Kapansin-pansin ang patuloy na pagtaas ng singil sa kuryente. Hindi magawang umangal ng mga konsyumer dahil walang direktang maipalit sa serbisyong ito. Sa ganitong sitwasyon, tatanggapin na lamang ng mga konsyumer ang anumang pagtaas sa bill ng kanilang kuryente. Kung iuugnay natin ang halimbawang ito sa elastisidad ng demand, anong uri ito ng elastisidad?