
Fil 9 M4 Quarterly Exam (2022)
Quiz by Agustin Remponi
Track each student's skills and progress in your Mastery dashboards
Piliin kung TAMA o MALI.
Ang nobelang The Wandering Jews aytungkol sa isang lalaking kumutya kay Hesus habang siya ay patungo sa Golgota at pinarusahan itong maglakad sa buong mundo nang walang tigil.
Piliin kung TAMA o MALI.
Sa akda ni Jose Rizal na Noli Me Tangere ay nailarawan niya ang kulturang mayroon ang mga Pilipino sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol.
Piliin kung TAMA o MALI.
Pagkatapos marinig ang malaking suliranin ni Rizal, nag-alok ng tulong si Ventura ngunit sa halip na tanggihan ito ay tinanaw ito ni Rizal bilang pagkakautang.
Piliin kung TAMA o MALI.
Sa pagsusuri ng akda gamit ang teoryang enkulturasyon, mahalagang tingnan at suriin ang katangian ng lipunan namamayani sa panahong naisulat ito.
Piliin kung TAMA o MALI.
Upang makaiwas sa hindi magandang pagtrato ng mga Espanyol sa Tsino, pinalitan ni Domingo Lamco, ninuno ni Rizal, ng “Mercado” ang kanyang apelyido na ang ibig sabihin ay “Mangangalakal.”
Piliin kung TAMA o MALI.
Ang teoryang mimetiko ay may layuning makabuo ng isang kritikal na pormulasyon upang maunawaan ang ugnayan ng manunulat at ng mambabasa.
Piliin kung TAMA o MALI.
Ang Batas Republika bilang 1425 na pinirmahan ng Pangulong Ramon Magsaysay ay kilala sa tawag na Batas Rizal.
Piliin kung TAMA o MALI.
Sa usaping moralidad, laging tinitingnan dito ang kaugalian at kulturang ng lipunan batay sa pamantayang umiiral na idinidikta ng isang dominanteng institusyon tulad ng relihiyon at batas.
Tukuyin ang inihahayag ng pangungusap.
Isang tipikal na babaeng walang nalalaman kundi ang umibig at umiyak na lamang at nagpapakasakit alang-alang sa kanyang mga mahal sa buhay.
Tukuyin ang inihahayag ng pangungusap.
Ito ang pangalan ng asawa ni Sisa na kausap ni Lucas sa sabungan.
Tukuyin ang inihahayag ng pangungusap.
Ito ang tawag sa partido ng mga matatanda na siyang tumututol sa panukala ng mgakabataan sa pulong sa tribunal.
Tukuyin ang inihahayag ng pangungusap.
Ito ang isa sa magkapatid na siyang lumapit kay Lucas sa loob ng sabungan upang mangutang ng pera para may maipusta.
Piliin ang tamang sagot.
Sa gubat, siya ang paring nagtago muna sa isang malaking puno, pinagmasdan ang mga naroroon sa piknik, at pinakinggan ang pag-uusap ng kadalagahan.
Piliin ang tamang sagot.
Ayon kay Padre Salvi sa pag-uusap nila sa gubat, ito aniya ang taong bumugbog kay Padre Damaso na naging dahilan ng pagkakasakit nito.
Piliin ang tamang sagot.
Ito ang sinasabing nawawalang kabanatang Noli Me Tangere o hindi naisama ni Rizal dahil sa kakulangan ng pambayad sa imprenta.
Piliin ang tamang sagot.
Ito ang paring naimbitahan upang maging predikador sa misa noong araw ng pista sa San Diego.
Piliin ang tamang sagot.
Ito ang taong may-ari ng aklat na larong Gulong ng Kapalaran na sinira ni Padre Salvi dahil masama raw ang maniwala sa gayong klase ng laro.
Piliin ang tamang sagot.
Siya ang paring nagsabing huwag tanggapin si Ibarra sa tahanan nila Maria Clara dahil sa nangyari sa kanila ni Padre Damaso at ang limampung libong piso na pagkakautang ay hindi na rin babayaran kundi mawawala ang kanyang buhay at kaluluwa.
Piliin ang angkop na emoticon batay sa damdaming inilalarawan ng pangyayari o pahayag ng mga tauhan sa Noli.
Naghanda si Sisa ng paboritong pagkain ng kanyang dalawang anak. Inaasahan niya ang pag-uwi ng mga ito. Masasabing isang hapunang pangkura ang inihain ni Sisa para sa minamahal na mga anak.
Piliin ang angkop na emoticon batay sa damdaming inilalarawan ng pangyayari o pahayag ng mga tauhan sa Noli.
Nag-usap sina Ibarra at Maria Clara sa asotea. Ang sabi ni Ibarra, “Lagi kong nakikita ang iyong mukha kahit saan mang lugar ako magtungo maging sa aking mga panaginip, lagi kong naririnig ang iyong mahinay
at malumbay na awit.
Piliin ang angkop na emoticon batay sa damdaming inilalarawan ng pangyayari o pahayag ng mga tauhan sa Noli.
Bumalik si Ibarra sa kuwarto ng tinutuluyang hotel. Naupo malapit sa bintana at nagmuni-muni tungkol sa kanyang ama. Ang nasa kanyang guni-guni ay isang silid na nababakuran ng pader. Sa loob nito’y nakaratay ng isang matandang naghihingalo at may tinatawag na pangalan.
Piliin ang angkop na emoticon batay sa damdaming inilalarawan ng pangyayari o pahayag ng mga tauhan sa Noli.
Sinunggaban ng Sakristan Mayor ang at kinaladkad pababa. Hindi na lamang kumibo si Basilio. Narinig niya ang kalabog ng katawan ng kapatid, ang mga tili, at mga palo na bigang naglaho nang puminid ang pinto.
