Loading...

nasakom
Quiz by Farid Al-Engkuk
Customize this quiz to suit your class
Instantly translate to 100+ languages
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
​siapakah yang mencetuskan nasakom?
sby
giyanto
soeharto
soekarno
siapakah yang mencetuskan nasakom?
Give this quiz to my class
Nasakom MICHING
Ang imperyalismo ay isang sistema ng pananakop kung saan ang isang makapangyarihang estado ay sapilitang kinokontrol ang mas maliliit at mahihinang estado. Upang maituring na isang makapangyarihan estado ay kinakailangang nagtataglay ito ng isang matatag na institusyong politikal at matibay na pagkakakilanlang kultural. Ang pokus ng pananakop ay makontrol ang politikal at ekonomikal na institusyon ng mas mahihinang bansa dahil dito kadalasan ay nawawalan ng kapangyarihan ang mga lokal na namumuno at nauubos ang mga likas na kayamanan ng mga bansa sa ilalim ng isang imperyo. Magkakaiba ang pangkat-kultural ng mga mamamayan sa isang imperyo. Sa madaling salita, ang imperyo ay binubuo ng magkakaibang maliliit na pangkat ng tao na may magkakaibang pinagmulan, tradisyon, paniniwala at kasaysayan. Ang pagkakaiba-iba ng mga ito ay nagiging dahilan ng hidwaan sa pagitan ng mga pangkat at dahilan naman para sa mas makapangyarihang pangkat upang makontrol ang mas mahihina sa kanila. Ang mga Imperyalistang bansa ay may iba’t-ibang uri ng pagkontrol sa mga bansang kanilang nasakop. 1. Kolonyalismo ay tumutukoy sa pagkontrol ng dayuhang bansa sa mas mahihinang bansa sa Asya at Aprika. Ang pamahalaan at ekonomiya ay tuwirang pinamamahalaan ng mga dayuhan. 2. Protektorado na pinahihintulutan ang mga lokal o katutubong pinuno ng mas mahinang bansa na mamahala ngunit kontrolado ng mas malakas na bansa ang mga pinuno na kanilang binigyan ng kapangyarihan. Kung mahaharap sa digmaan ang mahinang bansa ay makasisiguro ng proteksiyon mula sa mas malakas na bansa 3. Economic Imperialism kung saan kontrolado ng mga pribadoong kompanya o dayuhang mamumuhunan ang mga mahihinang bansa. 4. Sphere of Influence ay tumutukoy sa isang teritoryo o bahagi ng mahinang bansa na kinokontrol o nasa impluwensiya ng mas malakas na bansa upang hindi sila lubusang sakupin. Concession ay ang pagbibigay ng pahintulot sa mananakop na gamitin ang teritoryo at likas na yaman ng mahinang bansa na may eksklusibong karapatan para sa kanilang pansariling interes. Ang extra-territoriality ay kasunduan sa pagitan ng mananakop at mahinang bansa kung saan paiiralin ang batas ng mga mananakop sa mga piling teritoryo na kabilang sa concession. Mula sa mga uri ng pananakop na ito ay gumamit naman ng dalawang paraan ang mga mananakop upang ipakita ang mapasunod nila ang mga bansang kanilang nasakop. 1. Ang Tuwiran o Direct Control ay direktang pinamunuan ng mga mananakop ang mahihinang bansa. Ang kanilang pamahalaan ay nasa kapangyarihan ng mananakop. Hindi hinayaan ng magkaroon ng manankop ang mga katutubo na humawak ng alinmang posisyon sa pamahalaan. Ang mga batas na ipatutupad ay alinsunod sa mga batas na ipinatutupad sa mga bansang pinanggalingan ng mga manankop. Dahil kotrolado ang politika ng mahinang bansa ay nakontrol na rin ng mananakop ang ekonomiya nito. Maging ang kultura ng mga katutubo ay unti-unting nabago at ito ay napalitan ng mga kulturang dayuhan dahil sa patakarang ipinatutupad ng mga mananakop. 2. Samantala, sa Di-Tuwiran o Indirect Control ay pinanatili ang mga katutubong pinuno ng mahihinang bansa na may limitadong kapangyarihan at ang huling desisyon ay nasa kapangyarihan ng mga mananakop. Maaaring ipagpatuloy ng mga katutubong pinuno ang ilan sa kanilang mga lokal na paniniwala ngunit sa paglipas ng panahon ay nahahaluan ito ng mga paniniwala mula sa dayuhan.
110.31.b.17.C
Topic: Reading/Vocabulary Development
STAAR English II High School 2014 - Past Paper
110.31.b.1.B
STAAR English I High School 2017 - Past Paper
110.32.b.15.A