Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
30 questions
Show answers
  • Q1

    Ano anong bansa sa Europa ang nakarating at nanakop sa India?

       England, France, Portugal

    Iran, Iraq, Turkey

      Germany, Italy, Japan

      China, Russia USA

    60s
  • Q2

    Bago pa man sumapit ang ika-16 siglo, ang Asya at Europa ay mayroon ng ugnayang pangkalakalan. Ilan ang pangunahing ruta na dinaanan sa pagitan ng dalawang kontinente na ito?

    isa

    tatlo

    dalawa

    apat

    60s
  • Q3

    Ang mga taga Europa ay naakit na maglakbay patungo sa silangan. Alin sa mga sumusunod ang nag udyok sa mga taga Kanluran upang maglakbay at tumuklas ng mga lupain saSilangang bahagi ng daigdig?

    Kagandahan ng mga tanawin sa Asya

    Pagkatuklas ng mapa,compass at barko

    Pagsara ng tatlong rutang pangkalakalan na nag uugnay sa Asya at Europa.

    Ang pag iral ng sistemang pang ekonomiya sa merkantilismo

    60s
  • Q4

    Sa pagsara ng mga rutang pangkalakan tanging mga taga Venice ng Italy ang nakadadaan sa Constantinople? Bakit sila lamang ang tanging pinadadaan dito?

    Dahil sa pagbabayad ng buwis

    Dahil magkaibigan ang mga taga Venice at turkong Muslim

    Dahil sila ay kababayan ni Marco Polo na unang nakadaan dito

    Dahil sila angmay kontrol ng mga daanan patungo sa silangan

    60s
  • Q5

    Ang krusada ay isa sa mga pangyayari na naging daan sa panahon ng paglalakbay at pagtuklas ng mga lupain sa Silangan. Ano ang sanhi ng paglulunsad ng krusada ng mga pari at hari ng Europa?

    Bawiin ang banal nalupain sa mga Turkong Ottoman

    Hanapin ang Israel

    Wala sa nabanggit

    Palaganapin ang Kristyanismo upang mabawi ang Jerusalem sa mga Muslim      

    60s
  • Q6

    Si Mahatma o Mohandas Gandhi ay kilalang pinuno sa anong bansa?

    Turkey

    Saudi Arabia

    Pakistan

    India

    60s
  • Q7

    Nang dahil sa nasyonalismo ay isa ang India na Asyanong bansa ang lumaya . Subalit nagkaroon naman ng sigalot sa pagitan ng Muslim at Hindu sa bansang ito. Ano ang sanhi  na alitan nila ?

    Gusto nilang masarili ang India

    Magkaiba sila ng paniniwala at pilosopiya

    Hindi sila magkasundo sa kung aling relihiyon  ang dapat na manaig

    Dahil magkaiba silang relihiyon, nais ng bawat isa na may kani kaniyang teritoryo

    60s
  • Q8

    Alin sa mgasumusunod ang magandang naidulot  ng nasyonalismo sa  Timog at kanlurang Asya?

    Pagtangkilik ng mga produktong gawa ng mananakop

    Paghahalo ng lahi sa mga naganap na pananakop

    Natutunan ng lahat ng mga Asyano na pamahalaan ang sarili

    Paglaya ng mga bansa mula sa pananakop ng mga Kanluranin

    60s
  • Q9

    Civil disobedience laban sa pamahalaang Ingles ay isa sa ginamit na paraan ng mga Indians sa pangunguna ni Gandhi para labanan ang kanilang mananakop. Paano mailalarawan ang manipestasyon ang nasyonalismo sa bansang ito?

    Paggamit ng mapayapang pamamaraan para sa kalayaan

    Pagtangkilik  sa mga produktong ibinebenta ng mga ta Europeo para hindi magalit sa kanila

    Idinaan sa diplomasya at tamang ugnayan sa mga Kanluraning bansa upang ibigay ang kanilang kalayaan

    Paggamit ng armas para makamit ang kalayaan  ng kanilang bansa

    60s
  • Q10

    Ipinatupad ni Gandhi ang ahimsa sa panahon ng imperyalismo. Isa sa paraang ito ay ang pagboykot sa mga produktong Ingles.Paano ipinakikita ng mga Hindu ang pagiging makabayan sa gawaing ito?

    Hindi  sila napasunod ng Ingles na bilhin ang banyagang produkto mula sa England

    Mas kumikita sila kapag sariling produkto ang tinatangkilik

    Sa pamamagitan ng pagtakwil sa dayuhang produkto

    Sa pagbili ng sariling produkto sa kabila ng naglipanang banyagang produkto na inuutos ng Ingles na kanilang bilhin

    60s
  • Q11

    Ang ideolohiyang ito ay malaya sa pamamahala at sa kabuhayan na sinusunod ng mga bansang tulad ng Pilipinas Hapon, Estados Unidos at Timog Korea.

     Sosyalismo

    Demokrasya

    Komunismo        

    Pasismo

    60s
  • Q12

    Ayon sa ideolohiyang sosyalismo malaki ang papel na ginagampanan ng ahensya o institusyong ito samga patakarang pangkabuhayan ng bansa tungo sa kaunlaran.

    pamahalaan

    mass media

    simbahan

    edukasyon

    60s
  • Q13

    Sa iyong palagay anong kaisipan ang hindi gaanong naapektuhan ng anumang ideolohiya?

    panlipunan

    pangkabuhayan

    paniniwala

    pampulitika

    60s
  • Q14

    Ang bawat bansa ay may sinusunod na ideolohiya, alin sa mga sumusunod na tambalan ng ideolohiya at bansa ang hindi magkatugma?

    Komunismo- China

    Demokrasya- Pilipinas

    Monarkiya- Italy

    Demokrasya- Timog asya

    60s
  • Q15

    Alin sa mga sumusunod na dahilan ang hindi kabilang sa pagsilang ng Pasismo sa Italya?

    Paghihirap ng kabuhayan tulad ng kakulangan ng pagkain at mga pangunahing pangangailangan

    Hindi nasiyahan ang mga Italyano sa resulta ng Unang Digmaang Pandaigdig

    Malawakang pagpapahirap at pagpatay sa mga Hudyo sa Europa

    Walang kakayahan ang mga pinuno na lutasin ang mga suliranin sa pamahalaan

    60s

Teachers give this quiz to your class