
ESP 5- Q2-MODULE 5-SUBUKIN
Quiz by Analyn C. Clarianes
Track each student's skills and progress in your Mastery dashboards
Maraming pinagliitang sapatos si Sandy. Nagpasya siyang ibigay ang mga ito sa mga biktima ng sunog na malapit sa kanilang lugar
Inangking lahat ni George ang mga biskwit na pasalubong ng kanyang tiya mula sa ibang bansa. Hindi niya binigyan ang kanyang nakababatang kapatid.
Niyaya si Jim ng kaibigang si Biboy na maglaro ng basketball ngunit mas pinili niyang sumama sa kanyang ina sa pagre-repack ng relief goods na ipamamahagi sa kanilang barangay.
Ipinagdamot ni Linda na ipamigay ang mga luma niyang damit na hindi na niya ginagamit. Mas nais niyang makita ang mga ito sa kanyang damitan kaysa i-donate sa mga batang lansangan.
Sapat lamang ang pagkaing ipinababaon ng ina ni Zoila sa kanya. Ganoon pa man ay ibinabahagi niya ito sa kanyang katabing si Norma dahil madalas ay wala siyang baon dahil sa kakapusang pinansiyal ng kanilang pamilya.