
EsP - WW#2 - Q2
Quiz by BENGEN RAMIREZ
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
1. May nagsasayaw na mga katutubo sa parke. Uuwi na dapat ang ate mo pero tumigil muna siya at masayang nanood sa ginagawa ng mga katutubo.
2. Lagi na lang tinutukso ng mga kaklase ninyo ang hitsura ni Glenda na isang batang banyaga.
3. Pinagsabihan ng nanay mo ang mga batang nanunukso sa mga batang Mangyan na nakaupo sa parke.
4. May mga Hapon na pumunta sa inyong paaralan upang magbigay ng tulong. Laking pasasalamat ng inyong paaralan kaya naatasan ang inyong klase na magpakita ng sayaw at awit para sa mga bisita.
5. May dayuhang nagtatanong ng direksyon sa mga kabataang nakatambay sa harapan ng tindahan ni Aling Mameng. Pinagtawanan lamang nila ito at hindi sinabi ang tamang direksyon.
6. Iniiwasan na maging kaibigan ang isang bagong kakilala na may kakaibang kulay ang balat at ibang gamit na wika sa pakikipag-usap.
7. Pinagtatawanan ang mga katutubo na nakikitang nagpapalaboy-laboy sa lansangan.
8. Ipinaghahanda ng miryenda ang sinomang bisita o nakikituloy sa inyong tahanan.
9. Hindi kailangang igalang ni Lina at bigyang respeto ang kaniyang mga kamag-aral na Koreano at Muslim dahil magkaiba naman sila ng batas na sinusunod at kinikilang Diyos.
10. Iginagalang ang opinyon ng kaibigan ukol sa mga paraan kung paano susundin ang batas sa paglalaro ng kahit anong isport.
11. Huwag makinig sa opinyon ng iba at tanging iyo lamang ang iyong pairalin.
12. Makinig na mabuti sa opinyon ng iba.
13. Igalang ang pasya ng nakararami.
14. Igalang ang desisyon ng nakararami.
15. Ipagdiinan ang iyong desisyon sa iba.
16. Makipagtalo sa abot ng makakaya.
17. Respetuhin ang ideya ng iyong kausap kapag nasa isang pagtitipon.
18. Maging mahinahon sa pakikipagdebate.
19. Manahimik na lamang kung nasa gitna ng pagtatalo.
20. Makinig sa opinyon o ideya ng iba.
21. Ang magkapatid na Jane at Bea ay nanood ng patimpalak sa plaza. Sa kanilang pagsusuri, sinabi ni Jane na mas magaling ang unang kalahok. Ngunit hindi sang-ayon si Bea dahil ayon sa kaniya ay mas magaling ang ikalawang kalahok. Dahil dito ay nagtalo ang magkapatid.
22. Ang magkaibigang Lita at Lito ay namimili ng mga kandidato na nais nilang iboto sa darating na halalan at dito napagtanto nila na magkaiba pala sila ng mga napipisil na kandidato. Malugod na tinanggap ng magkaibigan ang kanilang mga napagdesisyunan.
23. Sinabi ni Jose na sila lamang ang mapupunta sa langit. Hindi sang-ayon si Pedro sa sinabi niyang ito at tinawag siyang sinungaling.
24. Nakakita ang magkaibigang Grace at Marian ng pitaka sa may kantina. Binalak ni Grace na itago na lamang ang pitaka ngunit hindi pumayag si Marian. Napagkasunduan ng dalawa na ipagbigay alam sa opisina ng Lost and Found ang napulot na pitaka.
25. Si Lino at Marlon ay magkapatid ngunit lagi silang nag-aaway kahit na sa maliliit na bagay.