placeholder image to represent content

3rd Quarter Summative Test Araling Panlipunan 10

Quiz by Eddah Amor Lagos

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
30 questions
Show answers
  • Q1

    Naiiba ang sex sa gender dahil tumutukoy ito sa:

    pananaw ng bawat tao sa bawat kasarian.

    biyolohikal at pisyolohikal na katangian ng lalaki o babae.

    gampanin ng mga babae at lalaki sa pamayanan.

    60s
  • Q2

    Ang  kasarian ni Maria  ay babae dahil siya ay:

    maarte manamit.

    mahinhin at maganda.

    may buwanang regla.

    60s
  • Q3

    Ang isang tao ay matatawag na  may masculine na katangian dahil:

     siya ay may bayag at may bigote.

    malalaki ang kanyang braso at katawan.

    ang kanyang gampanin ay panglalaki.

    30s
  • Q4

    Bakit na tinatawag na bakla o tomboy ang isang tao?

    mahilig makipaghalobilo sa katulad niyang kasarian

    nagkakagusto sa taong kahalintulad ng kanyang kasarian

    ang kanyang kilos ay nabibilang sa ibang kasarian

    30s
  • Q5

    Si Anton ay  isang asexual na  mag-aaral dahil siya ay:

    walang nararamdaman na atraksyong sekswal sa anumang kasarian.

    may nararamdaman na  atraksyon sa babae at lalaki.

     may nararamdaman na atraksyon sa mga babae.

    30s
  • Q6

    Si Alfy na isang lalaki ay tiyak na sa kanyang kasarian. Gender identity ang tawag dito dahil:

    gusto niyang makipagrelasyon sa magkaibang kasarian,ngunit siya ay natatakot  ipagpatuloy ito.

    ito ay may malalim na damdamin at personal na karanasang pangkasarian ng isang tao, na maaaring magkatugma o hindi na katugma sa sex niya nang siya’y ipanganak.

    mayroon siyang personal na karanasan na nagbibigay sa kanya ng desisyon kung anong kasarian ba dapat.

    30s
  • Q7

    Sa Chambri, isang pangkat sa New Guinea, ang mga babae ay nabigyan ng halaga sa kanilang lipunan dahil:

    kaya nila talunin sa lakas ang mga lalaki.

    nabigyan sila ng pagkakataon na mamumuno sa kanilang tribo.

    sila ay mas magaling mamuno kaysa mga lalaki.

    30s
  • Q8

    Si Angie ay nakakaranas ng hindi pantay na karapatan kumpara sa ibang mga manggagawa. Sa ganitong pangyayari, ito ay maituturing na diskriminasyon dahil:

    binigyan siya ng sapat na oportunidad.

    nakaranas siya ng pantay na pagtrato sa kanyang mga kaibigan.

    nakaranas siya pag-uuri, eksklusion o restriksiyon batay sa kasarian na naglalayon o nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang at pagtatamasa ng lahat ng kasarian ng kanilang mga karapatan at kalayaan.

    30s
  • Q9

    Batay sa datos ng World Health Organization (WHO) may 125 milyong kababaihan (bata at matanda) ang biktima ng Female Genital Mutilation (FGM) sa 29 na bansa sa Africa at Kanlurang Asya. Ano ang pangunahing

    layunin nito?

    Pagsunod sa kanilang kultura at paniniwala

    Upang mapanatiling puro at dalisay ang babae hanggang sa siya ay makasal

    Upang hindi mag-asawa ang kababaihan

    45s
  • Q10

    Ang mga kababaihan at kalalakihan lalo na ang mga kasapi sa LGBT ay nakakaranas parin ng mga karahasan at diskriminasyon  sa kasalukuyang panahon. Bilang isang mag-aaral, ano ang maari mong gawin upang matugunan ang mga pandaigdigang isyung ito?

