
Maikling Pagsusulit sa ESP 8 3rd Quarter
Quiz by JOANNE ROBIEGO
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Ang mga kabataan ay may pananagutan na sumunod at gumalang sa magulang, mga nakatatanda at may awtoridad.
Ang hindi pakikinig sa magulang o may awtoridad ay maaaring magbunga ng kapahamakan.
Ang maayos na pakikipag-usap at ang paggamit ng po at opo ay pagpapakita ng paggalang sa mga nakatatanda.
Ang mga anak ay dapat sumunod sa mga pangaral ng kanyang magulang
Ang isang kabataan na nagsasagawa ng mga angkop na kilos ng pagsunod at paggalang ay magsisilbing magandang halimbawa sa kanyang kapwa.
Tungkulin ng mga awtoridad ang magpatupad ng mga batas kaya dapat tayong sumunod ng may paggalang
Ang kawalan ng paggalang, paglabag o pagsuway sa magulang, mga nakatatanda at may awtoridad ay maaaring magdulot ng kapahamakan.
Likas sa ating mga Pilipino ang pagiging magalang at may pagsunod sa magulang, nakatatanda at may awtoridad.
Mahalaga na maunawaan at maisagawa mo ang mga angkop na kilos sa pagsunod at paggalang sa magulang, mga nakatatanda at may awtoridad.
Maraming mga kabataan ang napapahamak, napapariwara at naliligaw ng landas.
Hinahangaan ni Theresa si Jane sa kaniyang kagalingan sa pamumuno. Lahat ng sabihin ni Jane ay sinusunod at ginagawa ng kanilang grupo, kahit pa minsan ay napapabayaan na niya ang kaniyang sariling pangangailangan. Ang kilos ni Theresa ay nagpapakita ng mga sumusunod maliban sa ________
Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng nakasanayang gawi o ritwal sa pamilya?
Paano mo mas higit na maipapakita ang paggalang sa mga taong may awtoridad?
Naipapakita ang paggalang sa kapuwa sa pamamagitan ng ______.
Nag-iisang itinataguyod ni aling Nena ang kaniyang tatlong anak, maliliit pa lamang ang mga ito nang mamatay ang kaniyang asawa. Panatag siya na mapapalaki niya ang mga ito nang maayos. Subalit, may mga pagkakataon na natatakot din siya dahil mga nagdadalaga at nagbibinata na ang mga ito. Sa paanong paraan nila mapapatatag ang kanilang samahan sa loob ng kanilang tahanan?