ESP-Written Work No.1 (Quarter 1)
Quiz by JULIE ANNE TIBURCIO
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Habang naglilinis, narinig ni Juan ang usapan ng mga kaklaseng may sakit ang kanilang guro kaya agad siyang pumunta sa ospital.
Naibalita sa radio na walang pasok sa paaralan dahil sa napakalakas na ulan, nagpumilit pa ring pumasok si Eva kahit basang-basa na sapagabang pa lang ng sasakyan.
Nagpunta sa palaruan si Mila dahil napabalitang may darating na mga artista. Napansin niya ang iilan na naroroon na may mga kasamang batang naglalaro kaya patuloy pa rinsiyangnaghintay.
Ibinalita ng kapit bahay na hindi matutuloy ang pulong na sinabi ng gurong si Bb. Casinao kaya hindi na nila kinumpirma ang balitang ito.
Napabalitang nagbebenta ng murang bigas ang kabilang tindahan. Dapat itong alamin para makasiguro.
Habang naglilinis sa labas ng bahay, nakita ni Fatima na nagkakagulo ang pamilya sa kabilang bahay kaya tumawag siya ng doctor.
Nagmamadaling ikinuwento ng kaklase kong si Sheena Marie ang balitang pagkapanalo raw ni Jojo ng isang milyon sa paligsahan sa telebisyon. Hindi naman naniwala si Jojo dahil wala raw siyang sinalihang paligsahan sa telebisyon.
Nasa loobng silid-aralansi Bb. Soriano nang napabalitang naaksidente siya kaya walang naniwalasa balitang iyon.
May balita na may taong kakatok upang manghingi ng tulong para raw sa naaksidenteng guro. Hindi ito pinapasok sa bahay nila Andrei dahil wala ang kaniyang mga magulang.
Napabalita ang pagkapanalo ni Carlo sa paligsahan subalit walang naniwala dahil hindi pa ito nagsisimula.