
Filipino 7 Q2 Post-Test OPLAN to SOAR: Division Bridging Project
Quiz by Ed Genesis Tan
Track each student's skills and progress in your Mastery dashboards
Ika-5 ng Setyembre 2021. Isinama ako ng nanay ko sa SM Marikina para bumili ng tablet para magamit sa aking pag-aaral. Sobrang saya ko dahil noong isang taon ay nakikihiram lang ako sa kuya ko.
Ano ang bibilhin nila sa SM Marikina?
Marahil narinig ninyo na rin ang isa sa mga anekdota na may pamagat, Ang Tsinelas ni Jose Rizal. Nahulog sa bangka ang isang tsinelas niya, pero hindi na niya nahabol kaya inihagis na rin ang isa pa at nagdasal na sana mahabol pa ang kapares na tsinelas.
Ano ang dahilan kung bakit hinayaan ni Jose Rizal na agusin nalang sa dagat ang magkapares niyang tsinelas?
Sabay kaming naglalakad pauwi ng aking kaibigan nong biglang may tumatakbo at nagsisigaw ng “ibalik mo ang bag ko, magnanakaw, magnanakaw”. Naglabasan ang mga tao sa kabahayan pero hindi na nahabol ang magnanakaw dahil dali-daling humarurot ang motorsiklong minaneho marahil ng kanyang kasabwat.
Ano ang nasaksihan mo sa iyong pag-uwi?
Nakita kong sobra sa binayaran ni Elgie ang kinuhang tsokolate sa canteen ng paaralan. Nong sinabi ng tindera na kumuha ng lima ay mabilis na dumakot at hindi na binilang sabay ibinulsa kaagad. Inaya akong umalis at kainin namin sa labas ng kantin. Kakain ka pa ba o hindi nalang? Bakit?
Nakikinig ka ba ng mga Kuwentong Pinoy? Ano ang wakas ng kuwento ni Juan Tamad at ang bayabas?
Ano naman ang naging wakas ng banyagang kuwento na Cinderella?
Ang dati o alam ng batang wakas ng kuwentong Matsing at Pagong ay ang paghagis ni matsing kay pagong sa ilog, sa pag-aakalang ikamamatay ni pagong ito. Sa episode kung saan nagkitang muli sila matapos ang pangyayaring iyon ay sa taniman ng sili at sa isang handaang may malaking kawa ng kumukulong tubig. Ano sa tingin mo ang wakas ng episode na ito?
Ang malunggay ay kilala lamang na masustansiyang gulay. Maaaring ulamin ang dahon at bunga nito. Matapos mabasa ang isang akda tungkol sa kahalagahan at gamit ng malunggay ay hindi lang pala pang-ulam kundi napakarami pa, kung kaya’t tinatawag na:
Ang nanay mo ay madalas dumaing sa sakit ang ulo, nahihilo at madaling mapagod. Nagpatingin siya sa doktor at siya’y niresetahan ng gamot. Binili niya lahat ang mga ito at kailangan ding sundin ang payo ng doktor. Pagkatapos ng tatlong araw ay nakita mong bumubuti na ang kanyang kalagayan. Ano kaya ang susunod na mangyayari?
Si Charlotte ay madalas dumating sa klase 20 minutong huli. Tahimik at hindi nakikisali sa talakayan. Minsan nakikita na lamang na nakayuko at tulog. Kapag pinaiiwan at gustong kausapin ng guro ay tumatakas pag-uwi. Ano nalang kaya ang mangyayari?