
ESP GR 8 Q3 M2
Quiz by Mark Joseph Marantal 2
Track each student's skills and progress in your Mastery dashboards
Nanalo sa ikalawang puwesto sa paligsahan ng larong badminton si Marinel, ngunit hindi niya ito ikinatuwa dahil inaasahan niyang siya ang dapat na makakuha ng unang puwesto sa paligsahang nabanggit.
Dahil sa bagyong Ulysses ay nalubog sa baha ang bayan ng Sta. Filomena na matatagpuan sa lalawigan ng Cagayan kaya agad namang sumaklolo ang lokal na pamahalaan at maging ang mga nasa pribadong institusyon. Malaki ang pasasalamat ng mga residente sa tulong na kanilang natanggap.Â
Nakatanggap si Mang Estong ng isang computer set na magagamit ng kanyang mga anak sa kanilang online class. Dahil dito, masayang-masaya ang buong pamilya at ipinaabot sa nagbigay ang kanilang taos-pusong pasasalamat.
Masama ang loob ng pamilya Sastre dahil sa kakarampot na ayudang dumating sa kanilang pamilya gayung sila ay kabilang sa “poorest of the poor.”
Dahil sa patuloy na pagbagsak ng ekonomiya ng bansa gawa ng pandemya ay hirap na hirap na itaguyod ang negosyong sapayos ng pamilya Santos. Sa kabila nito ay nagagalak sila dahil may iilan pa ring mamimili na nagpapasalamat sa kanila dahil sa hindi nila pagsasara.