
Tayahin 5 - Paglalarawan sa mga Tauhan sa Kuwento
Quiz by Mary Grace Florendo
Track each student's skills and progress in your Mastery dashboards
Ilarawan ang tauhan batay sa kanyang kilos, sinabi o reaksyon.
Walang ginagawa si Amparo kundi magbasa ng komiks, manungaw sa bintana at matulog.
Lola ako na po ang magbibitbit ng dala ninyo para mabilis kayong makatawid.
Alas-tres ang usapan namin, kanina pa ako naghihintay, wala pa siya.
Napangiti si Donna nang makita niyang maganda na ang kanyang kasuotan.
Nagawi si Arky sa madilim na bahagi ng eskinita. Kumakabog ang kanyang dibdib kaya binilisan niya ang paglalakad.
Nagpahayag ng pagsang-ayon si Susan nang siya ay atasan ng kaniyang lider na maghanda ng isang programa tungkol sa pag-iwas sa Covid 19.
Nagdidilig ng mga halaman si Daisy sa kanilang bakuran nang dumaan ang kapitbahay nilang si Aling Ana. Nagtanong sa kanya ang matanda kung maaaring humingi ng dahon ng oregano para sa apo niyang may ubo. Agad na kumuha si Daisy ng mga kailangang dahon upang ibigay kay Aling Ana
Mabuti pa si Liza, bago ang gamit niya sa eskwela. Itong gamit ko ay pinaglumaan ko pa noong nakaraang taon.
Ah! Alam ko na gagamit na lang ako ng walis tingting at lumang diyaryo sa paggawa ng saranggola.
Araw-araw ay makikita si Kapitan na namamahagi ng relief goods sa mga taong naapektuhan ng pandemya sa kanilang barangay. Sinisiguro niya na walang magugutom dahil nananatili lang sa loob ng kani-kanilang tahanan ang mga tao sa komunidad.