Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
20 questions
Show answers
  • Q1
    Alin sa mga sumusunod ang tanda ng isang taong may pasasalamat?
    Si Maria ay kuntento sa kanyang buhay kahit simple lamang dahil alam niyang pahalagahan ang mga mabubuting natatanggap niya mula sa iba at sa Diyos.
    Sa kabila ng mga pagpapalang natatanggap ni Rey, marunong pa rin siyang tumingin sa kanyang pinanggalingan.
    Laging nagpapasalamat si Janeth sa mga taong tumutulong sa kanya kahit hindi bukal sa kanyang kalooban
    Nag-aaral ng mabuti si Jojo upang marating niya ang kanyang mga pangarap
    30s
  • Q2
    Ano ang tamang pagpapakita ng pasasalamat?
    paggawa ng kabutihang-loob sa kapwa ngunit naghihintay ng kapalit.
    pagsasabi ng pasasalamat ngunit salat sa gawa.
    pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa at pagsasabi ng pasasalamat.
    pagpapahalaga sa kabutihan ng kapwa kahit alam mong ginagawa lang niya ang trabaho nito.
    30s
  • Q3
    Alin sa mga sumusunod ang hindi magandang dulot ng pasasalamat sa kalusugan?
    Naghihikayat upang maging maayos ang systema ng katawan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mas malusog na presyun ng dugo at pulse rate.
    Nakapagdadagdag ng likas na antibodies na responsible sa pagsugpo sa mga bacteria sa katawan.
    Nagiging mas pokus ang kaisipan at may mababang pagkakataon na magkaroon ng depresyon
    Nakapanghihina ng katawan dahil laging nag-iisip kung paano magpapasalamat.
    30s
  • Q4
    Ano ang entitlement mentality?
    Ito ay ang pagbibigay serbisyo sa mga pangunahing pangangailangan ng mga tao.
    Ito ay isang paniniwala o pag-iisip na anumang inaasam mo ay karapatan mo na dapat bigyan ng dagliang pansin.
    Ito ay ang pag-aabuso ng mga mamamayan sa kakayahan ng pamahalaan na tustusan ang kanilang pangangailangan
    Ito ay ang paggawad ng titulo o parangal sa isang tao.
    30s
  • Q5
    Ang mga sumusunod ay mga pakinabang dulot ng pasasalamat, maliban sa:
    gumagaan ang pakiramdam sa kabila ng pagsubok dahil nagiging positibo ka sa pananaw sa buhay.
    pagkakaroon ng maraming kaibigan dahil ipinapakita mo ang pasasalamat sa kanila.
    pagiging maiingat sa mga materyal na pagpapala buhat sa ibang tao.
    pagkakaroon ng kagalakan dahil sa kinikilala mo ang mga kabutihang kaloob ng kapwa.
    30s
  • Q6
    Ang birtud na pasasalamat ay gawain ng
    konsensya
    kaisipan
    kalooban
    damdamin
    30s
  • Q7
    Ayon kay Sto.Tomas de Aquino, may tatlong antas ang pasasalamat, alin sa pagpipilian ang hindi kasama?
    Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa.
    Pagpapakita ng pagpapahalaga sa kapwa sa abot nang makakaya.
    Patuloy na paghingi ng tulong sa iba.
    Pagpapasalamat
    30s
  • Q8
    Ang mga sumusunod ay mga gawain ng pasasalamat sa loob ng tahanan, maliban sa:
    pag-alala sa kaarawan ng taong tumulong sa iyo upang maipakita ang pagpapahalaga at pagmamahal sa kanya.
    paghinto sa pag-aaral upang magtrabaho at makatulong sa pamilya sa kabila nang may pantustos ang mga magulang.
    pagsasabi ng salamat sa pagkaing inihanda ng magulang.
    pagtulong sa mga simpleng gawain sa buhay.
    30s
  • Q9
    Naipakikita ang paggalang sa pamamagitan ng ___________.
    pakikipag-ugnayan sa mga taong nakakahalubilo
    pakikibahagi sa mga gawaing nakasanayan
    pagkilala sa mga taong naging bahagi ng buhay.
    pagbibigay ng halaga sa isang tao.
    30s
  • Q10
    Paano mo mas higit na maipakikita ang paggalang sa mga taong may awtoridad?
