
Unang Markahang Pagsusulit sa EsP 6
Quiz by JOHN KERVIN MANALO
Track each student's skills and progress in your Mastery dashboards
Napadaan kayo ng iyong mga kaibigan sa simbahan na kasalukuyang may idinadaos na misa. Biglang sumigaw nang malakas ang iyong mga kasama. Ano ang gagawin mo?
Ayon sa gintong kautusan, ano ang dapat mong gawin sa iba?
Si Gng, Mendez ay isang mabuting kristiyano at palaging nagsisimba tuwing Linggo. Nakasuot siya ng ________ bilang paggalang sa Panginoon.
Gustong sumali sa inyong grupo si Marvin na isang sabadista. Dahil dito inayawan siya ng iyong kagrupo. Ano ang dapat mong sabihin sa kanya?
Ang mga Kristiyano ay nangingilin sa panahon ng Mahal na Araw, ang mga Muslim naman ay nagpupuasa tuwing _____.
Isang muslim si Kareem na kaibigan ni Alex. Araw ng Biyernes , isinama ni Kareem si Alex sa loob ng Moske. Ano ang dapat gawin ni Alex?
Pista sa Parokya. Inanyayahan ka ng iyong kapitahay na sumali sa prusisyon ngunit hindi ka naman Katoliko. Ano ang dapat mong sabihin?
Nagkatay kayo ng baboy bilang pasasalamat ng ate mo na galing sa abroad. May inanyayahan siyang kaibigan na isang Muslim. Pagdating sa oras ng kainan, ano ang gagawin mo?
Paano mo ipakikita ang paggalang sa pook dalanginan ng mga Iglesia ni Cristo, kahit hindi ka kaanib?
Ang Diyos ay makapangyarihan sa lahat. Manalig tayo sa Kanya. Ang taong may ____ay hindi natatakot.
Ang kotse ninyo ay bumubuga ng maitim na usok. Alin ang nararapat na gawin?
May itinatayong paggawaan o pabrika sa inyong lugar. Dahil sa masamang usok na ibinubuga nito, nagtatag ng kilusan labandito. Ano ang dapat mong gawin?
Nagpasiya ang mag – anak ni Mario na magtayo ng manukan malapit sa mga kabahayan. Marami ang pumuna nito. Dapat ba niyang ituloy ito?
May inilunsad na gawaing pansibiko na “Clean and Green” sa inyong lugar, Ano ang iyong gagawin?
Nakita mong nagtatapon ng mga basura sa kanal ang kapitbahay mo. Ano ang gagawin mo?
Naglalakad ka papunta sa silid – aklatan nang makita mo ang isang batang nagtatapon ng balat ng saging sa daanan, Ano ang iyong gagawin?
Isinuot ng kapatid mo ang bago mong damit na gagamitin mo sana sa isang party ng kaibigan. Ano ang gagawin mo?
Paubos na ang pagkain sa hapag ng biglang dumating ang iyong
nakababatang kapatid. May kaunti ka pangulam sa pinggan. Ano ang
sasabihin mo?
Nagmemeryenda ka, kasama ang iyong mga kaibigan. Nakita mong nakatingin sa iyo ang isang batang gusgusin. Ano ang nararapat mong gawin?
Narinig mo napinag-uusapan ka ng mga kaklase mong babae. Ayaw mo sanang magalit. Ano ang gagawin mo para makaiwas ka na makapagsalita ng masama?
Nanalo ang mga nagdesisyon na sa Mt. Samat na lamang sila mamamasyal. Ano ang dapat mong gawin?
Natalo ka sa ginawang halalan para sa pagiging pangulo sa klase. Ano ang iyong gagawin?
Nagpasya ang mag-anak ni Luis na magsagawa ng paglilinis sa loob at labas ng kanilang tahanan sa darating na araw ng Sabado. Nakagawian ni Aezriel na maglaro ng basketbol tuwing araw na ito. Kung ikaw si Aezriel, ano ang gagawin mo?
Alin sa mga sumusunod na pasya ang nagsasaalang-alang sa kabutihang panlahat?
Nakatanggap ka ng mensahe sa social media na walang pasok sa inyong paaralan kinabukasan. Ano ang gagawin mo?
May isang tauhan ng munisipyo ang pumunta sa inyong bahay para sa isang survey. Nangangailangan ito ng tiyak at eksaktong detalye. Ano ang gagawin mo?
Nakatanggap kang isang mensahe na nagsasabing, ikaw ay nagwagi nang malaking halaga kahit alam mo nawala ka namang sinasalihan. Ano ang gagawin mo?
Nakakita ka ng isang artikulo na maganda at sakto ang pamagat para sa iyong proyekto. Ano ang gagawin mo?
