
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA'T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK Reviewer (2nd Grading) Grade 11
Quiz by Morris Agata
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
isang anyo ng panitikan na naglalayong magsalaysay ng isang mahalaga at nangigibabaw na pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan at nag-iiwan ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa.
tumutukoy sa pangunahing paksa ng kwento. Dito umiikot ang buong diwa at daloy ng mga pangyayari.
tumutukoy sa sumulat o lumikha ng kwento.
tumutukoy sa mga tauhang gumagalaw sa kwento na maaaring pangunahing tauhan at pantulong na tauhan
kung binabanggit ng may-akda o ng ibang tauhan sa kwento ang mga katangian ng tauhan
kung matimpi ang paglalarawan ng tauhan, na nangangahulugang mahihinuha ang katangian ng tauhan sa pamamagitan ng pagkilos at pagsasalita niya.
tumutukoy sa lugar at oras ng pinangyarihan ng kwento
Makatotohanan ang daigdig na inilalarawan sa ating imahinasyon upang makatotohanan din ang pangyayaring magaganap dito
tumutukoy sa kaisipang iniikutan ng katha
Ito ang sentral na ideya ng kwento na naghahayag ng pagkaunawa sa buhay. Ito ay hindi dapat ihayag sa isang salita o parirala lamang kundi sabihin ito sa isang buong pangungusap
ito ang mga salita na kapag binabanggit sa isang akdang pampanitikan ay nag-iiwan ng iba’t ibang pagpapakahulugan sa mambabasa
ito ang simulain ng kwento
ito ang nagbibigay-daan sa madudulang tagpo upang lalong maging kawili-wili at kapana-panabik ang mga panggyayari kayat sinasabing ito ang sanligan ng akda
ito ang pinakamataas na uri ng pananabik; sa bahaging ito ng akda humigit-kumulang at malalaman na kung nagtagumpay o nabigo ang pangunahing tauhan sa paglutas niya sa kanyang suliranin
ito ang kinalabasan ng paglalaban ng mga tauhan sa akda
ito ang kinalabasan at naging resulta ng pakikipagtunggali ng mga tauhan sa mga suliraning kinaharap. Ito rin ang pinakadulong pangyayari ng daloy ng kwento
ay uri ng tekstong naghahayag ng mga punto, kuro, saloobin, at opinyon nang tahas at sa matalas na pamamaraan upang maiparating sa mambabasa ang paninindigan ng manunulat
Ang paninindigang ito ay maaaring panig o hindi-panig sa isang isyu o paksa
ang tawag sa mga pangangatuwirang ipinahahayag upang maipakita ang kamalian o kawastuan ng isang ideya o kilos
Ang mga pahayag na tulad nito ang ginagamit sa tekstong argumentatibo upang makatindig sa isang panig ng isyu
nakatuon sa layuning manghikayat sa pamamagitan ng pangangatwiran batay sa katotohanan o lohika
Maaari itong tungkol sa pagtatanggol ng manunulat sa kaniyang paksa o panig o pagbibigay ng kasalungat o ibang panig laban sa nauna, gamit ang mga ebidensiya
hindi maaaring basta na lamang bumuo ng hindi tunay na datos sapagkat upang maiparating ang panindigan, kailangang masuportahan ito ng mga mapagkakatiwalaan at matibay na detalye
Layunin niyang maihayag ang kaniyang panig at kung possible ay pumanig din sa kaniya ang mambabasa
Mga Halimbawa ng Tekstong Argumentatibo
pinagtatalunan; pahayan na inilalaan upang pagtuonan. Isang bagay na pinagkakasunduan bago ilahad ang katwiran ng dalawang panig
ebidensya o dahilan; paglatag ng mga dahilan at ebidensya upang maging makatwiran ang isang panig
Nakabatay sa opinyon
Nakabatay sa mga totoong ebidensiya
Walang pagsasaalang-alang sa kasalungat na pananaw
Nanghihikayat sa pamamagitan ng apela sa emosyon at nakabatay ang kredibilidad sa karakter ng nagsasalita, at hindi sa merito ng ebidensiya at katwiran
May pagsasaalang-alang sa kasalungat na pananaw
Ang panghihikayat ay nakabatay sa katwiran at mga patunay na inilatag
Nakabatay sa emosyon
Nakabatay sa Iohika
Ang pagpapahayag ng proseso o paraan ng isang paksa ay isang halimbawa ng
Tinatalakay nito ang dinadaanang proseso ng paksa o ano mang may kaugnayan dito
Nagbibigay din ito ng panuto upang maging matagumpay ang kalalabasan ng ginagawa. Pinapaliwanag nito ang bawat hakbang nang malinaw at maayos-kinakailangan din ng wastong pag-unawa.
