
PFPL REVIEWER (2ND QUARTER) BIONOTE
Quiz by Sheena Claire A. Galleros
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Isang sulating nagbibigay ng mga impormasyon ukol sa isang indibidwal upang maipakilala siya sa mga tagapakinig o mambabasa.
Inilahadni ________ ang ilan sa mga dahilan sa pagsulat ng bionote: (1) aplikasyonsa trabaho; (2) paglilimbag ng mga artikulo, aklat, o blog; (3) pagsasalita samga pagtitipon; at (4) pagpapalawak ng network propesyonal.
Mahahalagang bagay na dapat tandaan sa pagsulatng bionote ang iminugkahi sa artikulong Guidelinesin Writing Biographical Notes.
Bago ka pa man sumulat ng bionote, kailangang maging malinaw sa iyo ang balangkas naiyong susundin.
Kadalasang maikli lamang ang bionote. Binubuo lamang ito ng isa hanggang tatlong talata, Subalit depende sa pangangailan,nagbabago ang haba ng isang bionote.
Isang impormatibong pangungusap na inuumpisahan sa pangalan, sinusundan ng iyong ginagawa, at tinatapos sa mga detalye kung paano ka makokontak.
Binubuo ng isa hanggang tatlong talatang naglalahad ng impormasyon ukol sa taong ipinakikilala. Isang halimbawa ay ang bionote ng may-akda sa isang aklat.
Ordinaryang pagpapakilala sa isang natatanging panauhin. Ito ay dahil may sapat na oras para sa pabasa nito o espasyo para ito ay isulat.
Dapat mong malaman na hindi lahat ng mga natamo at mahahalagang impormasyon tulad ng propesyonal na trabaho o edukasyon ay kailangan mong isama sa bionote.
Tumutukoy ang antas ng pormalidad sa antas ng mga salitang gagamitin sa bionote,nakadepende ang pormalidad/impormalidad ng wikang gagamitin sa bionote sa mismong audience at sa klima ng mismong okasyon na paggagamitan nito.
Naritoang mga ipinanukalang hakbang ng dalawang eksperto para sa pagsulat ng bionote (Borgan, 2014: Hummel, 2014): ayusin ito ayon sa pagkakasunod-sunod
____ Tiyakin ang layunin.
____ Simulan sa pangalan
____ Isa-isahin ang mahahalagang tagumpay.
____ Pagdesyonan ang haba ng susulating bionote.
____ Ilahad ang propesyong kinabibilangan.
____ Gamitin ang ikatlong panauhang perspektib.
____ Idagdag ang ilang di-inaasahang detalye.
____ Basahin at isulat muli ang bionote
____ Isama ang contact information.
Sikaping paikliin ang iyong bionote at isulat lamang ang mahahalagang impormasyon.
kailangang isaalang-alang ang mambabasa sa pagsulat ng bionote. Kung ang target na mambabasa ay mga administrador ng paaralan , kailangang hulmahin ang bionote ayon sa kung ano ang hinahanap nila.
Tandaan ,laging gumagamitng pangatlong panauhang pananaw kahit na ito pa ay tungkol sa sarili.
tulad sa pagsulat ng balita at iba pang obhetibong sulatin, talagang inuuna ang pinakamahalagang impormasyon sa bionote.
Kung may PhD halimbawa at nagsusulat ng artikulo tungkol sa kultura ng Ibanag sa Cagayan,mahalagang isulat sa bionote ang kredensyal na ito.
mamili lamang ng mga kasanayan o katangian na angkop sa layunin ng bionote.
Walang masama kungpaminsan-minsan ay magbubuhat ka ng sariling bangko kung ito naman ay kailangan upang matanggap sa inaplayan o upang ipakita sa iba ang kakayahan. Siguruhin lamang na tama o totoo ang impormasyon.