
SUMMATIVE TEST FILIPINO 7
Quiz by Jeanette Dagon-Roman
Track each student's skills and progress in your Mastery dashboards
Ang kagandahan ng pitong dalaga ay napabantog hindi lamang sa kanilang lugar kundi maging sa mga karatig bayan kaya maraming mga binata ang dumarayo sa kanilang lugar. Dahil dito mahihinuhang ang mga dalaga ay _
a.bantog b. kinaiingitan c.maraming manliligaw d.lahat ng nabanggit
2.Mamahaling regalo ang ibinigay ng mga binata sa mga dalaga. Kaya naging mabilis ang pagkakaunawaan ng pitong dalaga at pitong binatang estranghero. Mahihinuhang ang mga binatang estranghero ay ___________.
a. mahihirap b.mayayaman c.mapagbigay
3. Bitbit ang kanilang mga pansariling gamit ay sumama ang pitong dalaga sa mga manliligaw sa kabila ng pagpigil ng kanilang ama. Mahihinuha na ang mga anak ay___________
a.mababait b.masunurin c.uliran d.suwail
4. Laylay ang balikat ng ama sa matinding pagod at pagdadalamhati nang hindi niya maabutan ang tumakas na mga anak kasama ang kanilang mga kasintahan. Mahihinuha ang ama ay nakadama ng labis na _______.
a.inis b.tuwa c.takot d.kalungkutan
5. Nagdilim ang kalangitan, gumuhit ang matalim na kidlat at bumuhos ang malakas na ulan nang halos madurog ang kalooban ng ama sa pagsuway ng mga anak. Mahihinuha na ang kalangitan ay ______.
a.may bagyo b.nakikidalamhati c.nakisaya d.masama ang panahon