placeholder image to represent content

1st Quarter Integrative Formative Test in MAKABAYAN (Grade 10)

Quiz by Shin Silva

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
10 questions
Show answers
  • Q1

    Panuto: Basahin ang teskto at sagutin ang mga sumusunod na tanong.

                                           Pia Alba

    Ako si Pia Alba, maganda at mayuming binibini

    May takot sa Diyos at yamang taglay

    Ako ay ipinagkasundo kay Santiago

    Ang aking mundo ay tila perpekto.

    Maliban lamang sa supling na aking inaasam

    Kung kaya ako ay lumapit sa aming prayle

    Kanyang sinabi na ako ay dapat sumayaw 

    Sa pista ni Santa Clara doon sa Obando.

    Labis ang pasasalamat na ako’y kanyang sinamahan

    Wala sa hinagap na ako’y mapagsasamantalahan

    Ilang ulit niyang inilugso aking dangal

    Hanggang isang araw, nalaman kong ako’y nagdadalang-tao.

    Paano na lamang ang aking kahihiyan?

    Paano kapag nalaman ng mga taong-bayan?

    Hindi ko na yata kakayaning humarap kaninoman

    Ang dating mga labing laging may ngiti

    Napalitan na lamang ng mga impit na hikbi.

    Ang boses ko noon na dati’y naririnig

    Tila sa lalamunan ko ay may bikig

    Lihim kong ito’y sa hukay dadalhin

    Sapagkat hawak ng buhong ang aking buhay.

    Ano ang nakapaloob na kaisipan sa unang saknong ng tula?

    Isang babaeng may perpektong katangian.

    Isang babaeng nabubuhay sa takot at kahihiyan.

    Isang babaeng walang pag-asa

    Isang babaeng may kakulangan.

    30s
  • Q2

    Ano ang nakapaloob na kaisipan sa ikatlong saknong ng tula?

    Isang babaeng nabubuhay sa takot at kahihiyan.

    Isang babaeng may kakulangan.

    Isang babaeng walang pag-asa

    Isang babaeng may perpektong katangian.

    30s
  • Q3

    Anong isyu ang ipinapakita sa tula na hanggang sa kasalukuyan ay nagaganap sa bansa?

    Kahirapan

    Korupsyon

    Pang-aabuso sa mga kabataan

    Pang-aabuso sa mga kakabaihan

    30s
  • Q4

    Batay sa binasang tula, Ano ang naging kahinaan ni Pia Alba?

    Malapit sa tao

    Masayahin

    Madasalin

    Mapagtiwala

    30s
  • Q5

    Alin sa mga sumusunod ang nararapat gawing hakbang upang malampasan ang suliraning kinakaharap ni Pia Alba?

    Magpunta sa may kapangyarihan at magbigay ng pahayag.

    Humingi ng tulong sa abogado at ihabla ang salarin.

    Sabihin sa asawa ang pangyayari lalo at higit na kailangan ang suporta at pagmamahal.

    Sumali sa organisasyong nagpoprotekta sa karapatan ng mga kababaihan at maging inspirasyon sa mga kapwa-biktima.

    30s
  • Q6

    Basahin ang tula. Piliin ang titik na tumtugon sa bawat pangungusap

     

    Katutubo

    Ni: Tatay Remo Fenis

     

    Habang ang lahat ay hindi nakatingin

    Habang sa kanila ay walang pumapansin

    Iniisa-isa silang patahimikin

    Silang pinagkakaisahan ng mga magagaling

     

    Balingan ang pansin lamang kung kailangan

    Hahangaan tuwing may kasiyahan sa bayan

    Makulay nilang kultura at kasuotan

    Ibinibida sa mga dayuhan

     

    Sila ba ngayon ay nasaan

    Ni kahit pagkilala man lang sa karapatan

    Ay di maibigay pilit pang pinagkakaitan

    Hindi naging marahas dahil subok na mahaba ang kapayapaan

    Anong isyung panlipunan ang tinatalakay sa tula?

    Deskriminasyon

    Korupsyon

    Kahirapan

    Polusyon

    30s
  • Q7

    Bakit mahalagang pagtuunan ng pansin ang mga ganitong isyu ng bansa?

    Nililinang nito ang kamalayan ng bawat mamamayan sa kanilang tungkulin at responsibilidad.

    Nakatutulong ito sa paghubog sa kasalukuyan at kung paano isasa ayosng tao ang mga isyung binibigyang – pansin para sa hinaharap.

    Nakatutulong ito upang maisa loob at maisa buhay ang pagiging mabuting mamamayan.

    Lahat ng nabanggit

    30s
  • Q8

    Ano ang sakit ng lipunan ang inilalantad ng pahayag sa ikatlong saknong?

    pananamantala sa mahihina

    pagwawalang bahala sa karapata ng pantao

    panlalamang sa kapwa lalo na sa mahihirap

    pagpapahirap sa pinamumunuan

    30s
  • Q9

    Batay sa ikalawang saknong, nawawala ang dignidad ng tao sa maling paraan ng pakikitungo sa kanila.  Paano mo matutulungan ang mga mahihirap at indigenous group o ang mga katutubo na maiangat ang kanyang dignidad bilang tao?

    Humanap ng isang instituyon na maaaring kumalinga

    Bigyan ng pantay na karapatan at prebilehiyo

    Palagi silang bigyan ng pagkain at pera sa araw-araw.

    Pansamantalang kupkupin bilang kapwa-tao

    30s
  • Q10

    Kung ikaw ay isang katutubo o isa sa mga indigenous people, paano  mo mapananatili ang mataas na antas ng dignidad ng tao?

    Palaging iangkop ang sarili sa pangkat na kinabibilangan upang maging karapat-dapat sa kanilang pagkilala.

    Panatilihin ang kabutihan sa sarili at sa kapwa upang laging makuha ang paggalang ng kapwa.

    Isabuhay ang pagpapahalaga hindi sa kung anong katayuan sa buhay maayroon kundi sa karangalan bilang tao.

    Kumilos bilang kagalang-galang na indibidwal.

    30s

Teachers give this quiz to your class