
LS 5- UNDERSTANDING THE SELF AND SOCIETY-JHS
Quiz by Mary Ann Agoto
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
1.Ang globalisasyon sa kasalukuyan ay nagdudulot ng malawakang inter-aksyon sa pagitan ng mga tao, bansa, at iba't ibang internasyonal na organisasyon. Alin sa mga sumusunod ang pinakamahusay na naglalarawan ng positibong epekto nito sa kalagayan ng edukasyon sa Pilipinas?

2. Ang Association of Southeast Asian Nations ay isang internasyonal na organisasyon na may layuning palakasin ang ugnayan ng mga bansang kasapi. Kasama nito ang pagpasok ng mga dayuhang impluwesya nakaaapekto sa pamumuhay ng mga Pilipino.Bilang miyembro ng ASEAN, sa anu-anong paraan maaaring mag-ambag ang Pilipinas upang mapalalim at mapalakas ang pakikipag-ugnayan nito sa ibang mga bansa?

3. Nalalapit na ang pagsusulit ni Karding, at may iba pa siyang mga gawaing kailangang ipasa sa itinakdang oras. Ano ang mga mabisang hakbang na maaari niyang gawin upang matupad ang lahat ng kaniyang tungkulin sa kabila ng limitadong panahon?

4. Sa tala ng Transparency International para sa Corruption Perceptions Index (CPI) 2023, nasa ika-115 na puwesto ang Pilipinas mula sa 180 na bansa. Bahagyang umangat ito mula sa ika-116 na puwesto noong nakaraang taon. Ang CPI ay sumusukat sa antas ng korapsyon sa pampublikong sektor, kung saan ang iskor na 0 ay nangangahulugang “pinaka-corrupt” at 100 ang “pinakamalinis sa korupsiyon.” Noong 2023, nakakuha ang Pilipinas ng 34 na puntos, mas mataas ng isa kumpara sa 33 puntos noong nakaraang taon.
Batay sa ulat, sino sa iyong palagay ang mas higit na naaapektuhan ng suliranin ng korapsyon sa bansa?

5. Marami pa ring Pilipino ang hindi sumasailalim sa pagsusuri para sa Human Immunodeficiency Virus (HIV), isang virus na sumisira sa immune system. Paano mahihikayat ang mas maraming tao na magpa-HIV test?

6. Ang Pilipinas ay humaharap sa iba’t ibang suliraning panlipunan gaya ng terorismo, kahirapan, at kagutuman. Bakit mahalagang taglayin ng mamamayan ang sapat na kaalaman at aktibong makibahagi sa pagtugon sa mga isyung ito?

7. Ayon sa sipi, alin sa mga sumusunod ang HINDI itinuturing na batayan upang maging lehitimo ang kasal ayon sa batas sa Pilipinas?
8. Sina Angel at Alex, na limang taon nang magkasintahan, ay may edad na 29 at 33 taong gulang at parehong Katoliko. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang naaayon sa batas ng Pilipinas hinggil sa kanilang planong pag-aasawa?
9. Ang mga kabataang may edad 18 pataas ay may karapatang magpakasal anumang oras na kanilang piliin. Paano maaaring makaapekto ang mga batas tungkol sa kasal sa mga karapatan ng mga kabataan?
10. Isa sa mga malalaking isyu sa buong mundo ay ang pagbabago ng klima. Bilang isang mag-aaral sa Alternative Learning System (ALS), alin sa mga sumusunod ang pinakamadaling gawin ngayon upang maipakita ang iyong malasakit sa kapaligiran?

11. Dahil sa matinding trapiko,madalas nahuhuli sa pagpasok sa kaniyang trabaho si Marivic.Dahil dito,naabala ang lahat dahil hindi nasisimulan ang pagpupulong. Bagamat alam ito ng kaniyang kasamahan ay hindi nila mapuna si Marivic dahil kamag-anak niya ang may-ari ng kompanya.Kung ikaw ang may-ari ng kumpanya at may kaugnayan kay Melba, ano ang pinakamainam na hakbang na maaari mong gawin upang maresolba ang sitwasyong ito?
12. Dahil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin at pagdami ng pangangailangan sa inyong pamilya at paaralan, nagpasya ang iyong mga magulang na ipadala ang iyong mga kapatid upang magtrabaho o manirahan sa ibang bansa. Ano ang dapat mong gawin upang maipakita ang iyong pasasalamat at pagpapahalaga sa kanilang mga sakripisyo?
13. Si Gng. Maria at G. Rogelio ay mag-asawa at parehas na guro sa pampublikong paaralan .Sa kabila ng pagsusumikap nila sa kanilang trabaho ay hindi parin sila nakakapagpundar ng sariling bahay sapagkat sapat lamang ang kanilang sahod para sa kanilang pangangailangan. Kinalaunan ay nagpasya ang mag-asawa na sumubok sa ibang bansa para sa mas magandang oportunidad. Matapos ang ilang taon ay nakahanap sila ng maayos na trabaho sa Amerika at nagpasya naring doon manirahan.Ang tuluyan nilang paninirahan sa ibang bansa ay nagpapatunay na __________.
14. Gumagamit si Rose ng internet para makahanap ng trabaho habang nasa bahay. Paano nakakatulong ang teknolohiya sa mga kababaihang sabay na nagtatrabaho at nag-aalaga ng pamilya?
15. Si Maris, isang ina at empleyado sa isang lungsod, ay naapektuhan ng kahirapan sa ekonomiya. Paano ito nakakaapekto sa kanyang relasyon sa pamilya at sa kanyang tungkulin bilang ina?