
Q3- 2nd Summative Test- MATHEMATICS
Quiz by Jessica H. Guevara
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Ano ang katumbas na bilang ng pangkat sa ibaba?
Sa bilang na 3,589, aling digit ang may pinakamataas na value?
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng apat na daan animnapu’t walo?
Pag-aralan ang number line sa ibaba. Aling tens ang mas malapit sa 29, 32, at 34?
Aling pangkat ang nagpapakita ng increasing order?
Nakapila kayo papasok sa inyong silid-aralan. Kung ikaw ay pangalawa sa pila at mayroong 10 mag-aaral na nakapagitan sa inyo ng iyong kaibigan, pang-ilan sa pila ang iyong kaibigan?
Magkano ang kabuoang halaga na ipinakikita ng mga larawan sa ibaba?
Ano ang tamang simbolo ng paghahambing sa mga larawan sa ibaba?
Ano ang kabuoan ng 4,250, 658 at 598?
Sa proyekto ng gulayan sa Brgy. Dicarma, umani ng 456 piraso ng talong at 325 piraso ng okra. Ano ang tinantiyang kabuoan ng mga gulay na kanilang inani mula sa proyekto?
Bumili ka ng buko juice sa halagang ₱12.00 at turon sa halagang ₱15.00. Magkano lahat ang iyong binili?
Si Nena ay tumutulong sa kaniyang ina sa mga gastusin sa kanilang bahay. Siya ang nagbayad ng kanilang konsumo sa kuryente na nagkakahalaga ng ₱3,021.00 at tubig na nagkakahalaga ng ₱450.00. Magkano ang kabuoan ng binayaran niya para sa tubig at kuryente?
Ano ang difference ng 4,562 at 962?
Ang kilo ng manok sa pamilihan ay ₱170.00, ang kilo naman ng karne ng baboy ay ₱320.00. Magkano ang lamang ng presyo ng karne ng baboy sa manok?
Naglaan si Dani ng isang oras upang gumawa ng kanyang takdang-aralin. Nang matapos niya ang gawain, nakita niya na 47 minuto pa lamang ang nakalipas nang siya ay magsimula. Ilang minuto ang natira sa isang oras na kanyang inilaan?