Layunin ng ganitong teksto na gabayan ang bumabasa upang makamit ang isang awtput o
matagumpay na magawa ang isang aktibidad sa pamamagitan ng magkakasunod na impormasyon o panuto
Sinasagot ng ganitong teksto ang tanong na paano
Sa pamamagitan nito, naisasagawa ang aktibidad at nakakamit ang isang awtput sa angkop, episiyente, at ligtas na pamamaraan.
ang mga hakbang dito ay organisado at may tiyak na ayos at plano. Kung may hindi susundin sa mga hakbang, may posibilidad na maging hindi matagumpay ang awtput o gawain.
Ito lamang ang paraan upang maunawaan ng bumabasa ang bawat hakbang. Mahalaga rito ang kawastuang panggramatika at pangwika. Ang mali-maling baybay ng mga salita ay nakagugulo sa pagkaunawa ng bumabasa. Dapat ding angkop ang gamit ng mga salita upang hindi magkaroon ng kalituhan sa pagsunod.
Nakatutulong sa mga mambabasa kung tama ba ang kanilang ginagawa dahil nakikita nila ang dapat na kalabasan nito.
Dapat na malinaw sa isang hakbang ang layunin o inaasahang awtput. Kung malabo ang gustong mangyari, hindi magiging matagumpay ang kalalabasan.
Mahalaga sa isang tekstong prosidyural ang magkaroon ng sistematiko o metodolohikal na hakbang na susundin ng bumabasa.
Upang mabisang masunod ang mga hakbang, mahalagang malinaw ang pagkakapahayag ng bawat panuto.
pagpapahayag na may layuning mahikayat ang mambabasang makiayon o tanggapin ang pananaw ng manunulat.
Mabibilang dito ang advertisement, sanaysay na political, editorial, brochure, catalog, at mga kauri nito.
Layunin na himukin ang mambabasa na kumilos at gumawa ng isang bagay na naaayon sa kagustuhan ng manunulat.
Naglalayong makuha ang loob ng mambabasa.
Paggamit ng kredibilidad o imahe para makapanghikayat.
Paggamit ng emosyon ng mambabasa
Paggamit ng lohika at impormasyon
ay ang pagsasabi ng masama tungkol sa isang tao, bagay, o ideya para maipakitang mas maganda ang sinusuportahan mo at para mailayo ang mga tao sa ideya ng kalaban.
Ito ay ang pamamagitan pangungumbinsi ng magaganda, nakakasilaw, at mga mabubulaklak na salita o pahayag.
Ito ay paglilipat ng kasikatan ng isang personalidad sa hindi kilalang tao o produkto.
Ito ang propaganda device kung saan tuwirang eneendorso o pino-promote ng isang tao ang kanyang tao o produkto.
Ang uri ng paghihikayat na ito ay gumagamit ng mga ordinaryong tao para ipakita at makuha ang tiwala ng madla na katulad din nila.
Hinihikayat ang mga tao sa pamamagitan ng pagpapaniwala sa mga ito na ang masa ay
tumatangkilik at gumagamit na ng kanilang produkto o serbisyo.
Pagsasabi ng magandang puna sa isang produkto ngunit hindi sinasabi ang masamang epekto nito.
ay binubuo ng mga pangyayaring kumplikado o puno ng suliranin.
Madalas na paksa rito ang mga karanasan ng isang indibidwal na maaring likhaing isip o nagaganap sa totoong buhay.
Isang uri ng teksto na naglalahad o nagsasalaysay ng mga pangyayari o kaganapan
ang sistematiko at maayos na paglalahad ng mga datos.
Maaaring ang nagsasalaysay ay iniisa-isa ang mga detalye sa paraang nagnanais na makapagbigay ng sapat na detalye sa isang nagsusuri.
Karaniwang ginagamit ang prinsipyong ito sa masining at tamang pagadadahilan o ang tinatawag na syllogism
Ito ang maaaring pinakasimpleng paraan ng pagkukuwento sapagkat nagsisimula sa kung saan talaga ang panimula at magtatapos sa kung saan talaga ang katapusan. Tinatawag din itong inductive.
gumagamit ang tekstong ito ng mga salik sa madaling nauunawaan ng mga bumabasa o sumusuri. Ilan sa mga salik na ito ang gramatiko, ang pagpili ng mga wastong salita, estilo, o maging ang mga pagpapakahulugan ng mga simbolo.
kailangang maayos ang daloy ng mga pangyayari upang masundan ng mga bumabasa ang kabuuan ng akda.
Ang mahusay na pagkakabuo ng mga pangyayari ay nagbubunga ng pagkaunawa ng bumabasa.
Ang isang pangyayari ay higit na nauunawaan ng mga bumabasa kung ito ay mayaman sa impormasyon at detalye sapagkat mas nabubuo sa imahinasyon ng mambabasa ang inilalarawan sa akda.
Ang paggamit ng mga tayutay, idyoma, at matalinghagang salita ay nakadaragdag sa pagiging masining na paglalarawan.
ang paggamit ng mga ito ay nakatutulong sa pagbuo ng larawan sa isipan ng mambabasa dahil sa iniuugnay nito ang nilalaman sa mga karaniwang bagay na batid ng bumabasa