Piliin ang angkop na emoticon batay sa damdaming inilalarawan ng pangyayari o pahayag ng mga tauhan sa Noli.
Naikuwento ng isang guro ang kanyang masasamang karanasan sa pagtuturo. Minsa’y ipinatawag siya ni Padre Damaso. Ininsulto siya ng pari dahil sa kanyang pagsasalita ng wikang Espanyol.
Piliin ang angkop na emoticon batay sa damdaming inilalarawan ng pangyayari o pahayag ng mga tauhan sa Noli.
Pagkalayo ni Ibarra ay siyang lapit naman ni Padre Salvisa mga naglalaro ng gulong ng kapalaran. Kinuha ng kura ang aklat at inusisa. “Hindi ba ninyo alam na masama ang maniwalasa ganito? Mas malaking kasalanan siguro ang makialam sa hindi pag-aari at laban sa kalooban ng may-ari!” tugon ng may-ari ng aklat at sabay na tumindig.
Piliin ang angkop na emoticon batay sa damdaming inilalarawan ng pangyayari o pahayag ng mga tauhan sa Noli.
Sumapit ang Bisperas ng pista sa San Diego. Sa bahay ng ilang nakaaangat sa buhay, nakahanda sa platon ang mga hamon, mga pastel, mga relyenong pabo, at iba pa. May mga pampaganang atsara at mga inumin tulad ng serbesa at champagne.
Piliin ang angkop na emoticon batay sa damdaming inilalarawan ng pangyayari o pahayag ng mga tauhan sa Noli.
Tila nawala sa sarili si Ibarra. “Sino sa inyo ang hindi nagmamahal sa aking ama, ang napopoot sa kanyang alaala? Nakita mo na, walang sumagot. Ikaw na isang alagad ng Diyos ng kapayapaan, ngunit nababalot sa kasamaan ang iyong puso,
Piliin ang angkop na emoticon batay sa damdaming inilarawan ng pangyayari o pahayag ng mga tauhan sa Noli.
Narinig ni Sinang mula sa bibig ni Donya Victorina na gusto palang ipakasal si Maria Clara kay Linares. Sagot ni Sinang, “Ngayon ko lang nalaman na ikakasal ka pala sa ginoong iyan? Mapaglihim ka, ngunit
hindi ka salawahan.”
Piliin ang wastong kahulugan ng salitang binigyang-diin o initiman na
ginamit sa pangungusap.
Lubhang nabaghan ang kaibigan ko kung bakit hindi siya binati ng kanyang kaklase sa loob na silid-aralan.
Piliin ang wastong kahulugan ng salitang binigyang-diin o initiman na ginamit sa pangungusap.
Ipinahayag ng mga manggagawa sa pabrika ang kanilang lunggati dahil ipinagwawalang-bahalalamang ito ng kumpanya.
Piliin ang wastong kahulugan ng salitang binigyang-diin o initiman na ginamit sa pangungusap.
Sabi ng mga kandidatong tumatakbo bilang presidente na ang bansa ay nangangailangan ng reporma sa lahat ng sangay ng ahensiya ng pamahalaan.
Piliin ang wastong kahulugan ng salitang binigyang-diin o initiman na ginamit sa pangungusap.
Sabi ng ilang mayayaman na ang mga iskwater aymga taong walang urbanidad.
Piliin ang wastong kahulugan ng salitang binigyang-diin o initiman na ginamit sa pangungusap.
Biglang nagulat ang mga batang naglalaro nang daluhungin sila ng mga asong nakawala sa malaking bahay.
Piliin ang wastong kahulugan ng salitang binigyang-diin o initiman na ginamit sa pangungusap.
Hindi niya lubos maisip kung bakit siya nadehado ng dalawang ulit sa boksing.
Isulat ang O kung opinyon at D naman kung damdamin ang ipinahahayag ng pangungusap.
“Daig ng isang malinis na budhi ang lahat ng mga gamot at napatunayan na ito sa maraming pagkakataon.”
Isulat ang O kung opinyon at D naman kung damdamin ang ipinahahayag ng pangungusap.
“Nangyayari ang ganito sapagkat walang pagkakaisa at watak-watak ang taumbayan,” saad ni DonFilipo. “Samantala ang mga prayle at mayayaman ay nagkakabuklod-buklod.
Isulat ang O kung opinyon at D naman kung damdamin ang ipinahahayag ng pangungusap.
“Kilala ko kayo. Alam kong nasawi ang iyong ama sa pagmamalupit ng mga sundalo. Alam ko rin na hindi ninyo gustong ipaghiganti siya.”
Isulat ang O kung opinyon at D naman kung damdamin ang ipinahahayag ng pangungusap.
Sabi ni Donya Victorina, “Hindi ko maiisip kung paano nabubuhay ang mga Indio. Napakasama ng kanilang mga pinag-aralan at napakayayabang. Hindi man lang nagbibigay-pugay kung tayo’y nakakasalubong.
Isulat ang O kung opinyon at D naman kung damdamin ang ipinahahayag ng pangungusap.
Ani Ibarra, “Kung gayon, hindi mo inaasahan ang aking pagbisita. Ipagpaumanhin mo Maria, hindi ako nakapagsabi. Magpapaliwanag ako sa aking inasal sa ibang araw.”
Isulat ang O kung opinyon at D naman kung damdamin ang ipinahahayag ng pangungusap.
“Kapag ang sakit ay malala na, kailangan na itong gamutin ng isang marahas na lunas,” tugon niElias.
Isulat ang O kung opinyon at D naman kung damdamin ang ipinahahayag ng pangungusap.
“Elias, sumusugat ang iyong mga pangungusap. Ako man ay nag-aalinglangan din.