
ESP GR 8 Q3 M4
Quiz by Mark Joseph Marantal 2
Track each student's skills and progress in your Mastery dashboards
Hinahangaan ni Theresa si Jane sa kaniyang kagalingan sa pamumuno. Lahat ng sabihin ni Jane ay sinusunod at ginagawa ng kanilang grupo, kahit pa minsan ay napapabayaan na niya ang kaniyang sariling pangangailangan. Ang kilos ni Theresa ay nagpapakita ng mga sumusunod maliban sa ________.
Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng nakasanayang gawi o ritwal sa pamilya?
Paano mo mas higit na maipakikita ang paggalang sa awtoridad?
Naipapakita ang paggalang sa kapuwa sa pamamagitan ng ______.
Nag-iisang itinataguyod ni Aling Nena ang kaniyang tatlong anak, Subalit, may mga pagkakataon na natatakot din siya dahil mga nagdadalaga at nagbibinata na ang mga ito. Sa paanong paraan nila mapapatatag ang kanilang samahan sa loob ng kanilang tahanan?
Maipakikita mo ang paggalang at pagsunod sa iyong mga magulang, nakatatanda at may awtoridad kung kinikilala mo ang kanilang halaga.
Ang isang kabataan na tulad mo ay hindi inaasahan na magiging
mabuting halimbawa sa lahat ng aspeto ng iyong pamumuhay.
Ang iyong pagpapahalaga sa iyong mga magulang, sa mga nakatatanda, at sa mga may awtoridad ay nangangahulugang ng iyong pagkilala sa kanilang tungkulin na ikaw ay mahubog, masubaybayan ay mapaunlad.Â
Magiging mahirap para sa iyo ang makaranas ng paggalang mula sa iyong kapwa kung ikaw ay kinakikitaan ng iyong kapwa ng pagiging magalang at masunurin.
Napagtitibay ang birtud ng paggalang sa pamamagitan ng pagpapakita ng pagmamahal, pananagutan at pagkilala sa mga magulang, nakatatanda, at may awtoridad bilang biyaya ng Maylikha.