
esp
Quiz by arishjoyce Elase23
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Siya ang bumuo ng teorya ng iba’t ibang Talino o Talento
Sumulat ng “Seven Habits for Highly Effective People” at nagsabi na “begin with the end in mind”
Nagsabi na “Ang pangunahing sangkap para sa tunay na kaligayahan ng tao ay magkaroon ng misyon”.
4. Ito ay maituturing rin na mahalagang salik sa paghahanda sa iyong pipiliing track o kurso dahil ito ay tumutukoy sa mga bagay na tayo ay magaling.
6. Ito ay tulad ng propesyon ngunit nagiging kawili-wili ang paggawa para sa tao.
. Ito ay tumutukoy sa mga pagsasanay, pag-aaral, posisyon o iba’t ibang trabaho, at mga paghahanda na ating pinagdaraanan upang matamo ang ating nais na uri ng pamumuhay o career goal.
Isang mabuting giya o gabay sa ating mga pagpapasya ang pagkakaroon nito at ito rin ay nagsisilbing GPS global positioning system upang huwag maligaw ng landas.
Sa pinaunlad na Kurikulum ng Batayang Edukasyon ng K to 12, may pitong disiplina na may tatlong track. Anu-ano ang tatlong track na ito?
Sa paggawa ng Personal na Misyon sa Buhay, kinakailangan na gamitan ng SMART na ang kahulugan ay
10. Nasasaad dito, sa pamamagitan ng paggawa ipinapakita ng tao ang kanyang dignidad at sa pamamagitan nito nagkakaroon siya ng malaking kontribusyon sa ibang tao at sa lipunan tungo sa kabutihang panlahat.
. Ito ay katulad ng personal na kredo o isang motto na nagsasalaysay kung paano mo ninanais na dumaloy ang iyong buhay.
12. Ito ay ang hangarin ng isang tao sa buhay na magdadala sa kaniya tungo sa kaganapan niya.
Ayon kay Fr. Jerry Orbos, ang tunay na misyon ng tao ay ____________.
14. Kailangan ito upang malaman kung may pangangailangan sa kursong napili
Ang Cyberservices, Agribusiness, Mining, Manufacturing at Construction ay ilan sa mga nakatala dito.
16. Ito ay katulad ng personal na kredo o isang motto na nagsasalaysay kung paano mo ninanais na dumaloy ang iyong buhay.
. Ito ay ang trabaho na ginagawa ng tao upang siya ay mabuhay. Hindi siya nagkakaroon ng ganap na kasiyahan dahil nakatuon lamang ang kanyang paggawa upang mabuhay.
Pinahayag ni ____________ na “Ang pangunahing sangkap para sa tunay na kaligayahan ng tao ay magkaroon ng misyon”.
Ito ay ang Curriculum Exit na tumutukoy sa pagkuha ng teknikal-bokasyunal na kurso o sertipiko
Ang mga taong nasa ganitong interes ay mas nasisiyahan sa pagbuo ng mga bagay gamit ang kanilang malikhaing kamay o gamit ang mga kasangkapan kaysa makihalubilo sa mga tao at makipagpalitan ng opinyon.
 Ang mga trabahong may mataas na impluwensiya rito ay nakatuon sa mga gawaing pang-agham.
Ang mga nasa ganitong grupo ay nakikitaan ng pagiging palakaibigan, popular at responsable.
Ang mga grupo o pangkat ng mga taong may mataas na interes dito ay naghahanap ng mga panuntunan at direksyon; kumikilos ng ayon sa tiyak na inaasahan sa kanila.
. Likas sa mga taong nasa ganitong grupo ang pagiging mapanghikayat, mahusay mangumbinsi ng iba para sa pagkamit ng inaasahan o target goals.
. Ang mga taong may mataas na interes dito ay mailalarawan bilang malaya at malikhain, mataas ang imahinasyon at may malawak na isipan.
Si Kookie ay nagnanais na kumuha ng kursong medisina ngunit alam niya na hindi niya kakayanin ang kursong ito at hindi rin kakayanin ng kanyang mga magulang na suportahan siya. Kaya siya ay naghanap ng scholarship sa kanilang munisipyo at iba’t ibang institusyon. Unti-unti ay nagsulat siya ng mga tiyak na plano at mga paalaala upang maging gabay niya.
Ang pangarap ni Taehyung ay maging isang artista. Bata pa lang siya ay isinaalang-alang na niya ang mga bagay na kailangan niyang gawin upang maabot ang kanyang pangarap. Noong siya ay nasa ikapitong baiting, gumawa siya ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay ayon sa pinagagawa ng guro at ito ay nakatulong sa pagtupad ng kanyang pangarap.
 Bata pa lang si Kris ay may interes na siya sa pagbabasa, pagguhit at pagsusulat. Lalo niya napaunlad ito ng siya ay sumali sa mga paligsahan at mga samahan sa loob at labas ng paaralan. Pagdating niya ng kolehiyo, Arts and Letters ang kanyang kinuhang kurso.
Paboritong gawin ni Jinnie ay magluto. Masaya siya kapag siya ay gumagawa sa kusina at pinaghahanda ng masarap na pagkain ang kanyang pamilya. Ginagawa niya ito ng buong husay at sigla kumpara sa paglalaba paglilinis ng bahay.
