
ESP-Q3-M8
QuizΒ by Analyn C. Clarianes
Track each student's skills and progress in your Mastery dashboards
Nakita mong nagtatapon ng basura sa ilog ang iyong kapitbahay. Alam mong labag iyon sa R.A.9003 na iyong napag-aralan sa EsP. Paano mo siya mapaaalalahan?
Lumabas ang kalaro ni Jean na si Oswald na walang suot na facemask. Alam ni Jean na mahigpit na ipinagbabawal ang paglabas ng bahay ng walang suot na facemask. Ano ang dapat gawin ni Jean sa kanyang kalaro?
Nasa bahay ka ng Tiya Ezra mo. Umiyak ang sanggol na pinsan mo, agad itong binigyan ng tiya mo ng tinimplang gatas. Batid mong mas masustansiya ang gatas mula sa ina dahil ang mama mo ay nagpapadede sa iyong bunsong kapatid. Paano mo ipaliliwanag sa iyong tiya ang kahalagahan ng #First1000 Days Law na iyong nabasa sa klinika ng inyong paaralan?
Napanood mo sa telebisyon ang pagpatay sa mga taong sangkot sa bentahan ng droga sa isang lugar sa Lungsod ng Quezon. Paano kaya maiiwasan ang mga kaguluhang tulad nito sa inyong lugar?
Nahiligan ni Fergus ang pagtatanim ng mga halaman dahil isang Plantita ang kanyang nanay na si Gng. Imelda. Ang kanyang pinsang si Cain ay walang hilig sa ganitong gawain dahil paglalaro ng computer games lamang ang pinagkakaabalahan nito. Paano hihikayatin ni Fergus ang kanya pinsan na sumali sa ganitong gawain?
Nakikilahok sa mga proyekto ng Sangguniang Kabataan si Mateo ukol sa paglilinis ng paligid ng kanilang barangay tuwing mayroon siyang pagkakataon.
Ipinagwalang-bahala ni Josie na ipagbigay-alam sa otoridad ang krimeng nasaksihan dahil sa takot na siya ay balikan ng mga kriminal.
Hindi natatakot ang mga kabataan na lumabas ng kanilang bahay kahit na wala silang suot na facemask habang naglalaro sila sa kalsada.
Mas minabuti ng magkaibigang Patrick at Froilan ang sumali sa kampanya ukol sa pagpapalaganap ng impormasyon laban sa COVID19 kaysa maglaro ng Mobile Legends.
Ipinagbigay-alam ni Aling Sonia ang pananakit na naranasan niya mula sa kanyang asawa nang mag-away sila noong nakaraang gabi.