    Unawain na hindi lahat ng pagpapasya at mga bagay na dapat sundin ay magiging kaaya-aya para sa iyo.
    Suportahan ang kanilang mga proyekto at programa.
    Ipahayag ang iyong pananaw upang maiwasto ang kanilang mga pagkakamali.
    Ipaglaban ang iyong karapatan lalo na kapag ikaw ay nasa katwiran.
    30s
  • Q11
    Maraming balita tungkol sa mga taong may awtoridad ang kinakitaan mo ng mga gawaing taliwas sa dapat nilang gampanan. Maraming kabataang tulad mo ang nagkaroon ng pag-aalinlangan kung sila ay magpapakita pa ng paggalang at pagsunod. Ano ang pinakamabuting maipapayo mo sa kanila?
    Unawain at patawarin ang mga taong may awtoridad na nakagawa ng pagkakamali, lalo na kung hindi naman ikaw ang naapektuhan
    Mahirap kumilos nang may pag-aalinlangan. Sumangguni sa ibang may awtoridad at kumilos ayon sa iyong kilos-loob.
    Ipagbigay-alam agad sa kinauukulan ang nasasaksihang paglabag sa batas. Hindi makatarungan na ang nagpapatupad sa batas ay siyang lumalabag dito.
    Alamin ang mga batas na nararapat sundin at mga karapatang dapat ipaglaban. Gawin kung ano ang inaasahan sa iyo ng iyong kapwa.
    30s
  • Q12
    Sino ang nagsabi na nararapat na igalang at sundin ang mga magulang, nakakatanda at may awtoridad?
    Ang Santong Espiritu ng Diyos na nasa Langit
    Ang Koran na manwal ng buhay ng muslim
    Ang mga tinipong wikain ni K’ung Fu Tze
    Ang Biblia na manwal ng buhay kristiyano
    30s
  • Q13
    Ano ang katagang sinasabi sa mga taong nagbibigay o tumutulong, at nagbibigay lugod sa mga taong tumutulong?
    Pahingi pa po
    Salamat po
    Wala na po ba?
    Sa uulitin po
    30s
  • Q14
    Nag-iisang itinataguyod ni Aling Fely ang kaniyang tatlong anak. Maliliit pa lamang ang kanilang mga anak nang siya ay naging biyuda. Panatag naman si Aling Fely dahil alam niyang napalaki niya sila nang maayos. Subalit may pagkakataon na nangangamba siya dahil sa mga teenager na sila. Mas mapatatatag nila ang kanilang samahan sa pamamagitan ng ________:
    pagkakaroon ng bukas na komunikasyon at malalim na pag-unawa sa kalagayan ng bawat isa.
    pagkakaroon ng mga alituntuning dapat sundin sa tahanan, tulad ng pag-uwi ng maaga.
    sama-samang pagkain tuwing hapunan at pamamasyal isang beses isang linggo.
    pagkukumustahan kapag nagkakasama-sama o gamit ang cellphone / email kung nasa malayong lugar.
    30s
  • Q15
    Kilala ang pamilya nina Vangie sa pagbibigay ng halaga sa edukasyon. Kahit na ang kanilang mga magulang ay hindi nakatapos sa pag-aaral, sinisikap nila na maitaguyod silang apat na magkakapatid. Ngunit siya ay kinakikitaan ng ibang mga kasapi ng pamilya nang kawalan ng pagpapahalaga sa pag-aaral ayon sa isinasaad ng mga marka nito sa iba’t ibang asignatura. At kapag pinapaalalahanan siya ng kaniyang magulang, hindi nagiging maganda ang reaksyon ni Vangie. Ano ang nararapat na gawin ng mga kasapi ng pamilya sa ganitong sitwasyon?
    Siyasatin ang mga dahilan kung bakit mababa ang mga marka ni Vangie. Kumilos nang ayon sa mga natuklasang dahilan.
    Kausapin si Vangie at bigyan ng inspirasyon upang mapataas ang kaniyang marka. Nasa lahi nila ang pagiging magaling, kailangan lang ng pagpapaalala.
    Ipaunawa kay Vangie ang kahalagahan ng edukasyon sa bawat pagkakataon. Huwag magsawa.
    Isaalang-alang ang kakanyahan at pagiging bukod-tangi ni Vangie. Tanggapin siya kung ano siya nang walang pagtatangi.
    30s

Teachers give this quiz to your class