
Ikalawang-Pagsusulit sa ESP
QuizΒ by Josephine Legaspi
Track each student's skills and progress in your Mastery dashboards
Ibinabahagi ni Mila ang mga posts sa Facebook tungkol sa pag-iwas sa pagkalat ng COVID-19.
Nagwalang bahala si Robert sa epekto ng pagputok ng bulkan sapagkat malayo naman dito ang kaniyang tirahan.
Umaasa lang si Rizalyn sa ayudang ibibigay ng pamahalaan.
Nag-organisa si Ronaldo ng fund-raising project at ang malilikom ay ibibigay na tulong sa mga frontliners sa kanilang barangay.
Ipinagdasal nang mataimtim ng pamilyang Rosario ang mga biktima ng kalamidad.
Nagbahagi sina Joshua at kaniyang mga kaibigan ng mga luma ngunit matitinong mga damit sa mga pamilyang nasunugan sa kabilang barangay nila.
Nakiisa ang pamilya nina Pauline sa isinagawang Earthquake Drill at Home ng kanilang paaralan.
Pinipili lamang ni Jazmine ang mga taong kaniyang inaabutan ng tulong .
Ipinauubaya ni Anton sa kawani ng gobyerno ang pagtulong sa mga taong nangangailangan.
Itinigil na ni Pau-Pau ang pagtulong sa mga tao sapagkat tapos na ang bagyo.
May nasaksihan kang nakawan sa inyong lugar. Kanino mo ito dapat ipaalam?
Napansin mong kinukutya ng iyong kaibigan ang bago niyong kamag-aral na katutubo. Ano ang dapat mong gawin?
Nakilala ng tatay mo ang hinahanap na magnanakaw ng inyong barangay. Natatakot siyang magsabi sapagkat iniisip niyang baka mapahamak kayong lahat. Paano ka makatutulong?
Ang pagsusumbong tungkol sa mga krimeng nasasaksihan ay malaking tulong upang ______________________________.
Nahuli mong nangongodiko ang isa mong kamag-aral sa oras ng inyong pagsusulit. Nahihiya kang kausapin siya. Ano ang gagawin mo?
Tukuyin kung ang pangungusap ay nagpapakita ng paggalang sa dayuhan .Habang naglalakad si Mario, may nakasalubong siyang isang Amerikano na parang naliligaw. Kahit hirap siyang mag-ingles sinubukan niya itong kausapin at kaniya itong tinulungang hanapin ang bahay ng kamag-anak ng dayuhan.
Tukuyin kung ang pangungusap ay nagpapakita ng paggalang sa katutubo. Si Maliya ay isang katutubong mag-aaral sa isang pampublikong paaralan sa Dinalupihan. Dahil sa taglay niyang sipag at tiyaga, siya ay kinagigiliwan ng lahat.
Tukuyin kung ang pangungusap ay nagpapakita ng paggalang sa katutubo. Sina Lucas at ang kaniyang mga kaibigan ay naglalaro ng basketball. Nakita nilang nanonood sa kanila ang isang batang Negrito, tinaboy nila ito at hindi sinali sa paglalaro.
Tukuyin kung ang pangungusap ay nagpapakita ng paggalang sa katutubo.Mayroong katutubong pinsan si Aryana, buong pagmamalaki niya itong ipinakilala sa kaniyang mga kaibigan.
Tukuyin kung ang pangungusap ay nagpapakita ng paggalang sa dayuhan .May bisitang dumating ang nanay ni Malcom. Ang isa sa mga ito ay dayuhan mula sa bansang Qatar, tinawanan niya ito at sinabihang maitim, maitim, maitim.
Tukuyin kung ang pangungusap ay nagpapakita ng paggalang sa opinyon ng iba.Nakikinig nang mabuti si Jarei sa ipinapaliwanag ng kaniyang kamag-aral.
Pakikipagkwentuhan sa katabi dahil hindi ka interesado sa opinyon ng nagsasalita.
Paggawa ng ingay habang may nagpapahayag ng kaniyang saloobin.
