placeholder image to represent content

3rd Quarter Summative Test Araling Panlipunan 8

Quiz by Eddah Amor Lagos

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
30 questions
Show answers
  • Q1

    1. Mahalaga ang ginampanang papel  ng mga unibersidad ng Italya MALIBAN SA:

    Nagpalawak sa paniniwala ng simbahang Katoliko

    Naitaguyod at napanatiling buhay  ang kulturang klasikal .

    Naging praktikal ang mga tao sa kanilang pananaw sa buhay.

    60s
  • Q2

    Ang mga sumusunod ay layunin ng Renaissance MALIBAN SA

    a. panunumbalik ng mga karunungang klasikal

    pagkukuwestiyon sa mga umiiral na paniniwala

    muling ibalik ang kadakilaan ng kulturang Graeco-Romano

    60s
  • Q3

    Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagsasaad patungkol sa Humanismo?

    Isang kilusang  intelektuwal na naniniwalang dapat pagtuunan ng pansin ang klasikal na sibilisasyon ng Gresya at Roma.

    Kilusang hindi laban sa Kristiyanismo.

    Ito ay pinangungunahan ng mga taong nag-aaral sa unibersidad.

    30s
  • Q4

    Bakit tinawag na transisyonal na panahon ang Renaissance mula sa Medieval tungo sa Modernong Panahon?

    Nagpasaya sa buhay ng Europeong mamamayan dahil sa paglawak ng nasasakupan.

    Nagdulot ng mga pagbabago na naging dahilan sa pagpapaunlad ng imbensyon at agham.

    Pinalawig ang mga kaugalian at tradisyon sa Gitnang Panahon.

    60s
  • Q5

    Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga bagay na itinuturing na motibo ng kolonyalismong dulot ng eksplorasyon?

    Ang pagnanais na mapaunlad  ang isang bansa

    Ang pagnanais na makatuklas ng mga bagong pagkukunang-yaman.

    Ang pagkakaroon ng tiwala sa sariling kakayahan at naghangad na maging sanhi ito ng katanyagan at karangalan hindi lamang sa sarili kundi sa bansang kinabibilangan.

    30s
  • Q6

    Alin ang tamang pagkakasunod-sunod sa panahon ng paglalayag mula 1419 hanggang 1497?

    I. Itinatag ang paaralang pangnabigasyon sa Portugal

    II. Narating ni Bartholomeu Dias ang Cape of Good Hope

    III. Narating ni Christopher Columbos and New World

    VI. Nagalugad ni Amerigo Vespucci ang  Amerika

    I,II,III, and IV

    I, IV, III and II

    I,II,IV and III

    30s
  • Q7

    Ang panahon ng eksplorasyon ay naging dahilan upang ang mga karagatan ay maging daan tungo sa pagpapalawak ng mga imperyong Europeo. Ano ang  implikasyon ng panahong ito? 

    ang pagsimula sa kolonyalismo (pananakop) at imperyalismo (panghihimasok, pag-impluwensiya, o pagkontrol ng isang makapangyarihang  bansa sa isang mahinang bansa)ng mga Kanluranin.

    pagbabago ng hangarin ng mga Europeo na sakupin ang daigdig at bigyan ng kapayapaan ang mga bansang nagnanais na maging maunlad.

    pagsisimula ng bagong kaalaman sa siyensya at maka-agham na pamamaraan.

    30s
  • Q8

    Alin sa  sumusunod na paraan ng pananakop ang ginamit ng mga Dutch sa Asya na maituturing na dahilan kung bakit mas nagtagal ang kanilang kontrol sa Asya kaysa Amerika?

    Pagtatakda ng sistema ng plantasyon.

    Pagkakabuo ng patakaran sa sapilitang paggawa.

    Pagkakatatag ng Dutch East India Company.

    60s
  • Q9

    Paano mailalarawan ang epekto ng kolonyalismo?

    Nagdala ang mga Kanluranin ng mga sakit sa kolonya na naging sanhi ng maraming pagkamatay ng mga katutubo

    a. Pawang kabutihan ang dala ng kolonyalismo sa mga bansang nasakop ng mga Europeo.

    Ang kolonyalismo ay nagdulot ng positibo at negatibong epekto sa mga bansang sakop ng mga Kanluranin.

    60s
  • Q10

    Ang  sumusunod ay tungkol sa rebolusyong industriyal, MALIBAN SA____________.

    Ito ay lumaganap at umabot sa Amerika.

    Isang tradiyusnal na yugto mula 1760 hanggang 1840.

    Naging susi sa paggamit ng katwiran.

    60s
  • Q11

    Ang rebolusyong siyentipiko ang nagpaunlad sa sistema ng pag-aaral sa pamamagitan ng pagtakda ng mga eksperimento mula sa pagmamasid sa kapaligiran. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa ambag ng rebolusyong siyentipiko sa Europe?

    Naging pangunahing dahilan ito ng kamalayan ng mga Kanluranin.

    Nakapagtatag ng mga paaralang pang-agham sa Europe.

    Nadagdagan ang kapangyarihan ng mga hari at reyna.

    60s
  • Q12

    Ang Rebolusyong Industriyal ay lumaganap at umabot sa Amerika. Sa

    pangunguna ng Amerikanong si Eli Whitney, naimbento ang cotton gin. Alin sa sumusunod ang kahalagahan ng pagkakaimbento ng cotton gin?

    Napakabilis ang pagtrabaho sa paglikha ng tela at iba pang gamit sa tahanan

    Napadali ang paghihiwalay ng buto at ibang materyal sa bulak.

    Nakapagbigay ng enerhiya sa makinarya sa paggawa ng mga bulak.

    30s
  • Q13

    Ang hindi magandang karanasan ni Copernicus sa pagsulong ng siyensya ay

    hindi nagpatinag sa mga siyentipiko na isulong ang kanilang mga ideya. Kabilang dito si Johannes Kepler, isang Aleman na astronomer at mahusay na matematisyan, na pinangunahan ang pagbuo ng isang pormula. Alin sa sumusunod ang nagpapaliwanag sa pormula na pinangunahan ni Johannes Kepler?

    Pagbabago ng panahon

    Posibleng pag-ikot ng mga planeta sa isang parabilog.

    Pag-aaral tungkol sa mga planeta.

    60s
  • Q14

    Tinanggap ni Galileo ang teorya ni Copernicus na naging dahilan ng takot niya na matiwalag sa simbahan. Alin sa sumusunod ang kanyang ginawa upang hindi itiwalag ng simbahan?

    Tumaliwag siya sa paniniwala ni Copernicus

    Binaliktad niya ang paniniwala ni Copernicus.

    Binawi niya ang kanyang paniniwala.

    60s
  • Q15

    Si Copernicus ay nakaranas ng persekusiyon mula sa simbahan gaya ng ibang pang siyentipiko, sa pamamagitan ng inquisition. Alin sa sumusunod ang nagpapaliwanag sa inquisition?

    Ang tawag sa mga miyembro ng simbahan.

    Hukuman na nagpaparusa sa ayaw sumunod sa simbahan

    Ang mga tao na nagpaparusa sa taong ayaw maniwala sa simbahan.

    30s

Teachers give this quiz to your class