Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
10 questions
Show answers
  • Q1

    Nais mong makatulong sa mga labis na naapektuhan ng pandemya ngayon. Subalit, ikaw ay nasa ikalimang baitang pa lamang at wala pang sapat na kaalaman tungkol dito. Bilang mag-aaral, ano ang maaari mong gawin? 

    multiplem://Sundin ang mga ipinapatupad na alituntunin ng pamahalaan para sa kaligtasan ng lahat:Mag-aral ng mabuti sa kahit na anong paraan ng pagkatuto ngayong may kinakaharap na pandemic upang higit na magkaroon ng sapat na kaalaman tungkol dito.

    Manood na lamang ng balita upang magkaroon ng kaalaman tungkol dito

    Magbigay ng tulong sa mga kababayan natin na nangangailangan.

    20s
  • Q2

    Napapanood mo sa balita ngayon ang tungkol sa paghahanap ng gamot sa COVID-19. Patuloy itong pinag-aaralan ngunit wala pang nakatutuklas ng lunas sa sakit na ito. Pangarap mo ang maging isa sa makatuklas ng anumang uri ng sakit na katulad nito. Bilang isang mag-aaral, ano ang gagawin mo? 

    Magbigay ng donasyon sa mga labis na naapektuhan ng pandemic.

    Susundin ang utos ng pamahalaan para makaiwas sa sakit

    Mag-aaral nang mabuti upang makamit ang pinapangarap.

    Igalang at magbigay-pugay sa mga eksperto na patuloy na naghahahanap ng lunas sa sakit.

    20s
    EsP5PKP – Ic-d - 29
  • Q3

    Ang mga sumusunod na pangungusap ay nagpapakita ng iyong kawilihan sa pag- aaral MALIBAN SA ISA. Alin ito? 

    Gumagawa ng takdang-aralin sa bahay.

    Sumasama sa mga lakad ng kaklase kahit may mga takdang-araling dapat gawin.

    Pumapasok araw-araw sa klase.

    Nakikilahok sa gawaing pampaaralan.

    20s
    EsP5PKP – Ic-d - 29
  • Q4

    Oras na ng klase ninyo sa Edukasyon sa Pagpapakatao. Pumasok na ang inyong guro. Bawat grupo ay inatasang gumawa ng isang awitin na may makabuluhang mensahe para sa mga frontliners ngayong may COVID-19. Paano ninyo ito isasagawa? 

    Pakinggan ang sasabihin ng ibang mga ka-grupo

    Lahat ay makilahok sa pangkatang gawain at magbigay ng sariling ideya o opinyon tungkol dito.

    Tingnan ang ginagawa ng ibang grupo para makakuha ng ideya

    Hayaang ang lider ang magpasiya para sa inyong grupo

    20s
  • Q5

    Sino sa mga ito ang nagpakita ng kawilihan sa pag-aaral? 

    Nag-aaral nang mabuti si Eloisa bago ang panahunang pagsusulit. 

    Gumagamit ng kodigo si Susan tuwing may pagsusulit sila sa Matematika.

    Kinukumpara lagi ni Aldrin ang kanyang marka kay Alvin kung sino ang mas mataas.

    Naglalaro muna ng Mobile Legends si Ben bago gawin ang takdang-aralin.

    20s
    EsP5PKP – Ic-d - 29
  • Q6

    Sinabihan ka ng iyong kamag-aral na palitan ang mababa niyang iskor dahil pagagalitan siya ng kanyang nanay. Ano ang dapat mong gawin? 

    Hindi ko ito gagawin dahil masama ang pandaraya. 

    Hindi ko ito gagawin dahil tataas ang marka niya kaysa sa akin.

    Gagawin ang pinagagawa niya para hindi siya mapagalitan ng kanyang nanay.

    Susundin ko ang hiling niya para ako naman ang hihingi ng pabor sa susunod.

    20s
    EsP5PKP – Ic-d - 29
  • Q7

    Umamin sa iyo ang kaibigan mo na hindi siya nakapagbayad ng binili niya sa kantina. 

    Gagayahin ang ginawa ng kaibigan dahil hindi naman pala ito napapansin.

    Sasamahan ko siya para magbayad at humingi ng paumanhin.  

    Sasamahan ko siya para bumili ng panibagong pagkain.

    Sasabihan ang kaibigan na ilihim na lamang dahil wala namang ibang nakakaalam.

    20s
    EsP5PKP – Ie - 30
  • Q8

    Lumiban ka dahil may pinuntahan kayo ng iyong pamilya. Tinanong ka ng iyong guro sa dahilan ng iyong pagliban. Ano ang sasabihin mo? 

    Ipapaliwanag ko ang tunay na dahilan ng aking pagliban sa klase.

    Sasabihin kong kausapin na lamang niya ang aking mga magulang.

    Ibang dahilan ang sasabihin ko sa kanya.

    Hindi na lamang ako magsasalita.

    20s
    EsP5PKP – Ie - 30
  • Q9

    Nagbigay ang iyong guro ng proyekto na ipapasa kinabukasan. Niyaya ka ng iyong kaibigan na dumalo sa “Birthday Party” ng kanyang pinsan. Ano ang iyong gagawin? 

    Sasama sa party para hindi magtampo ang kaibigan.

    Sasama sa party pero magpapaalam din agad sa may kaarawan pagkatapos kumain.

    Magalang na sasabihin sa kaibigan na hindi muna makakasama sa party dahil mayroong gagawing proyekto.

    Sasabihin sa kaibigan na hindi makakasama sa party pero ipagbalot na lamang siya ng handa nito.

    20s
    EsP5PKP – Ie - 30
  • Q10

    Miyembro ka ng Mga Batang Iskawt sa inyong paaralan. Napagkaisahan ng grupo na magsagawa ng Clean Up Drive sa barangay sa Sabado. 

    Hindi ako sasali sa proyekto. 

    Hindi ako sasali sapagkat ang araw ng Sabado ay inilalaan ko para sa paggawa ng mga proyekto at takdang-aralin.

    Sasali ako sapagkat ako ay isang batang iskawt na laging handa sa lahat ng bagay.  

    Sasali ako kapag mayroong sertipikong ibibigay.

    20s
    EsP5PKP – Ie - 30

Teachers give this quiz to your class