Pagtahimik sa tuwing pagkakataon na ng ibang tao upang magbigay ng kaniyang opinyon.
Pagbibigay pagkakataon sa iba na sabihin ang kaniyang sariling mga ideya at opinyon.
Kumpletuhin angΒ pangungusap upang maipakita ang pagmamalasakit sa kapwa.Nahihirapang sumunod ang iyong kamag-aral sa asignaturang Ingles,
Kumpletuhin ang bawat pangungusap upang maipakita ang pagmamalasakit sa kapwa.Nagkalat ang mga laruan ng kapatid mo sa bahay at naabutan mong nililigpit niya ang mga ito.
Ang kaklase mo ay naatasang mamuno sa pagdarasal bago mag-umpisa ang inyong klase subalit hindi siya marunong,
May matandang babaeng tatawid sa daan at napansin mong bulag ito,
Naabutan mo ang grupo ng iyong kamag-aral sa loob ng simbahan na nagkukuwentuhan at nagtatawanan nang malakas habang may nagdarasal,
Inatasan ka ng guro mo na tulungang __________________________
Naabutan mong naglilinis na sa silid-aralan ang iyong mga kamag-aral,ano ang iyong gagawin?
Ikaw ay pumapasok sa isang eksklusibong paaralan sa inyong bayan at ang ibang mga batang katulad mo ay nag-aaral naman sa isang pampublikong paaralan. Magkaiba man ng pinapasukang paaralan, iisa lamang ang ipinapahiwatig nito na kayong lahat ay nabigyan ng pagkakataong makapag-aral. Anong karapatan ang tinutukoy dito?
Si Myrna ay kinupkop ng mag-asawang Abner at Nelia mula nang maulila ito sa kaniyang mga magulang. Nagsilbi silang pangalawang mga magulang ng bata. Anong karapatan ang tinatamasa niya ngayon sa piling ng bagong mga magulang?
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng paggalang sa karapatang maabot ang pinakamahusay na kakayahan?
Alin ang nagpapakita ng paggalang sa karapatan ng batang katulad mo?
Ikaw ay binigyan ng pangalan ng iyong mga magulang noong ikaw ay isinilang at ipinarehistro sa pamahalaang lokal sa inyong bayan at lalo pa itong napagtibay nang ikaw ay binyagan. Anong karapatan ang tinamasa mo?
Ibinibigay ng mga magulang mo ang lahat ng iyong pangunahing pangangailangan at inaalagaan ka rin nila palagi maysakit ka man o wala. Anong karapatan ang mayroon ka rito?
Ang mga sumusunod ay mga pamamaraang nagpapakita ng paggalang sa karapatan ng batang katulad mo maliban sa isa, alin ito?
Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng wastong pagtatamasa ng karapatang manirahan sa tahimik at payapang lugar?
Nakararanas ng pagmamaltrato si Eunice sa kaniyang tiyuhin. Lagi siyang sinasaktan nito kapag hindi kaagad nakakasunod sa ipinag-uutos nito. Hindi niya na matiis kaya nagtungo siya sa DSWD upang matulungan siya ng mga ito. Anong karapatan ang natamo niya sa kaniyang pagpunta sa DSWD?
Ang paglahok sa mga______________________ ay isang paraan upang mapaunlad ang iyong sarili at ang iyong pakikipag-kapwa tao.
Sa paglalaro, ang mga kalahok ay dapat _________ sa mga tuntunin ng laro.
Ako ay palaging __________sa mga paligsahan sa paaralan upang madagdagan ang aking mga kaibigan.
Kung ikaw ay matatalo sa isang laro dapat lang na ito ay ___________.
Huwag kang_________ sa paglalaro kahit nakatalikod ang iyong katunggali.
Ano ang tawag sa mga makabagong kagamitan na nagpapagaan at nagpapabilis ng mga gawain?
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng maayos na pagganap ng mga tungkulin gamit ang teknolohiya?
Paano mo ipapakita ang responsableng paggamit ng anumang teknolohiya?
Ang mga sumusunod ay mga tamang gawi sa paggamit ng teknolohiya, maliban sa isa.