
AP Q2
Quiz by quesidilla
Measure skillsfrom any curriculum
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
- edit the questions
- save a copy for later
- start a class game
- automatically assign follow-up activities based on students’ scores
- assign as homework
- share a link with colleagues
- print as a bubble sheet
- Q1
Alin sa mga sumusunod na pahayag ang pinakatumpak na kahulugan ng Globalisasyon?
Mabilis na paggalaw ng mga tao tungo sa pagbabagong pulitikal at ekonomikal ng mga bansang mahihirap at mas komplikadong pagkakaroon ng foreign direct investment.
Ang pagpapalaganap ng teknolohiya at ideya sa pamamagitan ng pandaigdigang transportasyon at komunikasyon, daan upang humina ang sektor ng agrikultura ngunit pinasigla ang industriya at paglilingkod.
Isang mahabang proseso ng pagsulong bilang nangungunang kaisipang pang-ekonomiya sa pamamamagitan ng pagrereistruktura o muling pag-aayos ng pandaigdigang ekonomiya.
Pagbabago sa ekonomiya at politika na may malaking direktang epekto sa sistema ng pamumuhay ng mga mamamayan sa buong mundo.
30s - Q2
Isa sa hamon ng globalisasyon sa bansa ay ang pagbabago ng workplace ng mga manggagawa na kung saan binago rin nito ang sistema ng pagpili sa mga manggagawa. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapatunay ng pagbabagong ito?
Naging malaya ang pagpasok ng mga dayuhang kompanya sa bansa dahil sa mababang pasahod at pangongontrata lamang sa mga lokal na manggagawa.
Humigpit ang proseso sa pagpasok ng mga dayuhang kompanya, produkto at serbisyo sa bansa kaya’t kinakailangan ng mga world class workers
Humihirap ang kalagayan ng mga dayuhang kompanya sa pagpasok sa bansa kaya’t kinakailangang pababain ang sweldo ng mga lokal na manggagawa.
Tumaas ang kalidad ng mga lokal na produkto sa pandaigdigang pamilihan kaya’t kinakailangang mag-angkat ng mga eksperto sa ibang bansa para sanayin ang mga lokal na manggagawa
30s - Q3
Ang mga ekonomista ay nagbigay ng kaniya-kaniyang konsepto at perspektibo ukol sa Globalisasyon. Alin sa mga sumusunod ang pinaka-angkop na naglalarawan sa nabanggit na isyung panlipunan.
Paglawak ng ugnayan sa pagitan ng mahihirap at mayayamang bansa.
Pagkakaroon ng malayang kalakalan upang magkaroon ng kompetisyon.
Malayang pagpasok ng mga imported na produkto sa pandaigdigang pamilihan.
Paglawak ng integrasyon ng mga ekonomiya, kultura, pulitika at siyensiya sa daigdig.
30s - Q4
Dahil sa Globalisyon nagkaroon ng malayang kalakalan na kung saan tinanggal ng mga bansa ang taripa, kota, mga krayterya para sa mga inaangkat na produkto at iba pang hadlang. Alin sa mga sumusunod ang kabutihang dulot ng sistemang ito?
Magkakaroon ng maraming pamilihang pandaigdig na magbubukas sa isang kompetisyon.
Tataas ang kita ng mga lokal na prodyuser
Nakokontrol ang pagtaas ng presyo ng bilihin
Mas maraming produkto ang mapagpipilian ng mga mamimili
30s - Q5
Naging isang malaking pamilihan ng mga mayayamang bansa ang mahihirap na bansa dahil sa malayang pagpasok ng mga imported na produkto. Ang kalagayang ito ang unti-unting pumapatay sa maliliit na negosyo sa Pilipinas. Kung ikaw ay nagmamay-ari ng isang small scale industry, paano ka makikipagkompetensya sa mga dayuhang mangangalakal?
Lumahok sa mga protesta para huwag papasukin ang mga imported na produkto sa bansa.
Gumawa ng mura ngunit de-kalidad na produkto at serbisyo.
Humingi ng subsidiya sa gobyerno para lumaki ang puhunan.
Bubuo ng isang samahan ng maliliit na negosyo sa Pilipinas at hilingin sa gobyerno na ipatupad ang Guarded Globalization
30s - Q6
Ano ang pangyayaring lubusang nakapagpabago sa buhay ng tao sa kasalukuyan?
