
Araling Panlipunan Q3 G6 1st Month Buwanang Pagsusulit
Quiz by CID Marikina
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Mahirap, salat, at walang kakayahang makapagtayo muli ng mga wasak na gusali, kalsada, tulay at iba pa pagkatapos ng digmaan. Papaano tinugunan ng pamahalaan ang mga suliraning pangkabuhayang ito ng bansa?
Ang mga nangyari sa Pilipinas noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay makapagpapatunay na walang mabuting dulot ang digmaan sa anumang bansa. Alin sa mga pangyayaring ito ang maituturing na suliraning pangkabuhayan?
I. Nawalan ng hanapbuhay ang marami
II. Maraming nangamatay sa panig ng mga Filipino at maging Amerikano
III. Bumaba ang halaga ng salapi at maging ang moralidad ng mga Filipino
IV. Ang mga basura sa lansangan ay naipon at pinamahayan ng daga, langaw at ipis at mga insekto na pinagmumulan ng sakit
Napakabigat na gawain ang napasakamay ni Pang. Manuel Roxas dahil sa mga dulot na suliranin ng digmaan. Gayunpaman ay matatag niyang tinanggap at hinarap ang mga suliranin at humanap ng solusyon para dito. Anong solusyon ang naging unang hakbang sa paglutas ng mga suliraning pangkabuhayan na kinaharap ng Pilipinas?
Alin sa pahayag sa ibaba ang makapagpapatunay na sakop pa rin tayong bansang Amerika sa kabila ng pagbibigay nila ng ating kalayaan noong Hulyo 4, 1946?
Hindi ganap na naging malaya ang Pilipinas mula sa Amerika. Nagpatuloy ang ugnayang Filipino-Amerikano lalo na sa larangan ng pambansang seguridad. Kasabay ng pagkatatag ng Ikatlong Republika ay ang paglagda ng mga opisyal ng Pilipinas at Amerika sa Treaty of General Relations. Ano ang nakapaloob dito?
Sa mga sumusunod na pahayag, alin ang nagpapakita ng dahilan ni Pang. Manuel Roxas na pumayag na maging legal ang pananatili ng base-militar ngAmerika sa Pilipinas?
Naging malapit ang Pilipinas sa Amerika sa paniniwala ni Pang. Manuel Roxas na ang katatagan ng bansa ay nakasalalay sa pakikipagkaibigan sa Amerika. Bunga nito, ipinagpatuloy ang kasunduan ng Pilipinas at Estados Unidos tungkol sa Base Militar sa pamamagitan ng Military Base Agreement. Ang mga pahayag sa ibaba ay mga nilalaman ng kasunduan_MALIBAN sa isa. Alin ito?
Nang masaksihan ni Senador M. Tydings ang pagkawasak ng Pilipinas na sanhi ng giyera, inimungkahi niya ang Batas Rehabilitasyon o Philippine Rehabilitation Act sa kongreso ng Amerika. Ano ang itinahana ng batas na ito?
Isa sa probisyon ng Bell Trade Act ay ang tinatawag na Parity Rights. Ano ang kahulugan nito?
Sa ngayon ay kilala bilang Development Bank of the Philippines. Ito ang nagpapautang ng puhunan sa maliliit na mangangalakal at sa mga taong nais magpagawa ng sariling bahay.