
fil 8 2nd summative test
Quiz by Shiena Lotto
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Basahin ang pangungusap.
Masigasig na naghanda si Carlo para sa patimpalak. Dahil dito, siya ang kinatawan ng kanilang paaralan.
Anong kohesyong gramatikal ang ginamit sa salitang siya?
Basahinang pangungusap.
"Siya ang magiging kinatawan ng klase. Si Mark ang napiling mamuno."
Anong uri ng pagpapatungkol ang ginamit?
Basahin ang pangungusap.
"Bumili si Liza ng bagong aklat at si Carla naman ay kuwaderno."
Ano ang kohesyong gramatikal na ginamit?
Basahin ang pangungusap.
Mas gusto ni Mia ang puting uniporme kaysa sa itim na iyon.
Anong uri ng kohesyong gramatikal ang ginamit sa salitang iyon?
Basahinang pangungusap.
"Nagsasanay si Marco araw-araw at ganoon din ang ginawa ni Ben."
Anong uri ng pagpapalit ang ginamit?
Basahinang usapan.
Guro: "Mananalo kaya ang ating koponan?"
Mag-aaral:"Sana nga."
Ano ang uri ng pagpapalit na makikita sa sagot?
Basahin ang pangungusap.
Maraming mag-aaral ang nakiisa sa proyekto; gayunpaman, may ilan pa ring hindi nakadalo.
Ano ang pangunahing gamit ng salitang gayunpaman?
Aling pangungusap ang gumagamit ng transisyonal na salita upang magdagdag ng impormasyon?
Alin sa sumusunod ang HINDI halimbawa ng kohesyong gramatikal?
"Ang bagong inumin na ito ay tunay na nagbibigay ng saya, pag-asa, at tagumpay sa bawat Pilipino."
Anong propaganda device ang ginamit?
Basahin ang pahayag.
"Huwag kang bumili ng produktong iyon. Ang gumagamit niyan ay mga tamad at walang pakialam sa kalusugan."
Anong propaganda device ang ginamit?
"Bilang isang magsasaka, ito rin ang produktong ginagamit ko para sa aking pamilya."
Anong propaganda device ang ipinakikita?
"Mahigit isang milyong Pilipino na ang gumagamit nito. Huwag kang magpaiwan!"
Anong propaganda device ang ginamit?
"Inirerekomenda ng pambansang kampeon sa boksing ang produktong ito dahil sa kalidad nito."
Anong propaganda device ang ginamit?
Layunin ng pahayagan sa panahong ng propaganda at himagsikan ang magpabatid, kaya’t nagkaroon ng iba’ibang paglalathala ng pahayagan na ang iba ay patago sa layuning di-matunton ang sumulat, isa si Jose Rizal mga propagandista, alin sa mga sumusunod ang kanyang ginamit na sagisag-panulat?
Bahagi ng pahayagan na naglalahad ng balita at reaksyon o kuro-kuro ng pangulong-tudling sa isang na papanahong isyu.
Hindi dapat balewalain ang lumalalang problema sa trapiko. Panahon nang suportahan ng bawat isa ang mga programang magpapagaan sa daloy ng sasakyan.
Ano ang layon ng editoryal?
Ang pagiging tapat ay hindi lamang simpleng pag-iwas sa kasinungalingan. Ito ay pagpapakita ng integridad sa lahat ng pagkakataon.
Ano ang layon ng editoryal?
Kung nais nating mabawasan ang polusyon, simulan natin sa wastong paghihiwalay ng basura sa ating mga tahanan.
Ano ang layon ng editoryal?
"Ang paggamit ng salitang'pinakamahusay,' 'pinakamabisa,' at 'pinakapinagkakatiwalaan' ay karaniwang ginagamit upang hikayatin angmamimili." Ano ang pangunahing layunin ng paggamit ng mga salitang ito?