
PRETEST FILIPINO (FOUTH QUARTER)
Quiz by Lawrence Dimailig
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Alin sa sumusunod na mga paraan ng kontekstuwal na pahiwatig ang nagbibigay ng isang palagay o konklusyon mula sa katotohanan at katuwiran?
“Ang karunungan ay para sa tao, ngunit huwag mong lilimuting iya'y natatamo ng mga may puso lamang." Ano ang kontekstuwal na pahiwatig sa pahayag?
Alin sa sumusunod na mga pahayag mula sa kabanata ang gumagamit ng paghihinuha na nagpapahiwatig ng pagpapahalaga sa kapwa?
Lumaganap ang 2000 kopya ng nobela sa Pilipinas at nakarating din ito sa mga Espanyol na labis na nagalit sa nilalaman ng nobelang ito ni Rizal. Sumailalim ito sa panunuri ng mga Espanyol na nagpasiyang ipagbawal ang pag-angkat, pagpapalimbag at pagpapakalat ng kaniyang aklat.
Batay sa talata, anong kondisyong panlipunan ang umiiral matapos isulat ni Rizal ang nobelang “Noli Me Tangere”?
Habang nag-uusap ang magkapatid, dumating ang sacristan mayor na galit na galit dahil sa maling pagpapatugtog ng kampana ng simbahan. Makikiusap sana si Basilio na pauwiin na sila nang mas maaga ngunit biglang kinalakad pababa ng sacristan mayor si Crispin. Walang magawa si Basilio habang naririnig ang pagpalahaw ng kapatid dahil pangmamalupit at pananakit ng sacristan mayor.
Batay sa pangyayari sa nobela, anong kondisyong panlipunan ang umiiral bago isulat ni Rizal ang kaniyang unang nobela?
Isang marangyang salo-salo ang inihanda ni Don Santiago Delos Santos o mas kilala bilang Kapitan Tiyago na dinaluhan ng maraming panauhin. Si Tiya Isabel, pinsan ni Kapitan Tiyago ang siyang umiistima sa mga bisita kabilang ang mag-asawang sina Dr. de Espadana at Donya Victorina, Tinyente Guevarra, ang mga prayleng sina Padre Sibyla at Padre Damaso at isang dayuhan.
Anong kaugalian ang nabanggit sa bahagi ng nobela ang nakapagpapayaman sa kulturang Asyano?
Isang marangyang salo-salo ang inihanda ni Don Santiago Delos Santos o mas kilala bilang Kapitan Tiyago na dinaluhan ng maraming panauhin. Si Tiya Isabel, pinsan ni Kapitan Tiyago ang siyang umiistima sa mga bisita kabilang ang mag-asawang sina Dr. de Espadana at Donya Victorina, Tinyente Guevarra, ang mga prayleng sina Padre Sibyla at Padre Damaso at isang dayuhan.
Alin sa mga sumusunod ang pinakaangkop na pagpapaliwanag sa nabanggit na kaugalian sa bahagi ng nobela na nakapagpapayaman sa kulturang Asyano?
Alin sa mga sumusunod na makatotohanang pangyayari ang maiuugnay sa mabuting pakikitungo sa kapwa?
“Aligaga at hindi mapakali si Maria sa paghihintay sa kasintahang si Crisostomo na halos pitong taon na niyang hindi nakikita.” Anong makatotohanang pangyayari ang maiuugnay sa bahagi ng nobela?
“Sa anim na taon na pagsasama ng dalawa ay hindi sila biniyayaan ng anak kaya’y pinayuhan sila ni Padre Damaso na pumunta sa Obando. Parang dininig ng langit ang kanilang panalangin ng magdalang-tao si Pia Alba ngunit pumanaw ito matapos manganak. Pinangalanan ang sanggol na Maria Clara upang bigyang karangalan ang pintakasi ng Obando.”
Anong kaisipan ang nakapaloob sa talata?
“Sa anim na taon na pagsasama ng dalawa ay hindi sila biniyayaan ng anak kaya’y pinayuhan sila ni Padre Damaso na pumunta sa Obando. Parang dininig ng langit ang kanilang panalangin ng magdalang-tao si Pia Alba ngunit pumanaw ito matapos manganak. Pinangalanan ang sanggol na Maria Clara upang bigyang karangalan ang pintakasi ng Obando.”
Alin sa mga sumusunod na pahayag ang may pinakaangkop na pagpapaliwanag sa kaisipan ng talata?
“____________ na ang matalinong pagpili sa nararapat na kandidato sa halalan ang makatutulong sa pag-unlad na hinihangad ng mga mamayan.” Alin sa sumusunod na mga salita ang angkop sa pangungusap upang makabuo ng pahayag na nagbibigay opinyon?
Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang gumamit ng paghahambing?
Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng katangian ni Sisa bilang isang ina sa nobelang Noli Me Tangere?
Si Sisa ang mapagmahal na ina nina Crispin at Basilio. Sa kasawaing palad, mahirap ang kanilang pamumuhay. Naninirahan lamang sila sa isang maliit na dampa sa labang bayan, idagdag pa ang iresponsable, sugarol at walang pakialam sa buhay na asawa. Martir si Sisa dahil sa kabila ng pananakit, patuloy pa rin niyang sinasamba ang asawa.
Batay sa talata, ano ang pinaka-angkop na katangian ni Sisa bilang ina?