
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA A.P. 9
Quiz by GAY SERRANO
Track each student's skills and progress in your Mastery dashboards
Ang salitang ekonomiks ay nagmulasa salitang Griyego na oikonomia. Ano ang kahulugan ng salitang “nomos”?
Bakit kailangang pag-aralan ang paglalaan ng pinagkukunang yaman para sa mga pangangailangan ng tao?
Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng tamang kaisipan tungkolsa kahulugan ng ekonomiks?
Ang salitang ekonomiks ay nagmula sa salitang Griyego naoikonomia. Ano ang kahulugan ng “oikos”?
Ano ang tawag sa proseso ng pagsasakripisyo o pagpili ng isangbagay kapalit ng ibang bagay?
Alin sa mga sumusunod ang maaaring mangyari kung hindi tama ang pagtugon natin sa ating pangangailangan atkagustuhan?
Alin sa mga sumusunod ang isinakripisyong halaga ng isang bagay upang bigyang daan ang mas makabuluhang bagay.?
Bakit mahalaga ang isang matalinong desisyon?
Alin sa mga sumusunod ang nasa ilalim ng komprehensibong kontrol at regulasyon ang command economy?
Alin sa mga sumusunod na sistema ng ekonomiya, ang konsyumer at prodyuser ay kumikilos alinsunod sa kanilang pansariling interes?
Alin sa mga sumusunod na sistemang pang-ekonomiya na ito, ang anumang produkto na malilikha ay ipamamahagi ayon sa pangangailangan atkung sino ang dapat gumamit ?.
Sa pagbuo ng produkto o serbisyo ay nakabatay kung anong input ang gagamitin. Maaaring gumamit ng teknolohiya o tradisyunal na paraan ng paggawa upang mabuo ang output. Anong katanungang pang-ekonomiko ang nararapat dito?
Alin sa mga sumusunod na sistemang pang-ekonomiya na nagpapahintulot sa pribadong pagmamay-ari ng kapital, pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng presyo, at pangangasiwa ng mga gawain?
Alin sa mga sumusunod na sistemang pang-ekonomiya ito, hinahayaan ang malayang pagkilos ng pamilihan subalit maaaring makialam ang pamahalaan sa usaping nauukol sa usaping pangkalikasan, katarungang panlipunan, at pagmamay-ari ng estado.?
Ang market economy ay ginabayan ng malayang pamilihan na nilalahukan ng _________na kumikilos ayon sa kanilang pansariling interes at makakuha ng malaking pakinabang.
Ang kaalaman sa opportunity cost, trade-off, incentives at marginal thinking ay makatutulong sa iyo upang makabuo ng _________________.
Mahalaga at makabuluhan ang pag-aaral ng ekonomiks para sa mga kabataan. Ano sa palagay mo ang pinakamabuting maidudulot sa iyo ng pagkakaroon ng kaalaman sa ekonomiks?
Ang kakapusan o scarcity ay maaaring umiral sa mga pinagkukunang yaman tulad ng yamang likas,yamang tao, at yamang kapital. Bakit nagkakaroon ng kakapusan sa mga ito?
Kung ikaw ay isang taong rasyonal, ano ang dapat mong isaalang-alang sa paggawa ng desisyon?
Alin sa sumusunod ang HINDI nagpapakita ng kahalagahan ng ekonomiks?
Si Andrea ay nag-aral nang mabuti para sa kaniyang pagsusulit dahil pinangakuan siya ng kaniyang ina na ibibili ng bagong cellphone kapag matataas ang kaniyang mga iskor. Anong konsepto sa ekonomiks ang ipinapahiwatig sa sitwasyon?
Mas pinili ni Theresa na mag-aral ng kanyang leksyon sa ekonomiks kaysa sa manood ng KDrama ng mga oras na iyon. Anong salik ng matalinong pagdedesisyon ang tumutukoy sitwasyon?
Sa iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya na umiiral sa mundo, anong katangian na nakapagbubukod tangi sa sistemang mixed economy na siyang dahilan upang ito ang ginagamit ng mas nakararaming bansa?
Alin sa mga sumusunodang tamang paraan ng pagpapasya ng market economy?
Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa isang institusyonal na kaayusan at paraan upang maisaayos ang paraan ng produksiyon, pagmamay-ari at paglinang ng pinagkukunang-yaman at pamamahala ng gawaing pang-ekonomiko ng isang lipunan.?
Paano nakatulong ang paggamit ng makinarya sa produksyon?
Ang produksyon ay proseso ng pagpapalit anyo ng produkto sa pamamagitan ng:
Alin sa mga sumusunod ang nanggagaling sa kakayahan at kasanayan ng isang taongnagtatrabaho.?
Ang mga manggagawang may kakayahang mental o may “white collar job” ay mas ginagamit ang kanilang isip kaysa lakas ng katawan sa paggawa, samantala ang mga manggagawang may kakayahang pisikal o may “blue collar job” ay________________.
Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa kakayahan at kagustuhan ng isang tao na magsimula ng isang negosyo.
Alin sa sumusunod ang nagpapatunay na may naiibang katangian ang lupa bilang salik ng produksyon?
Sa produksyon, nagaganap ang transpormasyon ng mga raw materials sa pagbuo ng bagong produkto sa pamamagitan ng kahusayan at sipag ng mga:
Alin sa sumusunod ang kita ng entrepreneur matapos magtagumpay sa pakikipagsapalaran sa negosyo?
Alin sa mga sumusunod na apat na salik ng produksyon, ang tumutukoy sa kalakal na nakalilikha ng bagong produkto.
Bakitnagkakaiba ang paraan at dahilan ng pagkonsumo?
Sa pagbabago ng presyo, sa anong pagkakataon tumataas ang pagkonsumo?
Alin sa sumusunod ang nagsasaad na ang tao ay hindi naapektuhan ng demonstration effect?
Bakit nakakaapekto ang pagkakaroon ng utang sa pagkonsumo ng tao?
Kapag pinag-uusapan ang pagkonsumo, bakit mas mainam na kaunti ang utang?
Paano nakakaapekto ang kalamidad sa pagtaas ng konsumo?
Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga nabanggit ng pinagmumulan ng demonstration effect?
Alinsa sumusunod ang halimbawa ng mga inaasahan na kabilang sa mga salik na nakakaapekto sa pagkonsumo?
Alin sa mga sumusunod ang nagpalabas ng karapatan ng mga mamimili upang maging gabay sa kanilang transaksiyon sa pamilihan?
Sa paanong paraan mo maitataguyod ang karapatan sa tamang impormasyon?
Bumili si Maria ng lipstick sa mall ngunit nang ito ay kanyang ginamit naging sanhi ito ng pamamaga ng kanyang labi. Anong karapatan ang dapat ipaglaban dito?
Alin sa mga sumusunod ang nagtataglay ng karapatan sa katalinuhan at kaalaman na kinakailangan upang makagawa ng hakbanging makatutulong sa mga desisyong pangmamimili?
Aling batas ang nangangalaga sa kapakanan ng mamimili?
Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa karapatang maipahayag ang interes ng mga mamimili sa paggawa at pagsakatuparan ng
mga patakaran at batas ng pamahalaan.?
Alin sa sumusunod na mga ahensiya ang tumutulong sa pagsugpo ng mga maling etiketang gamot, pagkain, pabango at make-up?
Alin sa mga sumusunod ang tumutugon sa reklamo laban sa pagbebenta ng di-wastong sukat o timbang ng mga gasolinahan at mga mangangalakal ng Liquified Petroleum Gas.