. Ang mga sumusunod ay ang mga dapat isaalang-alang sa pansariling pagtataya MALIBAN sa
Ang Personal na Misyon sa Buhay ay maaaring magbago o palitan.
Kung isasabuhay mo ang iyong mga pangarap, alin sa mga sumusunod ang maaaring makatulong sa iyo?Â
 Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng mga kabataang may hilig at talento. Sino sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagkilala at pagpapaunlad ng kanyang talento at hilig?
 Ikaw ay nalalapit ng pumasok bilang isang Senior High School, ngunit naguguluhan ka pa sa mga pagpipiliang track o kurso na gusto mong kunin. Ano ang dapat maging aksyon mo tungo sa problemang ito
Bawat tao ay dapat na gumawa ng personal na misyon sa buhay, kung ikaw ang tatanungin, ano sa tingin mo ang maaaring katumbas nito.
Bilang isang mag-aaral, may mga dapat kang ibasta kaugnay sa pagpili mo ng kurso na iyong kukunin sa Senior High School at sa pagpasok mo sa kolehiyo. Sino sa mga sumusunod ang nagpakita ng naayon na mga pagbabasta para sa pagpili ng kurso?
 Si Dae ay magaling sa pagkanta, mahilig din siyang mag-aral ng mga salita ng ibang bansa at pangarap niya maging isang idolo sa South Korea. Ang hilig niyang ito ay madali niyang matutuhan kaya ginamit niya ito sa pagtuturo online ng salitang Ingles sa mga Koreano. Ang kursong namang gusto ng mga magulang niya para sa kanya ay Engineering o kaya ay Architecture kaya pinatitigil siya sa kanyang pagsali sa mga kompetisyon sa pag-awit at sa pagtuturo online para matutukan niya ang kanyang pag-aaral. Kung ikaw si Dae, ano gagawin mo?
Bata pa lamang si Leny ay gusto na niyang maging businesswoman kaya elementarya pa lamang ay tumulong na siya sa pagtitinda sa kanilang mini grocery. Pagdating ng sekondarya ay pinag-aaralan na niya paano gumawa ng listahan ng mga paninda at mga nabenta. Sumasama din siya sa pamimili at nag-oobserba sa pakikipag-usap ng kaniyang nanay sa mga tinder at tindahan. Nang siya ay pumasok sa kolehiyo, kumuha siya ng kursong Business Accounting para alam niya ang kalakaran sa industriya. Nang makapagtapos at nakaipon, si Leny ay nagtayo ng extension store ng kanilang tindahan sa tulong ng mga kaibigan na naging kasosyo niya kalaunan. Ano ang pinakikita sa istorya ni Leny?
Ang mga sumusunod ay mga bagay na dapat isaalang-alang upang maging matagumpay ang isang tao bilang kabahagi sa mundo ng paggawa MALIBAN sa:
Ayon kay Stephen Covey, nagkakaroon ng kapangyarihan ang misyon natin sa buhay kung ito ay ang mga sumusunod MALIBANÂ
Sa pagpapasya, nararapat na gamitin ang natutunan tungkol sa paggawa ng mabuting pasiya. May hakbang na dapat sundin sa paggawa nito MALIBAN sa:
Ang career goal ay tumutukoy sa mga pagsasanay, pag-aaral, posisyon o iba’t ibang trabaho, at mga paghahanda na ating pinagdaraanan.
Ang kakayahang pinansiyal at gabay ng guro o Guidance Advocate ay ilan sa mga panlabas na salik na makakaimpluwensya sa desisyon na iyong gagawin.
Sa Kurikulum ng K to 12, ang Languages, Literature at Communication ay tatlo sa pitong disiplina.
Ang Akademiko na track ay nahahati sa tatlong stream at ito ay ang STEM, ABM at HUMSS.
Si Minnie ay anak ni Mama Meonnie na nakilala sa ipinagmamalaking siopao ng kanilang lugar. Ang ideyang ito ay nanggaling mismo kay Minnie mula sa kanyang pagsasaliksik kung saan naisip niya na bigyan ng iba’t ibang palaman, hugis, laki at kulay ang siopao.
Nagtratrabaho bilang kahera at stockman si Chennie sa negosyo ng kanyang tiyuhing si Ka Jiyong. Ang kaalamang mayroon siya ay namana niya sa kanilang Lola Dara na may angking galing at talino sa negosyo.
Madalas mapagalitan si Joonie ng kaniyang tatay dahil sa pagbubutingting ng mga samu’t saring gamit sa kanilang bahay. Ang hilig na ito ni Joonie ay hindi nawala hanggang sa siya’y magbinata at kasabay nito ay nahilig siya sa pagbuo ng bagong gamit.
Bata pa lang si Amber ay hilig na niya gumupit ng buhok at ilang gawain na may kaugnayan sa pagpapaganda. Pangarap niyang magtayo ng isang Beauty Parlor.
Ang nais ng tatay ni Jimin para sa kaniya ay maging isang abogado at mamamahayag Si Jimin ay mahiyain at ang hillig niya ay gumuhit at magpinta na taliwas sa mga kakayahan na dapat mayroon ang isang abogado at mamamahayag.