
Ikatlong Panahunang Pagsusulit sa EPP-Industrial Arts
Quiz by Desiree Joy DG. Ladines
Track each student's skills and progress in your Mastery dashboards
Si Mang Manding ay kilala sa pagiging magaling na karpintero sa Barangay Tundol. Sa anong gawaing pang-industriya nahahanay ang kaniyang propesyon?
Anong uri ng himaymay na material na karaniwan ay gumagapang at ginagamit sa paggawa ng upuan, higaan at cabinet?
Tinatawag itong “ Tree of Life “ dahil sa dami ng gamit na taglay nito. Dito nagmumula ang virgin coconut oil at copra.
Puputulin ni Macoy ang kahoy para sa gagawing proyekto. Anong klaseng pamutol ang gagamitin niya?
Kung pagdidikitin ang dalawang kahoy gamit ang pako, anong kagamitan ang gagamitin mo?
Upang hindi mawala ang mga kasangkapan, saan mo ito ilalagay pagkatapos gamitin?
Upang maiwasan ang pagkakuryente, gumamit ng kagamitang tumitingin kung dinadaluyan na ng kuryente ang proyekto. Ano ito?
Isa itong proyekto sa gawaing elektrisidad na ginagamit kapag malayo sa saksakan ang isang kagamitang de kuryente. Ano ito?
Kung kukumpunihin ang sirang switch ng ilaw, ano ang nararapat gawin bago magsimula?