
ESP 2ND QUARTER SUMMATIVE TEST
Quiz by Juliet Aclan
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
May sakit ang nakababata mong kapatid. Oras na ng pag-inom niya ng gamot ngunit may niluluto pa ang nanay mo at hindi niya puwede maiwan ito dahil baka ito masunog. Ano ang iyong gagawin?
Tinawag ka ng iyong lola upang pahiran ang kanyang likod ng gamot sa balat. Ano ang iyong maaaring gawin?
Ang tatay mo ay may lagnat. Ano ang puwede mong gawin para maalagaan mo siya?
Nagwawalis ang iyong nanay sa bakuran nang bigla na lamang itong natumba. Ano ang iyong unang gagawin?
Nauuhaw na ang iyong ate. Hindi siya makakuha ng tubig dahil may pilay ang kanyang kaliwang paa. Ano ang maaari mong gawin?
Bibili ng gamot ang tatay mo sa botika. Sinabihan ka niya na bantayan ang umiiyak mong kapatid na may sakit habang wala siya. Paano mo aaliwin ang iyong kapatid upang tumigil sa pag-iyak?Â
Habang binabasahan mo ng kuwento ang iyong kapatid, bigla mong nasagi ang kamay niyang may pilay kaya umiyak ito nang malakas. Ano ang gagawin mo?
Pinapagawa kayo inyong guro ng isang card para ibigay sa mga batang may sakit na nasa mga ospital upang maaliw sila. Gagawa ka ba ng card?
Nakita mong lumabas ng bahay na walang suot na facemask ang kapitbahay mo. Ano ang iyong gagawin?
Habang papasakay kayo ng iyong nanay may isang pilay na hindi agad makaakyat sa dyip. Ano ang iyong gagawin?
Nabasa mo sa balita ng inyong barangay na may contest sa pag -awit. Alam mong magaling kumanta ang pinsan mong pilay. Ano ang nararapat mong gawin?
Naglalaro kayo ng iyong mga kapitbahay nang biglang lumabas ang isang kapitbahay mong bingi at nais din niyang sumali sa inyong paglalaro. Ano ang iyong gagawin?
Mayroong Pangkatang Gawain kayo sa inyong klase. Naging kagrupo mo ang iyong kaklase na may kapansanan. Ano ang iyong gagawin?
Tumataas na ang tubig baha sa inyong lungsod. May pangalawang palapag ang inyong bahay. Ano ang iyong gagawin para sa mga kapitbahay mong walang mapupuntahan kapag tumaas na ang lebel ng tubig baha?
Oras ng recess walang baon ang iyong kaklase. Ano ang iyong nararapat gawin?
Nakita mong nakikinood sa inyong bintana ang kapitbahay mong walang telebisyon. Ano ang iyong gagawin?
Buwan ng Wika, lahat kayo ay inanyayahan ng inyong guro na lumahok at mag send ng video na ikaw ay tumutula. Mag se-send ka ba?
Hinihikayat mong makilahok ang iyong mga kaklase sa Pangkatang Gawain. Tama ba ito?
May Clean Up Drive sa inyong paaralan. Hinihikayat ng iyong guro na makiisa ang lahat. Ano ang iyong gagawin?
Magkakaroon ng Tree Planting sa inyong paaralan. Pinagdadala kayo ng inyong guro ng isang halaman na maaaring itanim. Ano ang iyong gagawin?