
ESP GR 5 Q3 BUWANANG PAGSUSUSLIT (ABRIL)
Quiz by Mark Joseph Marantal 2
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Si Mang Edgar ay isang magsasaka at ito ang ikinabubuhay ng kanyang pamilya. Paano niya maipakikita ang pagpapahalaga sa paggawa?
Ihing-ihi na si Carla at mahuhuli na rin siya sa klase. Dali-dali siyang pumunta sa palikuran at umihi. Ano ang dapat gawin ni Carla?
Maraming kustomer sa karinderya ni Aling Diana sapagkat masarap ang luto nilang pagkain. Paano maipakikita ang pagpapahalaga sa paggawa?
Alin sa mga gawain sa ibaba ang HINDI nagpapakita ng pakikiisa sa programa ng pamahalaan, paggalang sa karapatang pantao, at paggalang sa ideya o opinyon ng iba?
Isang waiter sa restaurant ang tatay ni Karl. Malimit itong mag-overtime. Malimit din na hindi siya binabayaran sa kanyang pag-oovertime. Kung ikaw si Karl, ano ang sasabihin mo sa tatay mo?
May pagsusulit kayo sa Filipino. Iisa ang dalang bolpen ng iyong katabi. Nawalan ito ng tinta. May sobra ka pang bolpen dahil dalawa ang iyong dala. Ano ang gagawin mo?
Si Jenna ay sumama sa pamamahagi ng mga pagkain at inumin sa mga taong naapektuhan sa pagsabog ng Bulkang Taal. Anong katangian ang ipinakita niya?
Ang ama ni Andrei ay may-ari ng isang tindahan ng mga furnitures sa bahay na yari sa kahoy. Narinig ni Andrei ang balak ng ama na pumunta sa isang lugar upang doon manguha ng kahoy kahit walang pahintulot ng ahensiya ng gobyerno. Ano ang dapat niyang gawin?
Nakita mong nakabukas ang telebisyon ngunit wala namang taong nanonood. Ano ang dapat mong gawin?
Si Aling Laura ay tindera sa palengke ng mga isda at karne. Paano niya maipapakita ang pagiging matapat sa paggawa?