placeholder image to represent content

Filipino 7(Summative Test for 1st Quarter

Quiz by MELIEN VANZUELA

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
40 questions
Show answers
  • Q1
    (Batay sa Kuwenton bayan na pinamagatang " Ang Munting Ibon") Ang mag-asawa sa binasa ay kapwa nabubuhay sa pangangaso. Mahihinuha na ang kanilang lugar ay ___________.
    nasa tabing-dagat .
    nasa kapatagang taniman ng palay .
    nasa lungsod.
    magubat at mapuno.
    100s
  • Q2
    (Batay sa Kuwenton bayan na pinamagatang " Ang Munting Ibon")“Gusto ko makatikim ulit ng matabang usa. Halika, maglagay tayong muli ng bitag sa gubat,” sabi ni Lokes a Mama. Ano ang ipinapahiwatig ng pahayag na ito?
    Hindi nauubos ang mga hayop sa kanilang mga kagubatan.
    Sagana ang gubat ng mga hayop na maaaring mahuli.
    Hindi ipinagbabawal ang ang panghuhuli ng mga hayop sa gubat.
    Madaling makahuli ng usa sa gubat.
    100s
  • Q3
    (Batay sa Kuwenton bayan na pinamagatang " Ang Munting Ibon")Si Lokes a Babay ay bumili ng malawak na lupain at nagpatayo ng isang torogan o malapalasyong tirahan. Ano ang mahihinuhang kalagayan ni Lokes a Babay?
    Hindi na siya nanghuhuli ng hayop sa gubat.
    Swerte ang munting ibon na kaniyang nahuli sa gubat
    Naghirap siya nang umalis siya sa kaniyang asawa.
    Umunlad ang kaniyang pamumuhay.
    100s
  • Q4
    (Batay sa Kuwenton bayan na pinamagatang " Ang Munting Ibon")Sa paanong paraan niloko ni Lokes a Mama ang kanyang asawa?
    Sa pag-iwan kay Lokes a Babay.
    Pinagpalit niya ang kanyang huling ibon sa huli ni Lokes a Babay na isang matabang usa.
    Sa pagtaksil kay Lokes a Babay.
    Sa pakikipag-apid sa ibang babae.
    100s
  • Q5
    (Batay sa Kuwenton bayan na pinamagatang " Ang Munting Ibon")Pinagbilinan ni Lokes a Babay ang kaniyang mga guwardiya na huwag na huwag palalapitin ang kaniyang asawa sa kaniyang magarang tahanan. Mahihinuhang si Lokes a Babay ay…
    masungit
    mapagkumbaba
    mabait
    mapaghiganti
    100s
  • Q6
    Anong uri ng panitikan ang tumutukoy sa isang maikling salaysay na nagpalipat-lipat sa ating salinlahi at ito ay kapupulutan ng magandang aral?
    Epiko
    Pabula
    Kuwentong bayan
    Alamat
    100s
  • Q7
    Ang mga sumusunod ay pahayag na nagpapakikilala sa kuwentong-bayan, maliban sa isa?
    Nagpasalin-salin sa iba’t ibang henerasyon sa paraang pasalindila o pasalita
    May iisang pangunahing tauhan na may mahalagang suliranin na dapat lutasin.
    Nagtataglay ng anyong tuluyan at naglalaman ng mga kaugalian at tradisyon ng lugar na pinagmulan nito.
    Pagmamay-ari ito ng isang tao lamang.
    100s
  • Q8
    Sinasalamin ng kuwentong-bayan ang mga sumusunod maliban sa
    Kaugalian
    paniniwala
    tunggalian
    tradisyon
    100s
  • Q9
    Sa pagpapatunay ng isang bagay, mahalagang masundan ito ng __________
    Ebidensiya o datos
    salaysay
    pangangatwiran
    solusyon
    100s
  • Q10
    Ano ang tawag sa katunayang pinalalakas ng ebidensiya, pruweba o impormasyon?
    impormasyon
    pahiwatig
    konklusyon
    ebidensya
    100s
  • Q11
    Mga salitang nagsasabi o nagsasaad ng pananalig o paniniwala sa ipinahahayag ay tinatawag na____.
    datos
    dokumentaryong ebidensiya
    patunay
    pahiwatig
    100s
  • Q12
    Lalabas si Manik Buangsi at panonoorin ang mukha ng isang magandang dayang-dayang. Ang kasingkahulugan ng nakasalungguhit na salita ay _____________.
    mangingibig
    kasintahan
    dalaga
    matanda
    100s
  • Q13
    Nang magdalaga si Tuan Putli ay maraming dugong bughaw ang lumigaw sa kanya. Ang kasingkahulugan ng nakasalungguhit na sailta ay ____________.
    timawa
    maharlika
    bughaw ang kulay ng dugo
    mahirap
    100s
  • Q14
    Siya ay isang nilalang na walang kamatayan at nakatira sa pook ng mga bathala. Ang kasingkahulugan ng nakasalungguhit na salita ay _____________.
    manggagamot
    timawa
    diyos
    ermitanyo
    100s
  • Q15
    Nangimbulo ang mga kapatid ni Tuan Putli sa kanyang magandang kapalaran. Ang salitang may salungguhit at nangangahulugang?
    nainggit
    nagalit
    natuwa
    nalungkot
    100s

Teachers give this quiz to your class