
Q1 Araling Panlipunan_6_Periodical Test
QuizĀ by Christine Jerenlou Pedroso
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Umunlad ang ekonomiya ng Pilipinas nang magbukas ang mga daungan para sapandaigdigang kalakalan. Alin sa mga sumusunod ang mabuting epekto nito?
I. Marami ang yumaman
II. Umunlad ang kabuhayan
III. Nakapag-aral ang mga anak ng mga negosyante.
IV. Marami Pilipino ang nakabili ng imported na mga gamit.
Dahil sa pagbubukas ng Suez Canal, pinaikli nito ang paglalakbay at pinadali ang komunikasyon mula sa kanluran patungong Silangan. Ano ang naging makabuluhang epekto nito sa Pilipinas at mga mamamayan nito?
Sa pagbubukas ng mga daungan ng Pilipinas at pakikiisa ng Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan, ito ay nagbigay daan sa pag-usbong ng kaisipang liberal sa mga Pilipino. Pagkakapantay-pantay, kalayaan at pagkakapatiran ay ilan sa mga kaisipang nakarating sa mga Pilipino. Ano ang ibinunga ng kaisipang ito?
Bakit nanghingi ng reporma o pagbabago at pagkakapantay-pantay ang mga Pilipino sa pamahalaang Espanya?
Ang diwang nasyonalismo ay nagpapakita ng pagmamahal sa sariling bansa. Sa paanong paraan ito naipakita ng mga Pilipino?
Alin sa sumusunod na mga pahayag ang nagpapakita ng diwang nasyonalismo?
Anong pangyayari sa ating kasaysayan ang lubusang nagpasidhi ng damdaming nasyonalismo ng mga Pilipino at nagbunsod sa pagkakatatag ng Kilusang Propaganda?
Mithiin ng Kilusang Propaganda ang humingi ng reporma sa sistema ng pamamahala ng mga Espanyol upang mapabuti ang kalagayan ng mga Pilipino. Sa anong paraan nila naiparating ang hinihinging reporma?
Ang La Solidaridad ay ang opisyal na pahayagan ng Kilusang Propaganda. Paano ito nakatulong tungkol sa nangyari sa bansa noon?
Ang sumusunod ay mga dahilan kung bakit hindi nagtagumpay ang Kilusang Propaganda MALIBAN sa isa.
Ang nabigong layunin ng Kilusang Propaganda ay ipinagpatuloy ng Katipunan. Sa papaanong paraan ito isinagawa ng Katipunan?
Nabuo ang KKK o Kataas-taasang, Kagalang ā galang Katipunan ng mga anak ng bayan nang hindi nakamit ng Propagandista ang inaasam na reporma mula sa mga Espanyol. Ano ang pamamaraang ginawa ng mga Katipunero?
Maraming pag- aalsa ang hindi nagtagumpay. Ano ang pangunahing dahilan ng mga nabigong pag-aalsang ito?
Dahil sa mga dinanas ng mga Pilipino na pang-aabuso sa mga Espanyol. Ito ang naging dahilan kung bakit itinaguyod ang dalawang samahan na Katipunan at Kilusang Propaganda. Alin sa mga sumusunod ang parehas na layunin ng dalawang samahan?
Dahil sa mga dinanas ng mga Pilipino na pang-aabuso sa mga Espanyol. Ito ang naging dahilan kung bakit itinaguyod ang dalawang samahan na Katipunan at Kilusang Propaganda. Alin sa mga sumusunod ang parehas na layunin ng dalawang samahan?
Noong Agosto 23, 1896, tumawag ng biglaang pagpupulong si Andres Bonifacio sa mga kasapi ng Katipunan sa Balintawak, Caloocan. Inilabas niya ang kanyang sedula at iniutos na pagpunit-punitin ito. Anong pahayag sa ibaba ang magpapaliwanag sa kahulugan ng kanilang ginawa?
I. Ipakilala na nakatalaga ang mga Katipunan na maghimagsik at lumaban.
II. Ipaalam sa lahat ng hudyat ito ng rebolusyong Pilipino laban sa mga Espanyol.
III. Nadiskubre ang kilusang Katipunan kaya sila ay susuko sa mga Espanyol.
Habang abala ang mga katipunero sa paghahanda ng rebolusyon, isiniwalat ni Teodoro PatiƱo, isang katipunero, kay Padre Mariano Gil ang lihim ng Katipunan. Alin sa sumusunod ang dahilan ng pagsisiwalat ni Teodoro PatiƱo?
Alin sa mga sumusunod ang naging hakbang ng Katipunan sa pagdiskubre ng kanilang lihim na samahan?
Nang sumama sa walong lalawigan ang lahat ng mga lugar sa buong bansa sa pag-aalsa ay lalong napalubha ang labanan sa pagitan ng mga EspaƱol at ng mga Pilipino. Sa gitna nito, may namuong alitan laban sa pinuno ng Katipunan na si Andres Bonifacio at Heneral Emilio Aguinaldo. Anong pahayag sa ibaba ang naging hakbang ng mga Pilipino sa pagkakahati ng paksyon ng Katipunan?
I. Nagpatawag ng pulong ang mga rebolusyonaryo.
II. Nagkaroon ng kasunduan ng pagkakaisa.
III. Nagkaroon ng halalan sa Tejeros, Cavite.
Nagpatawag ng pulong ang mga rebolusyonaryo upang palitan ang Katipunan ng Rebulosyonaryong Pamahalaan at magkaroon ng mga bagong pinuno sa bagong pamahalaan. Nahalal si Andres Bonifacio bilang Direktor ng Interyor ngunit tinutulan ito ni Daniel Tirona. Ano ang naging reaksyon ni Andres Bonifacio sa pangyayaring ito?
