POST-TEST FILIPINO 7 IKALAWANG MARKAHAN SY 2021-2022
Quiz by Michelle S. Tejada
Feel free to use or edit a copy
includes Teacher and Student dashboards
Measure skillsfrom any curriculum
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
- edit the questions
- save a copy for later
- start a class game
- automatically assign follow-up activities based on students’ scores
- assign as homework
- share a link with colleagues
- print as a bubble sheet
- Q1
Ika-5 ng Setyembre 2021. Isinama ako ng nanay ko sa SM Marikina para bumili ng tablet para magamit sa aking pag-aaral. Sobrang saya ko dahil noong isang taon ay nakikihiram lang ako sa kuya ko.
Ano ang bibilhin nila sa SM Marikina?
Ibibili siya ng nanay ng laptop
Sila ay bibili ng tablet
Bibili sila ng cellphone
Bibili sila ng iphone
60s - Q2
Marahil narinig niyo na rin ang isa sa mga anekdota na may pamagat, Ang Tsinelas ni Jose Rizal. Nahulog sa bangka ang isang tsinelas niya, pero hindi na niya nahabol kaya inihagis na rin ang isa pa at nagdasal na sana mahabol pa ang kapares na tsinelas. Ano ang dahilan kung bakit hinayaan ni Jose Rizal na agusin nalang sa dagat ang magkapares niyang tsinelas?
Upang hangaan siya ng mga kasama niya sa bangka
Upang bibilhan nalang ulit siya ng bagong tsinelas
Upang maawa ang mga tao na makita siyang nakayapak
Upang magamit pa ng sinumang makatagpo o makapulot
60s - Q3
Sabay kaming naglalakad pauwi ng aking kaibigan nong biglang may tumatakbo at nagsisigaw ng “ibalik mo ang bag ko, magnanakaw, magnanakaw”. Naglabasan ang mga tao sa kabahayan pero hindi na nahabol ang magnanakaw dahil dali-daling humarurot ang motorsiklong minaneho marahil ng kanyang kasabwat. Ano ang nasaksihan mo sa iyong pag-uwi?
Magnanakaw na hinahabol
Mga tambay sa kalsada
Mag-asawang nagsisigawan
Nag-aaway na magkakapitbahay
60s - Q4
Nakita kong sobra sa binayaran ni Elgie ang kinuhang tsokolate sa canteen ng paaralan. Nong sinabi ng tindera na kumuha ng lima ay mabilis na dumakot at hindi na binilang sabay ibinulsa kaagad. Inaya akong umalis at kainin namin sa labas ng kantin. Kakain ka pa ba o hindi nalang? Bakit?
Hindi po, kasi baka sumakit ang ngipin o tiyan ko
Hindi po, kasi alam kong galing sa pagsasamantala
Opo, kasi wala naman akong pambili
Opo, dahil hindi naman ako ang nagsamantala
60s - Q5
Nakikinig ka ba ng mga Kuwentong Pinoy? Ano ang wakas ng kuwento ni Juan Tamad at ang bayabas?
Nainis dahil hindi nakuha ang bayabas
Inubos pitasin ang bunga ng bayabas
Inabot ng gabi sa paghihintay na mahulog ang bayabas
Nabusog ng bayabas
60s - Q6
Ano naman ang naging wakas ng banyagang kuwento na Cinderella?
Nag-away-away sila ng kanyang mga step sisters
Pinakasalan ng prinsipe at tumira sa Palasyo
Niligawan siya ng prinsipe
Inapi siya ng kanyang madrasta
60s - Q7
Ang dati o alam ng batang wakas ng kuwentong Matsing at Pagong ay ang paghagis ni matsing kay pagong sa ilog, sa pag-aakalang ikamamatay ni pagong ito. Sa episode kung saan nagkita uli sila matapos ang pangyayaring iyon ay sa taniman ng sili at sa isang handaang may malaking kawa ng kumukulong tubig. Ano sa tingin mo ang wakas ng episode na ito?
Nalinlang muli ni matsing si pagong
Ikinuskos ang sili sa kanyang mga mata at nabulag
Humigop ng mainit na tubig na hinaluan ng sili
Lumundag si matsing sa kawa ng kumukulong tubig dahil naniwalang pampaganda ng kutis ng nanay ni pagong
60s - Q8
Ang malunggay ay kilala lamang na masustansiyang gulay. Maaaring ulamin ang dahon at bunga nito. Matapos mabasa ang isang akda tungkol sa kahalagahan at gamit ng malunggay ay hindi lang pala pang-ulam kundi napakarami pa, kung kaya’t tinatawag na:
Food and herbal medicine/Halamang gulay
Miracle Tree/Mapaghimalang puno
Ulam na gamot pa
Pagkain ng tagabaryo
60s - Q9
Ang nanay mo ay madalas dumaing sa sakit ang ulo, nahihilo at madaling mapagod. Nagpatingin siya sa doktor at siya’y niresetahan ng gamot. Binili niya lahat ang mga ito at kailangan ding sundin ang payo ng doktor. Pagkatapos ng tatlong araw ay nakita mong bumubuti na ang kanyang kalagayan. Ano kaya ang susunod na mangyayari?
Babalik pa ulit sa doktor
Gagaling na at manunumbalik ang sigla
Itigil na ang pag-inom ng gamot sa pang-apat na araw
Hindi na babalik at gagastos pa sa doktor
60s - Q10
Si Charlotte ay madalas dumating sa klase 20 minutong huli. Tahimik at hindi nakikisali sa talakayan. Minsan nakikita na lamang na nakayuko at tulog. Kapag pinaiiwan at gustong kausapin ng guro ay tumatakas pag-uwi. Ano nalang kaya ang mangyayari?
Ipatatawag ng guro ang magulang
Hindi siya makapagtapos
Hindi papasok kinabukasan
Dadalhin ng guro sa Guidance Office
60s - Q11
Ang puso ng dalaga ay inihahalintulad sa isang bagyo na pabago-bago ang direksiyon. Anong kayarian ng pang-uri ang salitang may salungguhit?
payak
tambalan
Inuulit
maylapi
60s - Q12
Nagsermon si tatay dahil magbubukang-liwayway na nang matulog ang nagkasiyahang magkakaibigan. Anong kayarian ng pang-uri ang salitang may salungguhit?
payak
tambalan
maylapi
Inuulit
60s - Q13
Magaling gumawa ng kuwento si Maritess maski walang katotohanan at basehan. (Paglalarawan ng tauhan) Siya ay ____________.
mamamahayag
brodkaster
palakwento
tsismosa
60s - Q14
Umaga pa lang, sa harapan ng bahay na walang nakatira mahilig magtambay sina Maritess at kanyang mga kachikahan. Titigil lang sila kapag oras na ng lutuan ng pananghalian at babalik uli pagkakain. Ang tagpuan ay masasabing ____________.
bakante
tago
hayag
ligtas
60s - Q15
Kung inyong natatandaan ang kwentong “Mangarap Ka, Abutin Mo” sa modyul 3 ng nakaraang markahan, ano ang paksa ng akda?
Kahirapan hindi hadlang sa pagtatagumpay
Anak ng magsasaka ngunit nagpursiging makatapos ng pag-aaral
Mag-asawang magsasaka na marami ang anak
Nanirahan sa kamag-anak para makatapos ng pag-aaral
60s