Track each student's skills and progress in your Mastery dashboards
1. Iba-iba ang mga relihiyon ng mga Pilipino sa bansa batay sa kanilang paniniwala. Alin sa sumusunod ang naglalarawan ng relihiyong Islam?
2. Bawat relihiyon ay may pinaniniwalaang Diyos o Panginoon na siyang tagapagligtas. Tulad ng mga Muslim naniniwala sila na walang ibang Diyos maliban kay ____.
3. Ang mga Kristiyano Katoliko ay nag-aayuno sa panahon ng Kuwaresma o tinatawag na Mahal na Araw, ang mga Muslim ay nag-aayuno sa panahon ng ____
4. Ayon sa Bibliya si Hesukristo ang anak ng Diyos ay nagkatawang tao upang tubusin sa mga kasalanan ang sankatauhan. Sino naman ang kinikilalang propeta o huling sugo ng Diyos ng mga Muslim?
5. Ang mga sumusunod ay ipinagbabawal gawin tuwing Ramadan simula sa madaling- araw hanggang sa paglubog ng araw sa mga Muslim maliban sa isa. Alin ito?
6. Sa pagtatapos ng panahon ng Ramadan, ang Eid’l Fitr ay ipinagdiriwang. Paano ipinagdiriwang ito ng mga Muslim?
7. Ayon sa Hanafi Madhab, tungkulin ng mga Muslim na magbigay ng 2.5% bahagi ng kanilang kinikita sa buong taon sa mga mahihirap na kapatid na Muslim. Ano ang tawag dito?
8. Ang paglaganap ng Islam sa bansa ay mabilis na kumalat at niyakap ng ating mga ninuno. Paano naitatag ang Islam sa Pilipinas?
9. Sino ang kauna-unahang sultan na nagtayo ng kauna unahang Masjid sa bansa?
10.Napansin mong meron kang kaklase na Muslim at alam mo na iba ang kaniyang paniniwala sa paniniwala mo. Paano mo ipapakita ang paggalang mo sa kaniyang paniniwala?