
CLVE 8 - REMEDIAL EXAMINATION: IKA-APAT NA MARKAHAN
Quiz by Francis Gonzaga
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
TAMA o MALI: Nagdudulot ng biyaya mula sa Diyos ang tinatanggap na mga sakramento.
TAMA o MALI: Sa sakramento ng kumpil tinatanggap ang pagpapatawad ng Diyos sa ating mga kasalanan.
TAMA o MALI: Hindi maaaring maulit ang pagtanggap sa sakramento ng binyag, kumpil, kasal, at pagpa-pari.
TAMA o MALI: Ang sakramento ng kasal at pagpa-pari ay mga sakramentong nakapaloob sa sakramento ng bokasyon.
TAMA o MALI: Ang sekswalidad ay tumutukoy lamang sa kasarian ng tao kung siya ay lalaki o babae.
TAMA o MALI: Ang dignidad ang siyang nagbibigay sa tao ng kasiguraduhang kinakailangang igalang ang buhay ng bawat isa.
TAMA o MALI: Ang pahayag na "ikaw ay mahalaga, tayo ay magkaisa" ay nangangahulugang ang buhay ang sagrado na kailangang pahalagahan at igalang.
TAMA o MALI: Ang "migrasyon" ay nangangahulugang ang indibidual o ang isang pamilya ay lumipat ng tirahan sa katabing baryo o baranggay.
TAMA o MALI: Ang buhay na ating taglay ay may pinagmulan, ito ay mula sa Diyos na lumikha sa sanlibutan.
TAMA o MALI: Ang dignidad ng tao ay nakaugat sa isang katotohanan kung bakit mahalaga ang buhay ng tao at kung bakit ito kinakailangang igalang, ito ay dahil sa tayo ay nilikhang kawangis ng Diyos.