Layuning ng Kasunduan sa Biak-na-Bato na matigil ang labanan sa pagitan ng mga Espanyol at mga Pilipino. Alin sa sumusunod ang nais ng mga kastila sa kasunduang ito?
Pansamantalang umiral ang kapayapaan dulot ng Kasunduan sa Biak na Bato. Nagtungo sa Hong Kong si Aguinaldo at ang ilang pinuno ng kilusan. Bakit hindi naging matagumpay ang Kasunduan?
Anong aral ang nais iparating sa atin ng mga kasaysayan ng pagkabigo sa mga layunin ng mga Pilipino na magkamit ng kalayaan mula sa mananakop?
Alin sa sumusunod ang pinakatumatalakay sa Panahon ng Himagsikan?
Alin sa mga sumusunod ang pagkakakilanlan ni Marina Dizon Santiago?
Si Melchora Aquino ay tinaguriang āIna ng Katipunanā Sa paanong paraan niya ipinakita ang pagtulong upang makamit ang minimithing Kalayaan?
Isa si Teresa Magbanua sa mga kababaihan na may partisipasyon sa himagsikang Pillipino. Bakit tinagurian siyang ā Joan of Arcā ng kabisayaan?
Bukod sa pagiging asawa ni Diego Silang, ano ang mahalagang kontribusyon ni Gabriela Silang?
Ano ang mahalagang papel ang ginampanan ni Trinidad Tecson sa Katipunan?
Ano ang mahalagang aral na natutunan mo sa partisipasyon ng mga kababaihan sa Rebousyong Pilipino?
Bakit mahalaga para sa mamayang Pilipino at sa bansang Pilipinas ang deklarasyon ng kasarinlan noong Hunyo 12, 1898?
Bakit hindi kinilala ng mga Amerikano ang idineklarang kasarinlan ng Pilipinas noong Hunyo 12, 1898?
Bakit ipinahayag ni Emilio Aguinaldo ang Kalayaan ng Pilipinas noong Hulyo 12, 1898?
Ano ang magandang aral sa proklamasyon ng Kalayaan ng Pilipinas?
Sa pagdating ng mga Amerikano sa Pilipinas ,sila ay nagsimulang magpalawak ngkanilang āpolitical empireāat makilala bilang isang pwersang pandaigdig kaya nangangailangan sila ng isang kolonya o masasakop. Ano ang kahulugan ng pahayag na ito?
Naging maganda ang pakikitungo ng mga Pilipino sa mga Amerikano sa pag-aakalang tutulong ang mga ito na labanan ang mga Espanyol. Ano ang tunay na layunin ng mga Amerikano nang sakupin ang Pilipinas?
Alin sa sumusunod na mga pangyayari ang nagbigay daan sa digmaan ng mga Pilipino at mga Amerikano?
Ano ang kinahinatnan ng pagbaril ng mga sundalong amerikano sa dalawang Pilipino na tumawid sa kalye Silencio sa pagitan ng Sociego Sta. Mesa?
Si Hen. Gregorio del Pilar ay isa sa pinakabatang heneral ng Philippine Revolutionary Forces.Bakit itinuring siya na bayani ng Tirad Pass o Pasong Tirad?
Bakit tinawag na pinakamadugo at pinakabrutal ang pangyayaring Balangiga Massacre?
Isa sa pinakamadugo at pinakabrutal na pagpatay sa mga Pilipino noong panahon ng digmaang Pilipino-Amerikano ay ang Balangiga Massacre sa Samar. Ano ang dahilan na nagbunsod sa pagpatay sa mahigit dalawang libong Pillipino?
Sa Digmaang Pilipino-Amerikano, maraming Pilipino ang nagbuwis ng buhay. Walang katumbas at hindi mababayaran ng salapi ang ipinamalas nilang tapang upang ipagtanggol ang Pilipinas. Ano ang bunga nito na atin ngayon tinatamasa?
Anong mahalagang papel ang ginampanan ni Emilio Aguinaldo upang maipakita ang pagtatanggol sa bansa laban sa mga sundalong Kastila?
Anong mahalagang papel ang ginampanan ni Apolinario Mabini sa ating kasaysayan?ansa laban sa mga sundalong Kastila?
Kilala sa angking galing sa pagsulat sina Dr. Jose Rizal, Marcelo H. del Pilar at GracianoLopez Jaena. Ano ang ginawa nila upang maipahayag ang karaingan ng mga Pilipino laban sa mga Espanyol?
Ano ang naging papel ni Julian Felipe sa pagpapahayag ni Heneral Emilio Aguinaldo ng kasarinlan ng bansa noong Hunyo 12,1898?
Ibaāt iba ang paraan ang ginamit ng ating bayani upang makamit ang kalayaan. Isa si Jose Palma sa may ambag sa pagkamit ng kalayaan ng bansa. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang ipinakita niyang pagtulong sa bansa?
Alin sa sumusunod ang mahalagang ambag ni Marcelo H. Del Pilar?
Alin sa mga sumusunod ang pinakamainam na gawin upang maipagmalaki ang natatanging Pilipino na nakipaglaban para sa kalayaan ng bansang Pilipinas?
Ang kalayaang tinatamasa natin ngayon ay dahil sa pagpupunyagi ng mga makabayang Pilipino,ibinuwis nila ang buhay para makamtan ang inaasam ng lahat ang Kalayaan. Bilang mag aaral, paano mo pahahalagahan ang mga sakripisyo ng ating mga bayani para sa ating bansa?