Pandemya (Covid-19)
Paggawa
Ekonomiya
Migrasyon
30s - Q7
Paano nakapagpapabilis sa integrasyon ng mga bansa ang Globalisasyon?
Makikita sa Globalisasyon ang paghiwa-hiwalay ng mga bansa sa daigdig.
Makikita sa globalisasyon ang mabilis na ugnayan ng mga bansa.
Dahil sa globalisasyon mabilis na tumutugon ang mga bansa sa mga banta na magdudulot ng kapinsalaan.
Dahil sa Globalisasyon nagkakaroon ng mabilis na palitan ng mga impormasyon at kolaborasyon ang mga bansa.
30s - Q8
Maaaring suriin ang globalisasyon sa iba’t ibang anyo nito maliban sa isa, ano ito?
Sosyo-kultural
Teknolohikal
Ekonomikal
Sikolohikal
30s - Q9
Alin sa mga pangungusap sa ibaba ang kumakatawan sa pahayag na binago ng Globalisasyon ang workplace ng mga manggagawang Pilipino?
Pagdagsa ng mga produktong dayuhan sa Pilipinas
Pagdagsa ng mga business process outsourcing (BPO) sa bansa
Pag-angat ng kalikad ng manggagawang Pilipino
Paghuhulog, pagbabayad at pagwiwithdraw gamit ang mga Automatic Teller Machine
30s - Q10
Bakit maituturing na panlipunang isyu ang Globalisasyon?
Nagdudulot ng masamang epekto sa kalagayang panlipunan, ekonomikal at pulitikal na aspekto.
Naaapektuhan nito ang mga maliliit na industriya at mas higit na pinauunlad ang mga malalaking industriya.
Patuloy na pagbabago sa kalakarang pamumuhay ng mga mamamayan.
Tuwiran nitong binago, binabago at hinahamon ang pamumuhay at mga “perennial” na institusyon na matagal ng naitatag.
30s - Q11
Isa sa mga pinakamahirap na isyu sa paggawa sa Pilipinas ay ang pag-iral ng sistema ng mura at flexible na labor. Alin sa mga sumusunod na pahayaag ang naglalarawan ng mura at flexible na labor? Ito ay paraan ng namumuhunan na palakihin ang kanilang kita sa pamamagitan ng ___
Pagdadagdag ng puhunan upang madagdagan ang produksyon at kita.
Pagbabawas ng mga manggagawa.
Pagpapatupad ng mababang pasahod at paglilimita sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa.
Malaking pasahod at paglilimita sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa.
30s - Q12
Upang maiangkop ang mga manggagawang Pilipino sa kasanayan para sa ika-21 siglo ipinatupad ng pamahalaan.
Panibagong Kurikulum na nagbigay daan sa pagdagdag ng 2 taon sa Basic Education)
Pagpapatupad sa Wikang Pilipino bilang wikang panturo.
Libreng pag-aaral sa lahat ng antas sa lahat ng pampublikong paaralan at Universidad.
Pagsasamoderno ng mga kolehiyo at Universidad sa buong bansa.
30s - Q13
Dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo pumayag na ang LTFRB sa pakiusap ng mga operator at driver na itaas ang singil sa pamasahe. Ito ay halimbawa ng?
Social Production Pillar
Worker’s Pillar
Social Dialoque Pillar
Employment Pillar
30s - Q14
Ang kakulangan ng suplay ng bigas ay isa sa dahilan kung kaya’t mataas ang presyo nito. Ang kakulangan ay bunga ng mga sumusunod maliban sa isa.
Pagkokonbert ng mga lupang sakahan upang gawing subdibisyon.
Patuloy na pagliit ng lupang agricultural.
Pagdagsa ng mga imported na bigas mula sa mga kalapit na bansa.
Pagkawasak ng mga pananim dahil sa sunod-sunod na bagyo.
30s - Q15
Si Jemmie Anne ay nag-aalala dahil isang buwan na lang ay mag-eendo na siya sa pinapasukang Food Chain. Si Jemmie Anne ay isa lamang sa tinatawag na
Probationary Worker
Seasonal Worker
Apprentice
Contractual Worker
30s