Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
15 questions
Show answers
  • Q1

    Anong bahagi ng ating buhay ang may kalakip na sensyas o simbolo upang ipahayag ang iniisip at pinahahalagahan? Kabilang dito ang wika, kilos, tono ng boses, katayuan, uri ng pamumuhay, at mga gawa.

    Lipunan

    Komunikasyon

    Edukasyon

    Pamilya

    120s
    EsP8PBIe-3.2
  • Q2

    Ano ang mabisang komunikasyon sa isang pamilya?

    Kung paano nagpapalitan ng regalong kaloob mula sa busilak na puso.

    Kung paano nagpapalitan ng pasalita o di-pasalitang impormasyon ang bawat kasapi nito.

    Kung paano nagpapalitan ng produkto upang mabuhay at maibsan ang kagutuman.

    Kung paano nagpapalitan ng mahahalagang karanasan sa buhay.

    120s
    EsP8PBIe-3.2
  • Q3

    Anong bahagi ng ating pagkatao na ang pagpapahalagang nagpapakita ng kakayahang kontrolin ang damdamin, hilig, at isipan upang magkaroon ng maayos na daloy ng komunikasyon?

    Paglago

    Disiplinang-pansarili

    Pagtataya sa kaalaman

    Mahusay na lider o pinuno

    120s
    EsP8PBIf-3.4
  • Q4

    Dumating ang maraming suliranin sa buhay ni Anna at dahil sa hindi na nito kayang solusyunan nang magkakasabay ang problema, humingi ito ng tulong at kinausap niya ang kaniyang matalik na kaibigan. Dito niya sinimulang ibahagi kung anu-ano ang kaniyang kinakaharap na suliranin. Kung ikaw ang kaibigan ni Anna, ano ang una mong gagawin upang maipakita at maiparamdam mo kay Anna ang iyong simpatya?

    Ibabahagi ang lahat ng karanasan kung paano harapin ang suliranin

    Makikinig at magiging maingat sa sasabihin

    Papayuhan sa lahat ng problema 

    Isasama sa isang eksperto tulad ng guidance counselor upang malaman ang gagawin sa problema

    120s
    EsP8PBIf-3.4
  • Q5

    Si Roberto ay estudyante ng isang Catholic School. Umpisa pa lamang ng taon para sa akademiko, nahirapan na siyang unawain ang mga aralin sa Mathematics, Science, at iba pang asignatura. Dahil dito, naisipan niyang ibahagi sa kaniyang fb timeline ang kaniyang karanasan at sinabi niya, "Ang saya mag-aral, wala akong natututuhan". Alin sa mga sumusunod ang posibleng epekto nito sa publiko?

    Maayos at masayang samahan

    Matibay na ugnayan

    Kahusayan sa pag-aaral

    Maling interpretasyon

    120s
    EsP8PBIf-3.4
  • Q6

    Ano ang pinakamabisang komunikasyon sa pagitan ng mga tao? Ito ay nag-uumpisa sa pakikinig na may bukas na puso at pag-iisip. Ito ay nararapat lamang na magsimula at matutuhan ng bawat kasapi ng pamilya.

    Diyalogo

    Pagpapaubaya

    Sariling kapakanan

    Pagkakani-kaniya

    120s
    EsP8PBIf-3.4
  • Q7

    "Marami sa atin ang ginagawang paligsahan ang pakikipag-usap. Lahat nasasabik magsalita, hindi pa tapos ang isa, may nagsasalita na." Ano ang nais ipahiwatig ng salaysay na ito patungkol sa komunikasyon?

    Maging mahusay na tagapakinig

    Kumilos ng naaayon sa pag-iisip

    Maging mahusay na tagapagsalita

    Kumilos ng naaayon sa tungkulin

    120s
    EsP8PBIe-3.1
  • Q8

    Bakit mahalagang may bukas na komunikasyon sa pamilya?

    Naipakikita ang tunay na kahulugan ng kalinisan ng kapaligiran

    Nakagagawa ng angkop na kilos batay sa nararamdaman

    Naipapahayag ng bawat kasapi ang kanilang nararamdaman, pangangailangan, at pagmamalasakit sa isa’t isa.

    Nakagagawa ng kilos na nakabatay sa kapaligiran maging sa sariling kagustuhan

    120s
    EsP8PBIe-3.1
  • Q9

    Anong uri ng komunikasyon ang gumagamit ng salita o wika upang ipahayag ang kaisipan at damdamin o saloobin sa paraang pasalita?

    Verbal

    Virtual

    Di-verbal

    Kilos-loob

    120s
    EsP8PBIe-3.2
  • Q10

    Sa pamamagitan ng awiting nilikha ni Arthur Nery, naipahahayag niya ang kaniyang totoong nararamdaman. At dahil dito ay nagustuhan siya ng maraming Pilipino. Anong uri ng komunikasyon ang ipinakikita sa situwasyon?

    Verbal na Komunikasyon

    Isip at Kilos-loob

    Di-Verbal na Komunikasyon

    Virtual na Komunikasyon

    120s
    EsP8PBIe-3.2
  • Q11

    Mahuhuli na sa klase ang magkaibigan at magkapit-bahay na sina Lester at John, kaya naisipan nila na magpadala ng mensahe sa kanilang guro sa pamamagitan ng text message. Anong uri ng komunikasyon ang umiral?

    Isip at Kilos-loob

    Verbal na Komunikasyon

    Di-Verbal na Kamunikasyon

    Virtual na Komunikasyon

    120s
    EsP8PBIe-3.2
  • Q12

    Anong pagpapahalaga ang nagpapakita ng pagtanggap ng mensahe ng may malawak na pang-unawa at handang pakinggan at suriin ang anumang dahilan nito?

    Pagmamalabis

    Kahinahunan

    Kaalaman

    Komunikasyon

    120s
    EsP8PIIe-7.1
  • Q13

    Madalas ay nagkakaroon din ng mabigat na suliranin ang pamilya nina Angel kung kaya sa tuwing sabay-sabay silang kumakain ng hapunan, dito nila pinag-uusapan at binibigyang solusyon. Bandang huli ay nagiging maayos ang kanilang relasyon bilang isang pamilya. Anong pagpapahalaga ang makikita sa kanilang pamilya bilang pagharap sa suliranin?

    Kasanayan

    Interpretasyon

    Bukas na Komunikasyon

    Integrasyong pansarili

    120s
    EsP8PIIe-7.1
  • Q14

    Ano ang maaaring epekto ng hindi malinaw na paghahatid ng impormasyon sa text message o kahit sa fb timeline post?

    Matatag na samahan

    Pagkakaibigan

    Masayang relasyon

    Hindi pagkakaunawaan

    120s
    EsP8PIIe-7.1
  • Q15

    Upang mapaunlad ang komunikasyon sa pamilya, kinakailangan iparamdam mo sa kausap mo na nagtitiwala ka sa kaniya at mapagkakatiwalaan ka din. Ano ang pagpapahalaga ang maaaring implikasyon ng ipinakitang payo o paalala?

    Magbigay papuri

    Sikaping maging madalas at masaya ang pag-uusap

    Maging maayos at maliwanag sa pakikipag-usap

    Maging bukas at tapat sa pagsasalita

    120s
    EsP8PIIe-7.1

Teachers give this quiz to your class