    Sasabihin ko sa kinauukulan ang mga pangyayari sa aming barangay

    Wala akong pakialam dahil hindi naman ako kasapi sa mga nakaranas ng ganoong sitwasyon at diskriminasyon

    Ipalaganap ko sa sosyal midya ang mga karahasan at diskriminasyon na nangyari sa ating bansa upang sa ganoon ay makagawa ang ating pamahalaan maging ang pandaigdigang samahan ng mga programa na makapagpipigil ng karahasan at diskriminasyon.

    45s
  • Q11

    Napansin ni Mr. Abellana na inaapi o tinutukso si Shiela, isang binabae o kasapi ng LGBT. Bilang punong -guro ng isang paaralan, ano ang maaari mong gawin upang maiwasan ang ganitong pangyayari?

    Ipapatawag ko ang mga magulang at pagbabayarin ng danyos sa pamilya ni Shiela.

    Pagsasabihan ko ang mga estudyante na mahuhuling lumalabag sa kasunduan o ordinansa ng paaralan.

    Magpapatawag ako ng isang pulong at magsasagawa ng isang seminar sa mga estudyante tungkol sa nasabing problema.

    30s
  • Q12

    Habang ikaw ay naglalakad papunta sa iyong silid aralan, nakita mo si Roy na kapwa mo mag-aaral na pinagsasabihan ng masasakit na salita ni Bb. Rosalie na iyong guro. Pinalabas siya sa klase sapagkat hindi siya nakasuot panlalaki. Ano ang iyong gagawin?

    Pagsasabihan si Roy na huwag na lang siyang magpatuloy sa pag-aaral upang makaiwas sa gulo.

    Kakausapin ko ang aking guro na huwag mong pakialaman ang mga kapwa ko mag-aaral sa kanilang pananamit.

    Kakausapin ko si Bb. Rosalie na papasukin pa rin sa klase si Roy dahil karapatan niyang makapag-aral at magkaroon ng kasunduan sa tamang pananamit.

    30s
  • Q13

    Si Jennifer Laude ay isang transgender o transwoman na nagkaroon ng masaklap na karanasan sa buhay. Nang natuklasan na siya ay hindi tunay na babae, siya ay pinatay ni Lance Cpl. Joseph Scott Pemberton, isang Amerikano na kabilang sa Hukbong Kawal Pandagat ng Estados Unidos noong taong 2014. Sa iyong palagay, ano ang maari mong gawing hakbang upang lalong maging katanggap- tanggap sa lipunan ang mga LGBT Community?

    Suportahan ang mga batas o polisiya na nangangalaga at nagpoprotekta sa kapakanan ng LGBT

    Sumang-ayon na lamang sa pinaglalaban ng grupong sinalihan upang maipakita ang pagsuporta sa LGBT

    Sumali sa mga demonstrasyon upang marinig ng pamahalaan ang hinaing ng mga LGBT

    30s
  • Q14

    Ikaw ay isang lider ng samahang LGBT, bagaman ikaw ay mabuting tao, hindi maikakaila na marami pa rin ang gumagawa ng hindi naaayon sa gawi at kultura ng lipunan. Ano ang pwede mong gawin upang mabago ang pananaw ng karamihang tao tungkol dito?

    Bilang pinuno sila ay pagsasabihan ko upang sila ay matauhan.

    Hindi ko kontrol ang kanilang kilos o galaw ngunit inaanyayahan ko sila sa isang pagtitipon na nagsusulong ng pagkakapantay-pantay ng kasarian upang matuto sa kanilang ginagawa.

    Sasabihan ko sila ng paulit-ulit na gumawa sila ng mabuti sa kapwa habang nabubuhay sila

    30s
  • Q15

    Nagising ka dahil narinig mong umiiyak ang iyong nanay. Sa pagsilip mo sa kuwarto nila, pinagbuhatan ng kamay ng lasing mong tatay ang iyong nanay. Ano ang gagawin mo upang matulungan ang iyong nanay?

    Makialam at suntukin mo rin ang iyong ama.

    Puntahan ang mga nakatatandang kapatid ng iyong ama at ipabugbog at  ipakulong siya.

    Ireport sa barangay ang pangyayari.

    30s

Teachers give this quiz to your class