
LS 5- UNDERSTANDING THE SELF AND SOCIETY-ELEM.
Quiz by Mary Ann Agoto
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
1. Ang Pilipinas ay binubuo ng 7,641 isla at napalilibutan ng malalawak na karagatan. Paano nakaapekto ang heograpikal na katangiang ito sa kabuhayan ng mga mamamayan?

2. Sa paanong paraan nakaimpluwensiya ang heograpikal at pisikal na katangian ng Pilipinas sa paglinang ng mga sinaunang tradisyon at sining, gaya ng paghahabi at pag-ukit?"

3. Ang Pilipinas ay isang bansang binubuo ng maraming isla at nahahati sa tatlong pangunahing rehiyon: Luzon, Visayas, at Mindanao. Paano nakaapekto ang ganitong katangiang heograpikal sa kultura at pagkakakilanlan ng mga Pilipino sa bawat rehiyon?

4. Ang mga miyembro ng pamilya na nagtatrabaho sa ibang bansa ay minsang nakararamdam ng lungkot dahil malayo sila sa kanilang mahal sa buhay. Alin sa mga sumusunod ang PINAKAMAINAM na gawin upang maipadama ang suporta sa kaanak na nasa ibang bansa?
5. Si Susan ay nag-iisang tumataguyod sa kaniyang dalawang anak. Sa kabila ng maraming pagsubok, patuloy siyang nagtatrabaho habang inaalagaan sila. Araw-araw, matiyaga niyang hinaharap ang iba’t ibang pangangailangan ng kaniyang mga anak. Ayon sa salaysay, ano ang pinakamalaking hamon na nararanasan ng mga solo parent gaya ni Susan?
6. Nais magtrabaho ni Dina bilang gasoline attendant sa isang gasolinahan. Kumpleto na ang kaniyang mga dokumento at handa na siyang sumailalim sa panayam. Ngunit sa araw ng panayam, sinabi sa kaniya na dapat siyang maghanap ng ibang mapapasukan dahil 'ang trabahong ito ay para lamang sa mga lalaki. Kung ikaw si Dina, ano ang PINAKAMAINAM na hakbang na maaari mong gawin?
7. Nasunog ang bahay ni Mang Felipe, pati na rin ang kaniyang welding shop na pangunahing pinagkakakitaan. Aling ahensya ng pamahalaan ang nararapat niyang lapitan upang makakuha ng tulong at makabangon muli?
8. Basahin ang talata mula sa isang artikulo at sagutin ang kasunod na tanong. Ayon sa pag-aaral ng World Bank, isa ang plastik sa pangunahing suliranin ng basura sa Pilipinas dahil ito ay hindi nabubulok. Tinatayang umaabot sa 2.7 milyong toneladang basurang plastik ang naiipon sa bansa bawat taon. Isa sa mga pangunahing sanhi ng problemang ito ang madalas na pagbili ng mga produktong tingi o naka-sachet. Ayon sa ulat, umaabot sa 163 milyong plastic sachet ang nagagamit araw-araw sa Pilipinas .Paano natin maaaring pangalagaan ang kapaligiran sa pamamagitan ng tamang paggamit o pagtatapon ng mga basurang gaya ng plastic bottles, straw, at lata?"

9. Si Rodrigo ay natanggal sa trabaho dahil sa kaniyang opinyong politikal na naiiba sa pananaw ng kaniyang mga kasamahan. Ano ang nararapat niyang gawin sa ganitong sitwasyon upang ipaglaban ang kaniyang karapatan?
10. Basahin ang salaysay at sagutin ang kasunod na tanong. Si Jonathan ay madalas mabully sa paaralan at sa kanilang komunidad dahil sa kulay ng kaniyang balat. Araw-araw, nakaririnig siya ng masasakit na salita at panunukso mula sa kaniyang mga kaklase at iba pang tao. Dahil dito, madalas siyang hindi nakakasali sa mga laro at iba pang aktibidad. Bagama’t masakit, tahimik na lamang niyang tinatanggap ang mga pang-aaping ito.Kung ikaw ay isang kaibigan ni Jonathan, ano ang maaari mong gawin upang matigil ang kaniyang mga nararanasang pang-aapi?