Nabasa sa magasin ni May na may paligsahan sa pag-awit. Ang mga kalahok ay kailangang magdeposito ng isang libong piso sa nakalagay na bankaccount sa magasin. Ano ang dapat gawin ni May?
May patalastas sa pahayagan tungkol sa isang produkto na pampakinisng kutis. Gustong-gusto mo rin na kuminis at maging maputi ang iyong kutis ngunit alam mo na nagkaka-allergy ka sa balat tuwing ikaw ay gagamit ng pampakinis. Gagamit ka din ba ng produktong ito?
Nabalitaan mo sa dyaryo na sangkot ang inyong alkalde sa illegal na droga sa inyong bayan. May kaklase ka na anak ng inyong alkalde. Bilang isang mag-aaral, paano mo pakikitunguhan ang nasabing kaklase?
Ginagamit ito ng nakararami para sa komunikasyon tulad ng mga nagtatrabaho bilang Overseas Filipino Workers (OFW).
Ano ang karamihang pinagpupuyatan ng mga kabataan sa gabi na minsan ay hindi na maganda sa kanilang kalusugan?
Karapatan ng isang batang tulad mo na magkaroon ng malusog at malinis na pangangatawan. Paano mo igagalang ang karapatang ito?
Anong ugali ang kinakailangan ng isang bata upang matamo niya ang pangarap at pangako sa magulang?
Kayo ay miyembro ng 4P’s ng ating pamahalaan. Magkakaroon ng pulong bukas ang mga kasapi nito. Hindi makadadalo ang iyong nanay kaya ikaw muna ang kanyang pinapupunta. Ano ang iyong gagawin?
May trangkaso ang iyong Ina, Walang mag aasikaso sa mga gawaing bahay. Bilang nakatatanda sa inyong magkakapatid, ano ang nararapat mong gawin?
Galing ka sa paglalaro, basang-basa ka ng pawis, gusto mo ng maligo. Ano ang gagawin mo?
Alam ni Edgar na hindi na siya kayang pag-aralin ng kaniyang mga magulang dahil sa mas marami ng gastusin simula Junior High School. Ipinaintindi ito sa kaniya ng kaniyang mga magulang kaya hindi siya nagalit o nagtanim ng sama ng loob.
Maraming basura ang nakita ni Myrna sa likuran ng kanilang paaralan. Hindi pala nakuha ang mga ito ng basurero at ngayon ay nakakalat na. Dali-daling kumuha ng walis at dustpan si Myrna upang linisin ang basura upang hindi makaperwisyo ang amoy nito sa ibang mag-aaral.
Inimbita ka ng iyong kaklase na magpunta pagkatapos ng klase sa kanilang bahay. Ngunit nagbilin ang nanay mo na umuwi ka ng maaga dahil babantayan mo ang nakababata mong kapatid. Ipinaliwanag mo sa iyong kaklase kung bakit kailangan mong umuwi ng maaga.
Sa kabila ng kahirapan sabuhay, hindi nawalan ng pag-asa si Julia na balang araw magiging maayos din ang buhayng kaniyang pamilya. Araw-araw niyang ipinagdarasal ito sa Panginoon.
Bawat buwan ay nagpapadala si Marta ng sahod na natatanggap niya upang ipambili ng pagkain para sa magulang at mga kapatid. Anong katangian ang ipinapakita ni Marta?
Ang tamang impormasyon ay mahalaga upang magkaroon tayo nang tamang pagpapasiya. Ang mga sumusunod aymga patnubay upang malaman natin kung wasto o gawa-gawa lamang ang mga impormasyon MALIBAN sa isa. Ano ito?
Nawalan ng trabaho ang iyong mga magulang dahil sa pandemya. Kailangan mong huminto sa pag-aaral dahil sa kakulangan ng pera. Ano ang gagawin mo?
Ano ang magagawa mo kung nahaharap ka sa suliranin ng pagkakaroon ng sirang cellphone gayong kailangan mo ito sa online class?
Bumili ka ng kendi sa tindahan. Pagkatapos mong bumili, nalaman mong sobra ang isinukli sa’yo ng tindera. Ano ang gagawin mo?
Sinabing kaibigan mong malapit nang magkakaroon ng face-to-face classes sa inyong paaralan ngayong darating na Agosto. Ano ang iyong gagawin upang malaman mong nagsasabi nang totoo ang iyong kaibigan?
Bakit mahalaga na ang batang tulad mo ay nakapagsusuri nang mabuti sa mga bagay na may kinalaman sa sarili at pangyayari?
Ang pagiging mapanuri sa isang sitwasyon ay mahalagang katangian bago gumawa ng pasiya o desisyon ang isang tao. Paano ito nakatutulong sa paggawa ng isang desisyon?