
Q3 Esp 8 STE LONG QUIZ
Quiz by Lezly Ramiro
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Ano sa salitang Ingles ng pasasalamat?
Ano sa salitang Latin ng pasasalamat na ang ibig sabihin ay nakalulugod?
Ano sa salitang Latin ng pasasalamat na ang ibig ipakahulugan ay pagtatangi?
Ano sa salitang Latin na ang kahulugan ay walang bayad?
Ano ang kahulugan ng pasasalamat?
Sino ang nagsabi ng katagang, “Kung walang respeto ano ang ipinagkaiba ng tao sa mga hayop?”
Sino ang mga indibiduwal na may angking kapangyarihan para manguna sa atin?
Alin sa mga sumusunod na awtoridad ang HINDI nabanggit sa talakayan?
Ano sa salitang Ingles ang paggalang?
Ano sa salitang Latin na ang ibig sabihin ay paglingon.
Sino-sino ang mga dapat nating tulungan?
Ano ang paggawa ng mabuti sa kapwa?
Anong birtud ang nangangailan ng kolektibong buhay at nag-aalab?
Anong uri ito kung ang pagsisinungaling ay upang pangalagaan o tulungan ang ibang tao?
Ilan ang paraan ng pagtago ng katotohanan ayon kay Vitaliano Goroscope?
Ano ang tamang paraan ng pagpapakita ng pasasalamat?
Ano ang ibig sabihin ng "entitlement mentality"?
Ang mga sumusunod ang nagpapakita ng paraan ng pagpapasalamat, MALIBAN sa:
Paano natin naigagalang ang ating mga magulang?
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagsunod sa batas?
Bakit kailangan natin igalang ang mga awtoridad?
Ayon kay Aristotle, ito ay ang pinakahuling layunin ng isang tao.
Isang konsepto at pananaw ng kabutihang-loob ay bugso ng damdamin, Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita nito?
Ito ay nagpapakita na ikaw ay marunong tumanggap ng pagkakamali, anong behavioral pattern ito?
Isang pamamaraan ng pagtago ng katotohanan ay ang pagliligaw sa sinumang humihingi ng impormasyon sa pamamagitan ng hindi pagsagot sa kaniyang katanungan, anong paraan ito?
Paano naipapakita ang paggalang at pagsunod sa batas?
Bakit kailangan ng isang batang katulad mo na igalang ang iyong kapwa?
Bakit mahalaga ang paggawa ng mabuti sa ating kapwa?
Bakit mahalaga na magdamayan ang bawat isa?
Bakit mahalaga na maging tapat sa iyong kapwa sasalita at gawa?
Isang bata ang nagbigay ng liham pasasalamat sa kaniyang guro bilang pasasalamat sa kabutihang ipinakita nito sa kaniya, kung ikaw ang bata tama ba itong gawin?
Isang paraan ng pagpapakita ng pasasalamat ay sa pamamagitan ng ritwal na pagsagawa nito, sa iyong palagay dapat ba nating ugaliin ang pagpapasalamat sa ating kapwa kahit tayo ay kanilang sinasaktan?
Ang pasasalamat ay isang kilos ngunit naipapakita ba natin ito sa pamamagitan ng pagsasabi lamang ng “Salamat! " o "Thank you!”?
Si Maria ay isang student teacher sa BNCHS at ang palagi niyang ginagawa ay paglabag sa mga patakaran na ibinigay sa kaniya ng kaniyang Resource Teacher bilang pagpapakita niya ng kaniyang paggalang at isa rito ang pagpasok niya sa paaralan ng late.
Ang paggalang sa magulang ay pagpapakita ng pagmamahal at pagtanggap sa kanilang mga payo at paalala.
Ang paggawa ng mabuti ay kailangang may kapalit kahit na simpleng regalo lamang.
Hindi pagpapakita ng mabuti kung ikaw ang gumagawa ng proyekto ng kaklase mo.
Isang pagpapakita ng kabutihang -loob ang pag-iwas na pagtulong sa mga namamalimos.
Sa pamamagitan ng pagbibigay ng munting regalo naipapakita ang pagawa ng kabutihang-loob sa kapwa.
Kung nasabi mo na ito sa salita hindi na kailangan ng gawa bilang patunay ng iyong katapatan.
Ang pasasalamat ay isang gawi o kilos na kailangan ng patuloy na pagsasagawa hanggang ito ay maging birtud.
Isang mahalagang bahagi ng pasasalamat ay ang pagpapakumbaba dahil kinikilala mo na hindi lahat ng mga magagandang nangyayarisa buhay mo ay dahil lamang sa sarili mong kakayahan o pagsisikap.
Si Tatang Mario ay isang magsasaka at ang layunin niya ay makapagtanim ng palay na pagmumulan ng kanilang pang-araw-araw. Kung ganoon si Tatang Mario ay isang awtoridad.
Ang isang pulubi ay nagnakaw upang mayroon siyang pambili ng gamot ng kaniyang ina ay halimbawa ng paggawa ng mabuti.
Si Rein ay umamin na siya ang kumuha ng gamit ni Sam upang mailigtas ang kaibigan ay isang halimbawang Pro-Social Lying.