LS 5 - Understanding the Self and Society
Quiz by Mitzi Alcaraz Agtarap
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Sa kasalukuyan, ang globalisasyon ay nakapagdudulot ng malawakang interaksyon sa pagitan ng mga tao, mga bansa, at iba't ibang internasyonal na organisasyon. Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa positibong epekto nito sa kalagayan ng edukasyon sa bansa?
Isa sa mga layunin ng mga internasyonal na organisasyon, tulad ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), ay ang pagpapalakas ng ugnayan sa mga bansang kasapi. Kasama nito ang pagpasok ng mga dayuhang impluwensya na nakakaapekto sa pamumuhay ng mga Pilipino.
Bilang isang kasapi ng ASEAN, paano makatutulong ang Pilipinas sa pagpapalakas ng ugnayan sa ibang bansa?
Malapit na ang araw ng pagsusulit ni Kardo. Bukod dito, kailangan din niyang ipasa ang iba pang mga gawain sa takdang petsa. Ano ang mga hakbang na dapat gawin ni Kardo upang magawa ang lahat ng kaniyang tungkulin kahit na limitado ang kaniyang oras?
Sa 180 bansa, ang Pilipinas ay nasa ika-115 na puwesto sa Corruption Perception Index (CPI) na inilathala nitong 2023 ng Transparency International, isang organisasyong matatagpuan sa Berlin, Germany. Umangat ang Pilipinas ng isang baitang mula sa ika-116 na puwesto nito noong nakaraang taon. Sa Corruption Perception Index (CPI), inihahanay ang mga bansa batay sa antas ng korapsyon sa pampublikong sektor, kung saan ang iskor na "0" ay nangangahulugang "pinaka-corrupt" at "100" ang "pinakamalinis sa korapsyon." Ngayong 2023, nakakuha ang Pilipinas ng iskor na 34 mula sa 100, bahagyang mas mataas kaysa sa iskor nito na 33 noong nakaraang taon.
Batay sa sipi, sino sa iyong palagay ang mas higit na apektado sa paglala ng suliranin ng korapsyon sa bansa?
Maraming Pilipino ang hindi nagpapasuri kung sila ay mayroong Human Immunodeficiency Virus (HIV), ang virus na umaatake sa immune system ng katawan. Ano ang maaaring gawin ng ating healthcare system upang hikayatin ang mas maraming tao na magpa-HIV test?
Ang Pilipinas ay nahaharap sa iba't ibang isyu at hamong panlipunan, tulad ng terorismo, kahirapan, at pagkagutom. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng kaalaman at aktibong pakikilahok ng mamamayan sa mga isyung panlipunan?
Sina Malou at Alex ay limang taon nang magkasintahan. Si Malou ay 25 taong gulang at si Alex naman ay 30. Pareho silang Katoliko. Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutugama sa batas ng Pilipinas kaugnay ng kanilang planong pagpapakasal?
Ang mga kabataan edad 18 pataas ay may karapatang magpakasal kung kailan nila gusto. Paano maaaring makaapekto ang mga batas ukol sa kasal sa mga karapatan ng mga kabataan?
Malaking usapin sa buong daigdig ang tinatawag na climate change. Bilang mag-aaral sa Alternative Learning System (ALS), alin sa pagpipilian ang PINAKAMADALING magagawa sa ngayon upang maipakita ang iyong pagpapahalaga sa kapaligiran?
Si Melba ay madalas na nahuhuli sa pagpasok sa kaniyang trabaho dahil sa matinding trapiko. Dahil dito, hindi nasisimulan ang mga gawain tulad ng mga pagpupulong, na nagdudulot ng pagkaabala sa lahat. Bagamat napapansin ito ng kaniyang mga kasamahan, hindi sila makapagbigay ng puna dahil siya ay kamag-anak ng may-ari ng kompanya.
Kung ikaw ang may-ari ng kompanya na sinasabing kamag-anak ni Melba, ano ang PINAKAANGKOP na hakbang upang masolusyunan ang sitwasyong ito?
Dahil sa pagtaas ng mga bilihin at pagdami ng mga pangangailangan sa inyong tahanan at paaralan, nagdesisyon ang iyong mga magulang na mangibang-bansa ang iyong ama upang makahanap ng mas mataas na kita at makapagbigay ng mas magandang buhay para sa iyo at sa iyong mga kapatid.
Ano ang nararapat mong gawin upang maipakikita ang iyong pagpapahalaga sa kanilang pagsasakripisyo?
Si Gng. Marilou at G. Roger ay mag-asawang guro sa isang pampublikong paaralan. Sa kabila ng kanilang pagsisikap, hindi pa rin sila nakakapagpundar ng sariling bahay sapagkat sapat lamang para sa pang-araw-araw na pangangailangan ang kanilang sahod Dahil dito, napagpasyahan silang magbitiw bilang mga guro at subukang makahanap ng mas magandang oportunidad sa ibang bansa. Makalipas ang isang taon, nakahanap sila ng maayos na trabaho sa Canada at tuluyan nang nanirahan doon kasama ang kanilang mga anak.
Ang tuluyan nilang paninirahan sa ibang bansa ay nagpapatunay na
Si Ana, isang single mother, ay gumagamit ng online tools at Internet para makahanap ng job opportunities na puwede niyang gawin kahit nasa bahay lang siya. Paano nakatutulong ang pag-unlad ng teknolohiya sa mga kababaihang nais pagsabayin ang trabaho at kanilang responsibilidad sa pamilya?
Si Jenny ay isang ina at isang empleyado sa isang urbanisadong lungsod. Dahil sa Sa hindi magandang sitwasyon ng ekonomiya, paano naaapektuhan ang kani ugnayan sa pamilya at kaniyang tungkulin bilang isang ina?