyat ng pagsang-ayon?
Hindi tamang ako ang tagahugas ng pinggan sa amin dahil marami naman kaming magkakapatid na maaaring gumawa nito.
Hindi ako sang-ayon na lagi na lamang ako ang pinaghuhugas ng pinggan sa bahay.
Sa panahon ng pandemyang tulad ng nararanasan natin sa kasalukuyan, sang-ayon ako na maging tagahugas ng pinggan sa aming bahay dahil makatutulong ito upang mabawasan ang pagod ng aking mga magulang mula sa paghahanapbuhay.
Ayaw kong ako ang laging tagahugas ng pinggan sa aming bahay.
30sF8WG-IIc-d-25 - Q10
Alin sa mga sumusunod na argumento ang naghuhudyat ng pagsalungat?
Tama ka, hindi dapat pinapayagang magkaroon ng kasintahan ang isang tulad ko na nasa Ikawalong Baitang pa lamang.
Lubos akong naniniwala na ang tulad nating nasa Ikawalong Baitang palamang ay hindi dapat pinapayagang magkaroon ng kasintahan.
Hinding-hindi dapat pinapayagang magkaroon ng kasintahan ang isang tulad ko na nasa Ikawalong Baitang pa lamang.
Sang-ayon ako sa sinabi mo na hindi dapat pinapayagang magkaroon ng kasintahan ang tulad natin na nasa Ikawalong Baitang pa lamang.
30sF8WG-IIc-d-25 - Q11
Piliin ang letra ng may pinakawastong solusyon sa suliraning “Wala kang perang pambili ng kailangan mo para sa proyekto sa Filipino na ipinagagawa ng iyong guro.”
Manghihiram ka sa iyong kamag-aral ng pera na pambili ng proyekto.
Kakausapin mo ang iyong guro at ipagtatapat mo ang katotohanang wala kang perang pambili ng proyekto.
Hindi na lamang ako magpapasa ng proyekto sa aking guro.
Huwag ka munang pumasok sa paaralan hanggang hinahanap ng guro ang iyong proyekto.
30sF8PB-IIe-f-25 - Q12
Nawalan ka ng gana at siglang mag-aral dahil sa nangyaring epidemya. Alin ang pinakawastong solusyon sa suliraning nabanggit?
Sabihin mo ito sa iyong mga kamag-aral at yayain mo silang makiisa sa iyo para marami kayong di magpapa-enrol sa paaralan.
Isipin mo kung ano ang mangyayari sa iyong kinabukasan, ano kaya ang magiging buhay mo kung di ka nakapag-aral?
Umasa ka na lamang sa mga magulang mo ng iyong kapalaran at kinabukasan.
Gagawing inspirasyon ang pagsusumikap ng mga magulang na maitaguyod ang pagkakaroon ng edukasyon upang maiahon ang naghihikahos na pamumuhay.
30sF8PB-IIe-f-25 - Q13
Basahin ang tulang halaw sa “Kristal na Tubig” ni Florante at pagkaraan ay sagutin ang tanong.
“Bali-bali man ang Pakpak”
Ibayong sigla ang sumapuso
Nang mamalas ko ang tala
Ang maaliwalas na mukha
Nagniningning, nakangiti
Na parang nanghihikayat
Na siya’y pilitin kong abutin.
Hindi ko namalayan
Tinawid ko ang dagat
Humanga sa lawak
Lipos ng pagtatanong
Kung saan dadalhin
Ng hangin ang mga bagwis.
Nagpalipat-lipat sa mga puno
May masisigla, may nalulumbay
Hindi inalintana ang hirap
Sa pagtuntong sa mga sanga.
Inakyat ang ilang bundok
Pinipilit tingnan ang tuktok
Tinatanong kung mararating ito
Hanggang sa naramdaman ko
Unti-unting nawawala ang lakas.
Nanlupaypay ang bagwis
Bali-bali ang pakpak
Ngunit himalang patuloy
Sa paglipad hanggang
Sa nakaahon sa bungang-tulog.
Ibigay ang denotasyon at konotasyon ng salitang ‘tala’ mula sa binasa.
Denotasyon: bituin
Konotasyon: pag-asa
Denotasyon: listahan
Konotasyon: kawalan ng pag-asa
Denotasyon: listahan
Konotasyon: pag-asa
Denotasyon: bituin
Konotasyon: ilista
120sF8PT-IIe-f-25 - Q14
Basahin ang tulang halaw sa “Kristal na Tubig “ ni Florante at pagkaraan ay sagutin ang tanong.
“Bali-bali man ang Pakpak”
Ibayong sigla ang sumapuso
Nang mamalas ko ang tala
Ang maaliwalas na mukha
Nagniningning, nakangiti
Na parang nanghihikayat
Na siya’y pilitin kong abutin.
Hindi ko namalayan
Tinawid ko ang dagat
Humanga sa lawak
Lipos ng pagtatanong
Kung saan dadalhin
Ng hangin ang mga bagwis.
Nagpalipat-lipat sa mga puno
May masisigla, may nalulumbay
Hindi inalintana ang hirap
Sa pagtuntong sa mga sanga.
Inakyat ang ilang bundok
Pinipilit tingnan ang tuktok
Tinatanong kung mararating ito
Hanggang sa naramdaman ko
Unti-unting nawawala ang lakas.
Nanlupaypay ang bagwis
Bali-bali ang pakpak
Ngunit himalang patuloy
Sa paglipad hanggang
Sa nakaahon sa bungang-tulog.
Ano ang denotasyon at konotasyon ng pahayag na “Tinawid ko ang dagat”?
Denotasyon: naglakbay sa karagatan patungo sa ibang lugar
Konotasyon: hinarap ang suliranin o problema sa buhay
Denotasyon: naglakbay sa karagatan patungo sa ibang lugar
Konotasyon: hinarap ang mga alon
Denotasyon: naglakbay sakay ng eroplano
Konotasyon: nakamit ang tagumpay
Denotasyon: naglakbay sa tabing dagat
Konotasyon: hinarap ang suliranin o problema sa buhay
120sF8PT-IIe-f-25 - Q15
Ano ang papel ng Sarsuwela sa mga Pilipino?
Ang Sarsuwela ay isang akdang pampanitikan na isinasagawa sa pamamagitan ng pagsasalita at pag-awit
Ang Sarsuwela ay may paksang patungkol sa kabayanihan.
Ang Sarsuwela ay isang mabisang kasangkapan upang magbigay ng kaalaman o kabatiran sa mga tao tungkol sa iba’t ibang kultura, karanasan, tradisyon at paniniwala.
Ang Sarsuwela ay ginagamitan ng mga pinaghalong awiting opera, koro, at popular na awitin, at sinasabayan ng pagsasayaw.
120sF8PU-IIe-f-26